read.cash Log in
@Emeline more from that month

Greatest gift Isang magandang balita na dumating sa akin ngayon gabi ang paglabas ng Isang Angel. Pinadalhan ako ng aking kapatid ng picture nilang dalawa patunay na nanganak na ang asawa nya.sabay sabi "nasa kamay ko nasiya hawak hawak ko na sya"bakas sa mukha nya ang kasiyahan. Ito na ang pinakamaligayang araw nya ngayon.pinakamalaking regalo nataggap nya sa bagong taon at pan habang buhay ang kanyang angel kung saan nagpapatibay sa pagmamahalan ng mag asawa. Makikita sa mukha ng kapatid ko talagang masaya sya makikita na nya ang munting jr.nya.masaya sya nagkwento sa akin mula pag labor ang asawa nya hanggang nanganak nang doon talaga sya at pinakamalaki na gawa nya doon ang pagputol ng pusod ng anak nya. Tatay na sya ,lalaki ang panganay nya mayroon na magdadala ulit ng apelyedo nya. Salamat normal delivery naman ang asawa nya. Natuwa rin ako para sa kanya kaya hindi napigilan ang sarili ko hanggang dito na share ko rin ang ganap nila at kwentuhan namin. #Congratulation brod #Welcome baby boy #Greatest gift from god Emeline

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.