PRACTICE 101 Buong hapon ko to ginawa ang pagpadyak.. Pero hindi parin kinaya hindi parin ako masyadong marunong dito.kailangan pa ng maraming practice at oras para masanay ako. Gustong gusto ko matuto sa pàg bisekleta kahit masakit na ang tuhod go parin. Hiningal ako ng husto at ang paa ko nanginginig pagkatapos ng practice . Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko .. Ganito siguro pàg baguhan pa ,Hindi sanay. Hanggang ngayon masakit parin ang mga tuhod at hindi mawawala ang pasa sa paa ko buhat ng pagbagsak ko sa bike. Sana sa sususnod na araw alam ko na at didiretso na ang pagpadyak ko para makapagbisekleta na rin ako papuntang port . Tiis muna ako dito sa likod ng bahay namin sa rough road na daan para safe sa akin walang sasakyan dumadaan. Bukas hindi muna ako mag practice. May kailangan lang kami puntahan ng asawa ko . Insaktong 4am kailangan nakaalis na kami dito sa bahay papuntang Iloilo dahil sa Awarding Ceremony nila. Goodnight mga kaingay at salamat din sa mga biyayang binigay niyo sa akin. Pahinga muna ako ,kitakits bukas. #keep trying 📸@Emeline
6 comments
Magandang exercise yan sis! Nakakaenjoy naman. Balancing is really fun to try. Sa sunod sa kalsada na.
Sana nga gusto ko yan sa kalsada kaso hindi pa ako sanay practice muna hanggang masanay
ganda naman sa likod niyo maganda mag bike bike jan tuwing umaga, ako naman natutu magbike noong bata pa ako grabe inabot kong galos at pasa para matutong magbike pero worth it sobra ang sya saya kaya magbike lalo kapag umaga pangpapawis
Kaya nga gusto ko talaga matuto mag bike para exercise ko rin tuwing umaga to.
Ako po ay di pa Rin maalam mag bike. Ang ganda Naman Ng likod bahay nyo sissy . Maganda nga dyan mag praktis Wala Kang makakasalubong na sasakyan
Huo sis walang sasakyan dumadaan kaso lng medyo mahirap din sympre baguhan tapos may portion na mabato