Hi ! Finally I'm here!!!! Newbie again here! Happy to see you here in NA!
@Emeline in November 2022
Pista minatay Isa sa gawain natin mga pilipino sa pagsapit ng Undas binibisita natin ang yumaon mahal natin sa buhay. Para magbigay ng pugay, bulaklak,pagkain at pagtirik ng kandila. Ito ay isang tanda ng pagmamahal natin sa kanila kahit matagal na nawawala sila sa piling natin.
Happy Halloween! Despite of all things that passed, in every situation there's a way and light for our life to go on. Dumaan man yung bagyo, masarap parin makita at dumaan sa isang lugar kung saan makikita mo may magandang kinabukasan na paparating. Whene there's a rain, then there's a sunshine.
Hello Pilipinas Maliwalas ang.panahon ngayon.. Lahat ng tao makagalaw ng husto kompara sa ilang araw na nakalipas lagi umuulan. Para magaan na sa pakiramdam makikita mo Ang sikat ng araw na may dalang pàg asa...
Pagod agad.. Natuwa ako kanina sa bunso ko,Akala niya walang klase sa hapon. Hindi niya alam mula ngayon buong araw na sila sa school.Kahapon palang pina condition ko na ang loob at utak niya pero ayaw niya maniwala..lol.. Hayan pagkatapos niya kumain ng tanhalian pinapahinga ko siya at muli kami bumalik sa school at doon pa niya nalalaman na totoo ang sinabi ko buong araw nga ang klase nila. Reklamo dito ,reklamo doon pero wala talaga magagawa need parin pumasok sa school.…
Throwback Muna Tayo... Isang inbetasyon galing sa kaklase ko sa hischool kagabi kung pwede daw magkitakita kami ngayon pasko para pàg usapan namin homecoming alumni. Hindi ako nangako pero sana isa ako doon sa oras na yon.kaya na miss ko tuloy ang mga kaklase ko. Picture namin to magkapatid ,kung saan sabay ang okasyon namin noon 2017.. Sana maulit ulit ito at makapunta ulit ako. Sa panahon ngayon naging busy na sa mga bata lalo na mayroon klase na Sila. Good morning…
Baked macaroni.. Tara mga kaingay meryenda tayo binigay to ng kaibigan ko kagabi . Pinabaonan pa niya kami para daw may kakain kami pagdating namin sa amin... Ang bait talaga niya...salamat sa kaibigan namin ng asawa ko mabait. Tara na kain tayo...
Kahit masakit ang ulo ko kanina umalis parin ako . Ang asawa ng kaibigan ko nagpapatulong sa akin may mga importante lang na ayusinsa mga papeles niya. Hindi ako makatangi kahit masama ang pakiramdam go parin ako ...paracetamol nalang ang katapat para maibsan ang masamang pakiramdam. Sympre pagkatapos ng lahat hindi mawawala ang pagkain..halo halo ang plano namin pero napunta sa pansit,dahil nga iba ang pakiramdam ko. Thank you manang,nabusog ako sa pansit...Lalo na masarap…
Dahil may pagsubok siya bukas overtime muna siya sa mga takdang aralin niya. Medyo nahirapan siya dahil buong araw sa school. Nanibago lang siguro,ilang taong walang klase tapos ngayon buong araw na. Goodluck bukas bunso...
Good morning 🌄🌄 Magandang balita galing sa nanay ko . Mabuti nalang hindi lahat na pananim niyang palay nasalanta ng bagyo paeng. Halos mabuti na ang iba nanumbalik ang lakas,pwera nalang sa isang kahon niya na wala talaga naiwan. Ganyang talaga ang buhay magsasaka parang sugal kung minsan panalo kung minsan talo. Pero hindi natutulog ang diyos para tulungan tayo kung ano man naranasan natin sa buhay. Kahit paano may nakalaan parin. Tulad ng isang araw kahit papaano…
Maganda ang sikat ng araw kahit medyo makulimlim ang ulap kahit papaano makalaba parin ako. Daan kanina kung saan tapos na ako maghatid ng mga anak ko sa school ... May pinuntahan lang importante. Sana huwag umulan para lahat ng labahin ko matutuyo. Gandang umaga kaingay.. Ingat po kayo
WOW!!!!galing ng teachers ng anak ko sa hischool may pa milktea sila sa estudyante nila kung sino may mataas na score every subjects nila. Nagulat si Unica iha sa binigay ng teacher niya na milktea siya daw may highest score sa mathematics subject nila. Masaya siya pumasok sa bahay may bitbit na milktea Talagang ganahan ka mag aral ng leksiyon kung ganito si teacher kabait may pa surprise pala siya . Dapat sa susunod na exam galingan nila lahat para lahat may milktea. Ay…
United Nation Isa sa contestant ang pamankin ko kanina sa school nila.nging miss Bolivia siya. Hindi namin na expect nanalo siya best in costume. Napaka bibo na Bata,Ang galing niya kahit sa pàg awit. Ang pagod ng mama niya sa paggawa ng damit at sombrero niya may pakinabang din. Proud mama naman Siya para sa pamankin ko. Congrats nene Aye...
