Thank you lord!! Kahapon ng hapon natanggap ko na ang pinadala ng anak ko na panganay ang maxicare card namin ng papa niya, isa sa mga benipesyo niya to sa trabaho. Salamat laking tulong to sa amin ni papa niya incase kung ano man darating sa buhay namin,pero kung pwede hindi magamit mas maganda ayaw ko magkasakit pero hindi naman tayo mga bato darating ang panahon aabot din tayo sa punto magkaroon ng sakit mas mainam na laging handa. Masaya ako para sa anak ko kahit papaano nakatulong na siya sa amin,maganda sa feeling na may anak kana tumutulong saiyo. Naisip ko kung may anak kang responsable may pàg mamahala at respeto pala sila sa atin kahit sa anong paraan tutulong sila . Sa unang sahod niya kami din papa niya ang iniisip niya .salamat sa panginoon may ganitong anak kami na malalahanin sa amin. Laging hagad ko lang maging mabait at responsable silang anak at pinapanalangin ko isa silang mabuting anak sa kanilang magulang ,at naramdaman ko yan. Salamat panginoon...
2 comments
sana ganyan din mga anak ko paglaki nila swerte kayo sis napalaki niyo nang maayos mga anak niyo laking tulong yan sa kalusugan niyo
Maganda po ang ganyang anak nagkukusa ng tumulong sa mga magulang bihira na ang ganyan gandang morning