Midnight snack with my daughter. I couldn't sleep so I decided to go to my kitchen and see what I can find to cook and here it is, Canton with cabbage. Ate it with my daughter while she is studying for her quiz tomorrow. Well that's it for tonight, have a good night!and I'll be sleeping as well. Goodnight 😘😘😘
@Emeline in December 2022
Good morning.. Cute na Batang ito. Pamankin ko first experience niya sa snow..Ang cute niya tingnan sa damit niya. Maaga pa siyang tumawag para ipakita sa akin ang mga litrato niya kung saan namasyal Sila. Kagigising ko lang masarap ang tulog ko dahil malamig ang panahon. Bago simulan ang trabaho magkape muna tayo Happy weekend 😊😊
Pista ni Santa Barbara Bago kami umalis kanina sa amin ,kumain muna kami sa bahay ng kumari at kumpari namin dahil pista sa kanila. Lahat ng pagkain nila masarap luto ng anak niya. Hindi lang pàg kain ang masarap kundi damang dama ko rin ang ispirito ng Christmas sa bahay nila ang daming Christmas decors at ilaw. Salamat sa kumari at kumpari namin nabusog kami sa mga handa nila.
Hello Bacolod Anong oras na kami dumating kagabi,pero maganda ang biyahe namin hindi mainit. Anong oras na rin kami natulog 2:30am na minsan lang magkitakita may dahilan pa medyo malayo kasi lalo na kung may pasok ang bata hindi kami agad makaalis. Namasyal kami sa tita ng asawa ko maysakit. Medyo Hindi na maganda ang kalagayan niya importante napuntahan namin at nakilala parin niya kami. Kain Muna tayo bag o naman umalis..
Goodbye Bacolod Lunes ngayon kailangan Naman gumising ng maaga at mag asikaso sa pamilya para makapasok sa trabaho at paaralan. Sa ngayon bye muna Bacolod sa muli pagkita naman. Sana magaling na ang tita namin. Good morning everyone
Bilisng araw martes naman. Tapos na magluto ng agahan, piniritong itlog ang ulam namin para mabilis lutuin at isa sa gusto ng anak ko ulam sa agahan. Larawan ko to kahapon habang sa loob ng barko kung saan pauwi na ako ,biahe galing Bacolod to Dumangas port. Medyo pagod sa biyahe pero baliwala lang sa amin ang importante mapagbigyan ang hiling nila makapunta kami sa amin tita na mayroon sakit. Oras na rin mag relax muna ...sa loob ng Bahay ang duty ngayon..
Pagkatapos ng hapunan sa loob agad ako ng kwrto gusto ko agad magpahinga. Ampalaya na hilaw na may kamatis , sibuyas at linagyan ko ng kunting calamansi Yan na ang ulam ko kung tawagin sa amin "kilawin na ampalaya". Medyo hindi maganda pakiramdam ko dahil sa gamot iniinom ko na pain reliver lagi ako inaantok dahil kanina nadapa may naga lang sa kamay ko. Goodnight see you tomorrow..
Kunting tiis nalang magaling Karin. Namaga siya buti nalang hindi na pilay ang kamay ko.Naout balance ako habang naglampaso ng sahig sa sobrang dulas. Pasalamat ako ito lang inabot ko hindi ang ulo ko tinamaan. Pero sa ngayon ok na hindi na siya makirot ,cold compress at mefenamic acid ang katapat niya. Dapat dobleng ingat lalo na tumatanda ang hirap. Good morning...
Miss ko ulit kumain ng buko halohalo lalo na ngayon mainit ang panahon. Isa rin sa dinadayo ito ng mga tao sa Iloilo ang DeoRios.napadaan kami isang araw doon ang sarap ng pagkain nila pero ang pinaakagusto ng asawa ko ang inihaw na heto at sisig . Pero ako satisfied sa halohalo na inorder ko ang daming ingredients sa halagang 115pesos sawa kana at busog kapa. Kahit malayo pa biyahe namin pero sulit naman Sana matikman ko ulit ito ang buko halohalo nila
Malakas ang ulan kaya dito lng ako sa loob ng Bahay. Ito nalang ang ulam namin tuyo. May alak sa katabi niya binigay ng kaibigan ng anak ko kaya hayaan ininum niya tuyo din ang partner niya. Hindi ko alam kung may bagyo o Wala?pero ang lakas ng ulan. Ingat po kayo mahirap magkasakit . Kain Po ...
Crabs Thank you sa sexy kong kapitbahay sa binigay niyang alimango. Sympre hindi ko na to palipasin Tara na kain tayo.