Ang belis ng panahon isang araw kasama kopa sila pumunta sa pungtod ng tatay at Nanay nila para mag alay ng bulaklak at kandila pero ngayon isang mensahe kanina pàg gising ko doon na sila sa Dubai. Namiss ko tuloy sila ,natuwa ako naabot rin nila ang gusto nila.isang trabaho naghihintay sa kanila doon. Maaga sila naulila sa mga magulang nila pero naging mabait naman na mga Bata. Hindi naging hadlang sa kanila ang kahirapan para maabot nila ang pangarap nila. Sana pagpalain…
Thanks God natapos ko na linisin ang room .. Umalis kahapon ang isa kong kapitbahay lumipat sa Palawan kasi doon nakatagpo ng asawa at trabaho. Nakakapagod at masakit sa paa buti nalang natapos lahat bago nagreklamo ang katawan ko. Iba na ang takbo ng katawan kung nakakedad na hahaha..... Sana mabigyan ako ng mabait na kapitbahay. Kung sino man nakatira sa room na to sana kapareho rin sa taong umalis. Pahinga muna ako sandali at magluto naman para sa tanhalian namin mabuti…
Pumunta kami kanina sa kabilang bayan at doon kami dumaan sa bagong tulay . Malinis na ang tubig at mababaw na. Maganda na tingnan ang Aklan river kung ganito ang sitwasyon niya. Pero dito parin sa isip ko kung paano tumaas ang tubig baha isang linggo palang lumipas . Maraming taong naepektuhan pero kusa parin bumabangon ang importante nalampasan na ang lahat. Magandang gabi po sa lahat💕💕
Good morning Sunday ... Umuwi na brother in law ko galing mexico ,Isang mensahe na naman natanggap ko ngayon umaga tinatanong niya kung ano gusto ko pasalubong galing sa kaniya...may mga picture siya pinakita kung gusto ko tong keychain o wallet ,pagdating sa akin kahit ano ,pero pagdating sa asawa ko alam ko na ang mga hilig niya tools ang belin ko. Salamat panginoon sa mga magànda mong balita at biyaya galing sayo. Ang mga taong naging instrumento mo sa amin sila ang…
L U N C H Ginisang gulay at adobong baboy tara na kain tayo. Simpleng pagkain basta masustansya..
Good evening kaingay Akala Hindi na kami aalis dahil nga may klase bukas pero hindi nagyaya pa ang mga bata..pinabigyan ko muna dahilbukas may na naman ulit
UNWIND Akala ko hindi na kami umalis ng bahay kanina dahil nga may pasok na mga Bata bukas. Yon ang nasa isip ko pero hindi pala,nagyaya parin si unica iha pumunta sa isang mall may bibilhin para school niya. Hindi naman mapaiwan si bunso sympre sasama rin...dahil doon na sila hindi naman pwede hindi ko sila treat ,bilang Nanay nakonsensiya uuwi ang anak hindi ko pinakain, instead na meryenda napunta rin sa isang hapunan hehehe pero basta sa kanila wala naman ako dapat…
Crispy PATA Good morning ,lunes naman ulit alam ko busy naman ang bawat Nanay . Kakaalis lang ng mga bata papuntang school. Share ko lang kagabi yon crispy PATA na ulam namin kung saan kumain kami sa labas. Hanggang ngayon gusto ko ulit kumain. Sana matikman ko ulit ang sarap pagkaluto nila isang kilala restaurant sa amin lugar , lalo na may atsarang papaya na partner maparami ka ng kain... Sana isang araw magawa ko rin to.. Happy Monday 😁😁
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Nakatulog ako kanina mahigit isang oras pagkatapos ko kumain. Pero kailangan ko parin ulit kumain ngayon dahil may gamot ako dapat inumin. Piniritong itlog at tirang pandesal nalang ang pinagtiisang ko at uminom ng isang basong tubig. Wala naman akong lagnat napagod lng siguro Ako kaya nawalang ako ng lakas. Goodnight mga kaingay,balik muna ako sa higaan ko para makapahinga ang katawan. Salamat bukas walang pasok sana makabawi ako ulit bago…
Tea time Dahil maulan tea muna ako,mabuti ok na Ang pakiramdam ko. Tara na samahan niyo Ako.. Good morning
Rain rain go away come again another day.. Maulan na umaga ,pero gumising at bumangon parin at magluto dahil may pasok ang mga bata. Ilang araw na halos umulan.. Nakahanda na ang misa para sa almusal nila pansit cantoon ang ulam ng mga Bata.. Sana magustuhan nila... Sana pagpalain Tayo na panginoon sa araw na to kahit ano man pagsubok na dumating sa atin buhay. Magandang umaga sa lahat..
