read.cash Log in
@Emeline more from that month

Kàhapon palang binili ko na to binalot ko agad kagabi para ngayon ready na sya. Kasal ng anak ng kaibigan ko sa simbahan Katoliko, Isa kami sa ninang at ninong sa kasal nila mamayang hapon. Hindi kami makatanggi mag asawa dahil malapit sya sa amin at parang pamilya narin sa kanya . Mamayang hapon pa nman ang silibrasyon .sana mag asawa sila ng masaya kahit anong pagsubok na darating sa kanila kakayanin.hindi madali ang pagkaroon ng asawa o pamilya.Pero ang payo ko lang sa kanila basta ang panginoon nasa sentro ng buhay nila at magmamahalan ng tapat bawat Isa. Dahil excited na rin ako mag ninang punta muna ako sa bayan para makabili ng panpakulay sa buhok para matakpan ang puting buhok ko baka mamaya mukhang Lola ako doon 😂😂😂😂 Pero bago Yan lahat magluto muna ako Ng almusal namin para kahit anong oras na ako makauwi ready narin ang pagkain namin at kakain na rin ang mga anak ko pagkagising. Magandang umaga kainggay.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.