GIFT Maagang pamasko galing sa officemate ng asawa ko. Friday pa to gusto niya ibigay sa akin kaso nakalimutan ng asawa ko kaya kanina ko nalang natanggap. Isang MARIKAI bag at isang t-shirt mura man to o mamahalin ang mahalga sa akin naalala niya ako bigyan at pinagpahalagahan ko rin to.Pinadala daw ng tita niya galing sa ibang bansa kaya laking tuwa ko rin binigyan niya ako. Kahit pinagsawahan niya lang ayos na sa akin pero hindi nagbigay pari ng bago.may malaking puso…
Isang linggo na ngayon binisita namin ang tiyahin ng asawa ko may sakit kaya isang linggo narin ngayon ang larawan nato kung saan pàg uwi namin namasyal kami ng asawa ko at kumain sa Deorios Isa rin sikat na restobar sa Dumangas Iloilo. Maganda ang paligid puno ng bulaklak na sunflower at ilaw lalo na kung sa gabi ka mamasyal . Share ko muna to bago ko delete sa gallery ko. Goodnight everyone 😚😘😘
Snacks Dapat kanina pa to pagkagising ko kaso diretso ang duty ko sa kusina alam niyo naman basta lunes Ang Nanay laging busy sa paluluto paglinis ng bahay at kung ano ano pa. Nakalimutan ko na mag kape o almusal ngayon ko lang naalala may ibos at puto ako ,binili ng asawa ko kanina .Hindi natapos ang gawain ko hindi ko alam hanggang ngayon hindi pa ako nakakain. Mga kaingay Tara almusal Muna Tayo .. Pagkatapos ko kumain saka ko naman balikan ang trabaho ko . Ingat kayo ..
Kaninang hapon may besita kami sinundo sa bayan ,papunta ng Boracay may bibigay lang na papeles sa amin para gamitin ng asawa ko bukas sa trabaho nila. Bago sila umalis kumain muna kami sa JD at lumpia ang inorder ko doon sa asawa ko carbonara at pansit bihon ang kasama namin. Ngayon ko lng natikman ang lumpia sa JD ang sarap pala nagustuhan ko. Goodnight sa lahat,bukas maaga ako gigising dahil maaga ako magluto , kailangan 6am nakaalis na ang asawa ko may susunduin besita…
Hello.. Ito si Luna ang alaga ng kaibigan ko.Hindi ko alam kung anong klaseng lahi mayroon si Luna,Basta kahapon pagpunta namin sa bahay nila nakita ko agad Siya maamo klaseng pusa. Hinawakan ko siya at kunan ng litrato pero naramdaman ko siya natulog sa kamay ko..Ang cute niya.parang antukin na pusa to si Luna. Naaliw ako sa kanya pero ayaw ko mag alaga ng pusa dahil nga may asthma ang anak ko. Medyo hindi maganda ang panahon ngayon madilim ang kalangitan at maambon. Ingat…
Crabs Pasalubong ng asawa ko galing sa opisina nila kanina dahil marami silang besita galing Regional office. Ang mga taba nila kahit tatlo lang pero sulit. Sabi ng asawa ko hirap na ngayon ang stocks ng alimango bukod pa diyan ang mahal ng per kilo. Makatikim lang ako nito kung bibigyan ako . Buti nalang naalala lagi ako ng asawa ko pàg may alimango sila may dala pauwi sa akin ,alam niya isa sa paborito ko ito.... Good evening kaingay..
Maaga kami natulog dahil nga pagod ang asawa sa travel niya .pero pagdating ng 1:00am nagising ako at hindi nakatulog ulit. Malapit na isang oras nakahiga lang kaya ito bumangon at naggisa ng gulay at nilagyan ko ng sotanghon. Tara kain Tayo.. sana dalawin ako ng antok para mamaya hindi masakit ang ulo ko,pagkulang kasi ako sa tulog kadalasan sumasakit ang ulo ko. Good night everyone...
Hello !! Kamusta na kayo? Alam ko oras na ng panhinga ng Nanay o oras na paghataw ng trabaho sa may opisina . Ako kakauwi lng kakain at aalis muli,may mga importante lakad lang. White flower hindi ko alam kung ano ang insaktong pangalan.nakita ko lang to sa harap ng palayan. Agaw pansin siya at may maganda taglay rin kahit sa mga damuhan ko siya nakita. Kung minsan na napaisip ako kahit wala sa hardin natin sila makikita huwag natin ibaliwala dahil may naiiba rin silang…
Kahapon pinasalubongan ako ng asawa ko ng alimango. Pero kanina tagaluto na,nakatanggap ako ng tawag galing sa kasamahan sa trabaho ng asawa ko na pwede puntahan ko sila sa opisina para tulungan magluto ng alimango dahil maraming besita Ang darating uli.10kilos lahat ang naluto ko ,Ang masaklap pa limang salang ako dahil tag 2kilos bawat tao,kaya bawat salang tag dalawang kilo rin..hay nakakapagod hindi naman ako gusto magkamali bawat kilo ,kaya hiwalay hiwalay ang pagluto…
Pagkatapos ng trabaho buong araw kahapon,naglaan din kami ng oras ng asawa ko lumabas para makapag relax kagabi. Pagkatapos namin kumain nagyaya si mister para uminom kahit isang bote na redhorse nag enjoy rin siya lalo na may kantahan doon,at ako naman pizza at malamig na tubig. Kung minsan masarap din lumabas kasama si mister para makapag relax din tayo. Ngayon trabaho nman ulit sa kusina na ang duty para magluto ng tanhalian. Dito nakaikot ang buhay ko bilang Nanay.
