Orange Rose Cactus The color of the flower is a bright orange,the backdrop of glossy green large leaves. Agaw tingin din siya sa mga mata ng mga tao sa unang tingin nila Binigay to ng kapitbahay ko ,noon dalawang buwan nakalipas. Nilagay ko lang siya tabi ng pader . Sa una hindi ko siya gusto dahil nga matinik ang mga tangkay niya. Parang binaliwala ko siya doon sa tabi . Kaninang madaling araw umulan ,kaya pinuntahan ko mga hardin ,para rin mag good morning din sa kanila. Nabigla ako nakita ko tong binigay ng kapitbahay namin namulaklak na siya. Sa totoo lang hindi ko pa to nilipat sa tamang paso ,nasa plastic lang siya pagbigay niya sa akin.ililipat ko lang daw sa malaking pot. Dahil hindi ko gusto sa una hinayaan ko nalang. Pero ngayon may natutunan ako dito . Dapat huwag baliwalain ang mga bagay na Hindi ko gusto ,darating pala ang mga panahon na matutuklasan mo may taglay na kagandahan sila na ikasasaya mo rin. Noon pinabayaan kita Ngayon alagaan na kita. Babawi rin ako sayo. Ang ganda pa naman ng patak ng ulan sa mga dahon mo. Sana ganon din kaganda ang patak ng buhay ko ngayon. 📸 Emeline
2 comments
it's a beauty born out of big leaves
Napakagandang bulaklak ng Rosas iyan, friend! Alagaan mong mabuti iyan.