Happy New Year everyone Thank you 2022 Welcome 2023 Sana mabiyayaan tayo ng magandang pangangatawan lahat at makakain araw araw. Good night
@Emeline in January 2023
Masaya ako nakatanggap ng regalo galing sa katrabaho ng asawa ko noon pa nila to binigay kaso isang araw ko lang nakuha dahil nasa bahay ako ni Nanay. Sana yayaman ako sa wallet na ito 🤣🤣sabi nila swerte daw pàg may nagbigay ng wallet ..at sana swertehen din ako... Swertehen man ako o hindi sa wallet na ito ang mahalaga binigyan pa rin ako ng regalo at masaya ako sa natanggap ko galing sa kanila. Good evening..
Bukas higante parade na dito sa amin sa Aklan. Pero sa loob lang kami ng bahay. Hindi maganda ang panahon. Mas excited pa nga kami sa darating ng dinagyan. Larawan namin magkapatid kung saan bumili kami ng t-shirt na dinagyan at damit sa BAYO isa sa paborito ng kapatid ko ,pero ako hindi medyo may kamahalan .Kuha ko pa to kung saan nagbakasyon ako sa amin probensiya. Sana bukas maganda na ang panahon para ang mga bata makalabas din at makasaksi ng mga palabas. Malamig na…
Kahit pagod pero worth naman.. Masaya ang mga bata kanina nakalabas ng bahay para masaksihan ang higante parade . Ngayon nasa opisina kami ng asawa ko. Plano namin pumunta sa Magsaysay park para manood at makijamming sa kantahan ng mga artista. Pero bago kami pumunta doon kumain muna kami dito sa opisina nila daming pagkain,nagluto si boss nila para sa mga besita. Enjoy ko muna ang gabing ito kahit maingay ang importante may masarap na pagkain ang harap ko. Good evening..
Ready na si baby Ethan sa kanya pàg uwi. Kaya busy na rin ang Lola niya sa paghanda sa pagdating niya.Habang busy sila sa amin probensiya busy rin kami dito sa panood ng mga parada ng mga tribu. Pero ngayon kakatapos na rin ng parada ng mga tribu bago umulan.salamat binigyan rin sila ng maganda panahon hanggang matapos Saka bumuhos ulit ang ulan. Keep safe sa flight ng pamankin ko.
Hayahay ulit.. Isang tawag na natanggap ko galing sa isang kaklase ko noon sa kolihiyo.Isang ganap na guro sa publikong paaralan. Nagkita kami kung saan may parada ang mga guro. Na miss ang bawat isa kaya kanina tinawagan niya ako para kumain sa isang resto bar. Maraming kwento ang nabuo ,kahit hindi ako tulad nila bilang guro pero masaya ako sa amin pagkikita. Hindi ko akalain kahit ilang taon nakalipas ,sa amin pagtagpo ulit walang pagbabago doon parin ang amin…
Good morning Natapos na ang okasyon sa amin ang tinatawag na ati atihan.ito sa paborito ko ang mga bata kung saan isa sa mga sumali sa parada. Kaya sila ang maganda sa panigin ko at hindi ko rin pinalampas magpakuha ng litrato sa kanila. Sa Saturday at Sunday sa kabilang bayan naman sa Ibajay o dinagyang sa iloilo, peroas gusto ko sa Iloilo para makauwi rin ako sa bahay ni nanay. Medyo malamig parin ang umaga , umulan kanila kanina buti nalang huminto na ngayon. Tara na…
Simpleng hapunan pero puno ng kasiyahan. Alam ko nagustuhan ito ng besita ko . Bihira lang to sa kanilang lugar ang seafoods lalo na ang alimango.kaya naparami siya ng kain at ang saya niya nakatikim ulit ng alimango ilang taon nakalipas. Habang ako kumain marami siyang kwento sa buhay niya,nauna kasi Siya natapos kumain sa akin. Napakasimpleng babae walang Arte pero makikita mo ang kagandahan ng loob niya at napahanga ako sa kanya lalo na narinig ko ang istorya ng buhay…