read.cash Log in
@Emeline more from that month

OMG !!!bundat ako sa tanhalian ko kanina . Pritong isda na tamban at linapwahan na dahon na kamote pero linagyan ko ng maraming sibuyas Gumawa din ako ng sawsawan na may kamatis at sibuyas na may sili. Naku!magana ang kain ko hindi ako naniwala at hindi napigilan ang sarili dami ng kain ko. Pagtayo ko galing sa misa ang bigat ng tiyan ko . Hindi na ako uminom ng tubig baka lalo bumigat pa.mapakain talaga ako ng marami kung gulay ang ulam ko tapos may partner na kahit tuyo o pritong isda. Pero ilang minuto nakalipas parang ahas ako nagkakain ng buong hayop kailangan ko umupo at iluwal lahat ng kinain ko para magaan lang pakiramdam ko . Buti nlang binigyan ako ng asawa ko ng mainit na tubig hanggang medyo magaan na ang pakiramdam ko. Pinagtawanan nila ako dahon ng kamote palang daw ang ulam ko sumama na ang pakiramdam ko sa sobrang busog paano nalang daw kung letson pa baka mamatay na daw ako sa sobrang busog.hahahaha. 🤣🤣🤣 Ito ang epekto na sobrang takaw ko sa pagkain ...Hanggang ngayon nagpahinga parin ako ,mamaya sa hapunan hindi na ako kakain .Isang basong gatas nalang at Isang pirasong tinapay ayos na. Natakot ako bigla pakiramdam ko hanggang dibdib ko na ang mga kinain ko. Kailangan dahan dahan lang tayo sa kain hindi pwede sobrang busog iba na rin ang epekto sa katawan natin. #busog

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.