Malapit na ang ati atihan sa Aklan sa January na ,kaya busy na mga guro sa paghahanda ng costume nila. Ito daw ang costume nila at excited na rin ang bunso ko sumali pero ako nagdalawang isip pa baka may besita kami at hindi ko siya maasikaso. Ito yon pinakita ng guro niya sa amin kanina sa gc namin para pagkatapos ng Christmas party nila ito naman ang paghandaan ng mga Bata. Simbang gabi na bukas sigurado ang iba diyan nakahanda na.sana isa rin ako diyan...
Ibat ibang flavor ng chocolate cake. Pasulobong galing Bacolod ng kaibigan ko. Galing ng Christmas party ng mga bata diretso ako agad sa bahay nila dahil may mensahe ako natanggap gusto niya mameryenda kami dalawa sa bahay nila. Apat kami kumain pati sa dalawang anak niya bago kainin sympre picture kuna para may dito. Napakasarap kahit isang hiwa lang ang sulit niya. Strawberry ang napunta sa akin alam mo naman pàg bata sa kanila ang tsokolate. I like Ang I love it.
Christmas party ni bunso kahapon, excited Siya pumunta ng paaralan ng maaga ,sumali rin siya sa sayaw. Natuwa ko sa kanya todo bigay din sa sayaw niya pero halos lahat nman ng kaklase niya hataw din sa sayawan. Maraming siya natagap na candy dahil sa pa games ng guro niya. Maliit man o malaki basta mga bata makatanggap ng regalo sobrang saya nila,tulad ng anak ko tuwang tuwa kahapon pàg uwi niya marami siyang dalang pagkain na biscuits at candy. Feel niya talaga ang pasko.
Garden weeding Kasal ng anak ng kaibigan namin ngayon,Isa na rin kami sa besita nila. Pagdating sa babae ito ang pinakamaligayang araw yon binigyan ng isang lalaki na tinatawag na kasal. Kung baga ang buhay mo buhay nila,Buhay nila buhay mo rin.Hindi ka na sa bahay ng magulang mo kundi pagkatapos ng lahat isabahay ka na niya. Naramdaman ko ang saya sa puso ko habang kinakasal sila , naalala ko yon kasal namin mag asawa ,habang palapit kami sa altar naging matibay ang…
Dahil walang klase, bakasyon na , excited si bunso lumabas. Pumunta kami ng City Mall para may bibilhin lang naghingi siya na kunan ko daw ng litrato ,sympre si mama hindi nakatangi ,agad naman nakapwesto si bunso sa Christmas tree. Tuwang tuwa siya sa kuha niya lalo na maraming dekorasyon kaya feel niya ang pasko. Minsan lang siya lumalabas sa bahay kaya nag enjoy rin siya. Good evening..
Letson pabo Ngayon ko palang to natikman ang lasa niya pala. Binigay ng kaibigan ng asawa ko kahapon sa kanya . Marami siya alaga na pabo balak niya ibenta dahil magasto din sa pàg kain. Kaya isang araw may okasyon sa kanila ginawa nalang niyang litson para mabawasan ang alaga niya at bawas gasto rin. Hayan ininit ko ulit ,masarap kumain kapag mainit. Hindi maganda ang panahon medyo malakas ang hangin at malamig . Sarap din magkape kung ganito ang panahon. Good morning...
