BISAYANG MANOK (NATIVE CHICKEN) Dahil araw ng pasukan na nman ngayon kailangan ko bumangon, magsain at magluto ng agahan para bago sila umalis makapag almusal muna sila."health is wealth"hirap na magkasakit lalo na ngayon kailangan papalaksin ang resistensya natin panlaban sa kumakalat na virus. Kinatay ko ang sariling alaga kong manok Isa lang to sa kulungan ,matanda na sya pero mataba . Para makahigop naman sila ng mainit na sabaw kinatay ko ang sariling alaga kong manok. Nilagyan ko ng kamatis , sibuyas ,hugas bigas at maraming luya para may kunting anghan sya pati na rin dahon ng tanglad.hindi sya tinolang manok na may papaya at dahon sili kundi "Binakol"Ang tawag ko dito ,ito ang ginawa ko klaseng luto. BINAKOL ang sikat na klaseng luto ng manok sa bayan kong sinilangan sa bayan ng Cabatuan o Isa sa paboritong ulam ng mga IIonggo. Lahat ng okasyon hindi ito mawawala sa kanila. Pero dito na ako ngayon nakatira sa Aklan sinubukan ko mag luto ng Binakol sa pressure cooker para madali sya palambutin . ang totoong Binakol niluto sa kawayan . Mahirapan na ako kung sa kawayan ko pa sya lulutuin . Habang pinakuloan ko sya tambay ako dito saglit. Cge mga kainggay patuloy ko muna ito ginagawa ko mamaya ulit.magandang umaga sa lahat. #native chicken #binakol #have a blessed Monday @Emeline
1 comment
Good morning friend and it's looks so tasty and delicious too see keep enjoy