read.cash Log in
@Emeline

@Emeline in February 2023

@Emeline

Kanina galing ang asawa ko sa airport,may besita siya sinundo galing Manila para kasama nila bukas doon sa Caticlan para sa darating nila na event. Pagdating niya sa bahay niyaya niya ako kumain sa labas ,Hindi ako nakatangi lalo na libre ako sa kanya alam ko naman bukas alis na siya at alam niya rin ito ang gusto ko sa kanya pàg umalis may oras nakalaan sa amin kahit saglit lang. Kahit batsoy lang kinain ko doon sa pinuntahan namin pero masaya na ako lalo na libre ng asawa…

@Emeline

Midnight snack Hindi ako makatulog ,ganito lang siguro ako pàg wala ang partner ko 14days sa Boracay ang assignment niya dahil sa ASEAN summit. Gumising nalang ako at nagluto ito pasta na nilagyan ko ng gulay ,ito ang nakita ko loob ng refrigerator kaya ito halo halong gulay ang nilagay ko sa pasta. Habang kumain nagkinig ng music parang niliban ko na rin ang sarili ko. Tara kain Tayo..

@Emeline

Thank you my Amiga!! Pasalubong galing Iloilo,isang kaibigan ko namasyal sa Aklan para magbakasyon din sa Boracay. Nagkita kami kanina sa isang restaurant para kumain sila ng tanhalian bago umalis ulit. Ito ang pasalubong niya sa akin ,Ang sarap na gustuhan ko lalo na mga Bata. Maligo ang panahon tamang tama sa mainit na kape. Meryenda Po tayo..

@Emeline

Hello!! Busy ang araw ko lalo na ngayon wala dito ang asawa ko ,sarili kong desisyon, sarili ko rin lakad kaya minsan lang ako nakaupdate dito. ASEAN summit ngayon kaya busy siya sa trabaho lalo na sila ang host ng event . Hanggang litrato nalang ako kung ano ang ganap doon sa Boracay. Medyo matagal pa uwian nila ,mula February 1 pa siya doon pero ayos lng yon basta importante magawa nila ng maayos ,mapayapa at maganda ang trabaho nila. Matulog ako ng maaga para bukas maaga…

@Emeline

Sa ilang araw na wala siya sa bahay , masaya siya nag update sa akin ang asawa ko na pauwi na daw sila.pero sa ngayon nasa speed boat na daw Siya. Kaya busy rin ako sa pagluto ng pagkain ,isda at gulay ang ulam na inihanda ko .alam ko naman puro meat sila doon. Salamat natapos na rin ang event nila ,makapagrelax na rin siya sa bahay.

@Emeline

Hi!!! Ito ang pinakamasaya sa buhay ko yon mga inaanak ko tinatawagan ako. Malayo man sila ,pero napakalapit nila sa puso ko. Ano man nangyari na diyan parin sila. Isa rin sila sa mga naging nagkompleto ng araw ng valentine ko..Hindi lng inaanak kundi anak na talaga ang turing ko sa kanila. Salamat ngkaroon ako ng ganitong inaanak na maalalahanin at mabait. Goodnight everyone ☺️☺️

@Emeline

Masarap sa feeling ng isang Nanay kung makikita mo kompleto ang mga anak mo kasama sa bonding tapos dinagdagan pa ng mga kapatid mo. Masaya ako pagkasama Silang lahat . Happy Tuesday 🙂🙂🙂

@Emeline

Banana boat Masaya na nakakatakot pero ang kapatid ko diyan umiyak sa kaba lalo na paglumalakas ang hila sa amin at lumulundag sa malakas na alon. Isang karanasan natutuwa sa takot hahahaha... Lahat nakaramdam ng pagod ,pagod na sobrang hawak sa lubid para hindi mahulog lalo na ako isang kamay lng ang mayroon pwersa dahil nga may sugat pa. Pero sa kabuuan Masaya parin kami naranasan ito dahil ilang beses kami bumalik ng Boracay hindi namin nagawa ito dahil nga sa takot.…

@Emeline

Kumain kami sa labas kagabi,dahil ang panganay kung anak bumalik na sa manila kanina at bukas may trabaho na siya ulit. Masaya kami ni papa niya libre ang hapunan namin lahat sagot niya.tapos kumain nag inuman sila . Kahit anong oras na kami nakatapos ok lang sinamantala na ang gabi,alam ko isang taon nman siya ulit uuwi. Maaga ako ngayon matulog para maaga rin ako gumising para magluto ng almusal ng mga bata. Lunes na naman ulit ang bilis ng araw . Good evening..

@Emeline

Salamat ulit sa blessings galing sa kaibigan ko . Slingbag at bread hindi ko alam ang pangalan ,ang alam ko lang masarap na klaseng tinapay at parang mahal ang bawat slices nito. Nagparamdam na si bff na malapit na ang summer,pero sa ngayon malakas ang ulan parin. Nagustuhan ko rin ang slingbag niya pan summer talaga. Sana tag init na para magamit ko rin ito.