Ampalaya with egg Kamusta kayo mga kainggay?? Mahabang oras hindi ako nakasilip dito dahil nga napakahina ng signa sa amin.l Buti ngayon kahit papaano mayroon na. Bagong mag umpisa ng almusal, sumilip muna ako dito.maagang na prepare ng ulam namin at nagluto maaga din ako kakain dahil may pupuntahan kami. Ginisang ampalaya at itlog ang niluto ko walang sahog kaya dinamihan ko lang ang itlog. Walang sabaw ang gulay ko Kaya nagtimpla lang ako ng Choco coffee ito na ang silbi kong sabaw. Para paraan lang talaga at malamig na umaga tama na naman siya . Kanina maulan pa pero ngayon parang lalabas na si haring araw, sana tuloy na ang init kahapon kasi mainit pero hindi kinalimutan umulan din sa hapon. Cge kainggay tuloy ko muna ang almusal ko,kayo din kain na . Happy weekend everyone #BREAKFAST 📸Emeline
No comments yet