read.cash Log in
@Emeline more from that month

Ready to cook Gulay na may kasag o alimasag ang lulutuin ko ngayon para sa almusal namin. Ipaghanda ko muna to, para ang monggo mababad sa tubig at madali siyang ilaga mamaya. Kahapon ko pa to pinamili sa palengke para ngayon ready na para kung ano ang lulutuin ko ngayon. Bago ko yan umpisan lutuin, dito muna ako sa balkonahe. Kape tayo sa hindi pa nagkape , habang umiinom ng kape sabay narin painit,medyo malamig ang hangin pero sigurado ako mamaya grabi ang init dilat na dilat si haring araw umaga pa. Lunes na naman, busy day ko to.marami ako dapat puntahan at gawin.pero ok lang yan kahapon buong araw ako nagpahinga kaya nakabawi rin kahit paano para may power para ngayon. Punta doon ,punta dito naman ang schedule ko ngayon. Kung hindi ko matapos ipagliban ko nlang para bukas . Pero bago rin yan lakarin lahat, magluto muna ako almusal para makakain sila lahat ,pati narin ako para hindi na mag alburuto ang tiyan ko kahit ano oras ako makauwi. Tapusin ko to ang iniinom ko para makapasimula na ako. Magandang umaga sainyo lahat. 📸@Emeline

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.