Malamig ang panahon,masarap humigop ng batsoy. Umalis ako kanina at hindi ko na pinalampas kumain ako ng batsoy sa bayan. Sa ganitong panahon bagay ang ganitong sabaw. Mapawisan ka ...Isa pa isa rin to sa paborito ko. Ngayon plano ko maglaba para wala na akong labahin baka sa susunod na araw Plano ko magbakasyon kami sa amin lugar sa Iloilo. Oras na rin makapahinga sa trabaho sa bahay at makibonding sa mga kapatid ko. Sana matuloy para mga bata makabakasyon din bago bumalik…
Good morning Lumabas na si haring araw pero medyo makulimlim parin ang ulap. Birthday ng anak ng kapitbahay namin kahapon kaya nagyaya sila doon kami maghapunan. Simpleng handaan pero masarap ang luto nila lalo na lahat ng handa nila ay native na manok. Hinubaran kung tawagin dito ,adobo,at mayroon linuto sa gata lahat native na manok iba talaga kung sariling alaga. Masarap at malasa ang pagkaluto. Late na gumising walang pasok ang mga bata kaya bawi muna ako sa tulog. Bago…
Dinner Hindi ko na expect itong gabi na kakain kami sa labas. Tumawag ang inaanak ko para papuntahin kami sa isang resto bar para doon nila kami pakainin ng hapunan . Bukas alis na siya papuntang manila para sa trabaho niya sa Dubai.Wala na silang magulang pero masaya sila nandito kami bilang silbing magulang para kanila.kahit paano naalala parin nila kami kung uuwi sila dito. Bukas balik na siya, kaya nagpapakain Siya sa amin. At nag enjoy na rin kaming pamilya sa kanila.…
Leahs tinuon Nakuha ko kumain sa sinasabi nila isang sikat na tinuon na bisaya o native na manok sa probinsiya ng Cabatuan. Wala rin kaming plano umuwi kanina gusto bukas o sa susunod na araw. May emergency meeting ang asawa ko kaya nakisabay nalang kami para isahan nalang at hindi na kami mahirapan pa. Oras na ng hapunan hinihintay ko nalang Sila dumating at mag umpisa na kami kumain. Good evening
Good morning Pilipinas Late na gumising anong oras na nakatulog kagabi. Nag inuman ang asawa at kasama niya sa trabaho pagkatapos nila galing sa regional office para sa kanila year end reports. Kahit dalawa lang sila pero nag enjoy parin .. Natuwa naman asawa ko dahil may inasal na heto at binakol na manok na native sila Nanay na hinanda para sa kanila.. Kain muna ako magkape para makatagnood ng basketball ng anak ko. Happy Thursday everyone
Bonding with my cousin Pakagaling ko ng Robinson at sm city diretso agad kami sa isang Bahay ng amin cousins. Isang inbetasyon ang natanggap ko para doon kami maghapunan sa bahay nila. Pagkatapos ng kain doon rin kami nakapwesto sa rooftop ng bahay nila para uminom apat.Wine ang binuksan niya dahil alam niya ito ang paborito ko. Ngayon nasa bahay na ako at nakahiga na Bukas maaga rin gumising para magsimba. Good night
Mga magaganda ang Christmas lights sa plaza ng Cabatuan. Dito kami kagabi namasyal bago pumunta sa pinsan ko para uminom ng wine. Ramdam ko talaga ang pasko dito.maraming dekorasyon sa plaza at mga lights.sulit ang bawat araw namin. Isang tulog nalang Pako na. Merry Christmas everyone,enjoy!
Merry Christmas everyone Happy ang lahat pamilya ito lang ang panahon para magsama sama. Lalo na bawat pamilya nag ambagan para sa kasiyahan ng bawat isa. Sayawan,kantahan at inuman lahat na pagames para mga bata para maging masaya lang. Sana lahat nag enjoy sa oras ng pasko..
A holly jolly dinner with my siblings, we had wine and yummy food sat on our table. Thankful for another night of togetherness. Merry Christmas everyone.
Christmas gift Masaya ako nakatanggap ng regalo galing sa kaibigan ko . Salamat sa mga biyaya natanggap ko ngayon pasko maliit man o malaki. Dahil malamig ang panahon sarap humigop ng sabaw.pero sa ngayon kape muna ako kagigising lang. Good morning..
Gabi na kami umuwi kanina ,doon kami naghapunan sa tita namin sa kabilang barangay. Birthday ng tita ko sabay din ang Christmas party nila ,ito na huling hapunan ko sa kanila uuwi na kami ng Aklan. Sarap ng mga pagkain niluto nila. Masarap din sa pakiramdam lahat doon kami.. Kahit walang maraming regalo ang importante nagtipon tipon kami mga pinsan. Maaga ako gumising para maaga rin kami uuwi. Tapos na ang bakasyon sa susunod Naman ulit... Good morning kaingay
Good morning.. Sarap ng tulog ko,10pm na kami nakarating ng bahay. Bago kasi kami umuwi namasyal pa ang mga bata sa mall.kaya medyo napagod ako. Larawan ko sa isang mall kung saan kami kumain ng hapunan bago lumarga. Ito gising na pero nakahiga parin nakakatamad bumangon dahil malamig ang panahon. Ilang araw nalang bagong taon na nman..