Sinangag Oras na ng almusal.. Ginawa ko sinangag ang sobrang kanin namin kagabi .tapos green tea imbes na kape..with music pa.tara na kain tayo. Good morning everyone Makulimlim ulit ang umaga ..ingat po
Pahinga muna tayo sa trabaho sa bahay ... Dito muna ako sa tabi ng dagat para makapag relax... #BORACAY
Enjoy ko muna ang gabi minsan lang naman . Happy time with my family
Wala na daming sasabihin ako..Ang importante na kompleto ko ang bakasyon with my family.. Masaya at sulit.. Tara na sa Boracay..
Salamat sa asawa ko.. Dahil birthday niya nakarating kami ng Boracay..at nag enjoy ang lahat lalo na Ako kasama ang buong pamilya. Kumain sa eat all you can at nakijamming sa isang resto bar. Kahit puyat pero sulit rin...
My meryenda Ilang araw na umuulan at kung minsan malakas pa ang hangin. Wala naman bagyo siguro panahon lang nang tag ulan. Dahil malamig masarap humigop ng mainit na sabaw.wala na ako maisip pa labuyo noodles at nilagyan ng baguio petsay para may gulay at isang nilagang itlog. Solve na ang meryenda ko. Tara na samahan niyo ako.
Cheesy nachos Nagkita kami ng kumari ko sa isang mall ngayon hapon habang may bumibili ako.ilang taong hindi kami nagkita dahil sa pandemic. Laking pasalamat namin nagkatagpo kami sa loob ng mall Hindi na pinalipas kumain kami isang resto bar, sagot niya natuwa naman ako. Ang sarap ng nachos at pizza nila... Salamat sa kumari ko mabait at mapagbigay...nabusog ako.
Kakarating ko lang galing palengke ,bukas may pasok naman ang mga bata. Kung iisipin ko lang ang trabaho ko araw araw nakakapagod pero kung naging positibo ka sa buhay maging makahulugan pala ang buhay. May mga bagay na hindi ko na expect pero kusang dumarating...sabi ko nga mahal talaga ako ng panginoon. Isang kaibigan malayo sa akin sa ibang bansa ,nakatanggap ako ng mensahe at tawag galing sa kanya kaninang umaga , wala pala imposible kahit sa mensahe magkikita parin kami…
Salamat sa panginoon sa mga biyaya binigay niya sa akin ..may mga tao hindi ko inaasahan ngayon araw napakaimportante pala ako sa kanya. Imiss you so much Amiga ko Good night kaingay
My Monday Umalis kami ni bunso kanina dahil may gusto siya ipagbili sa akin isang laruan niya at sapatos dahil sira na ang sapatos niya. Pagkatapos kumain kami sa isang fastfood. Bonding rin namin to mag Ina. Sabi ni Unica iha sa susunod siya naman ang ka bonding ko kung wala na daw siya maraming takdang aralin. I love pasta...
Blessing galing sa inaanak ko . Nagbakasyon siya sa Dubai noon dalawang linggo nakalipas at ang dalawang niyang kapatid doon ngtrabaho. Napakaswerte ako sa kanila kahit paano mayroon pasalubong si ninang .. Maagang pamasko ,may damit na ako para sa pasko. Salamat sa mga inaanak ko napakaswerte ako sa inyo.. May pa advance na pamasko.. Isang panalangin lang ang pamasko ko sainyo patuloy na mabigyan kayo ng magandang buhay at malakas na katawan. Thank you very inaanak ko...…
Good evening Kakarating ko lang sa bahay sumama ako sa travel ng asawa ko kanina dahil nag iisa lang siya tapos ang lakas pa ng ulan kaya biglaan din ang alis ko. Medyo pagod pero sulit naman ang alis ko dahil pagdating namin doon sa destinasyon ng asawa ko nagpakain rin ang besita niya .nag enjoy Naman Ako kasama Sila. Hindi mawawala ang pasta dahil Isa sa paborito ko kanya kanya kami ng order. Gusto ko matulog maaga para makapahinga ng maaga. Bukas naghihintay na ang mala…
Good morning 🌄🌄🌄 Palabas na si haring araw. Makapaglaba na Ako ng malabundik na labahin. Sana hindi umulan buong araw. Tulad sa kuha ko kahapon ang lakas ng ulan habang nasa biyahe kamu ng asawa ko. Kung minsan ang ganda ng sikat ng araw pero biglang nalang umulan . Magkape muna ako bago sumalang sa mga gawain. Sabado ngayon kaya dito muna ako sa labahin ko. Marami din sa araw ng sabado ngpapahinga kapalit sa ilang na pàg subsob sa trabaho. Happy weekend 😊😊😊
Pagkatapos ng labahin, magluto ng ulam para sa tanhalian.ito yon kanina ang ulam namin sa tanhali. Para madali lutuin piniritong baboy nalang. Napagod na kasi Ako . Pero alam natin mga Nanay pagdating sa pritong baboy isa sa mga paborito ng mga anak natin. Kaya kahit walang sabaw sa kanila ayos lang basta may sawsawan o katsup. Plano ko sana manahi ng mga punit na damit ng mga anak ko kaso gusto ng katawan magpahinga muna. Tulog muna ako kahit 30minuto lang para mamaya may…
Hello good evening Tara kain tayo .. Simpleng hapunan ginisang gulay na may sotanghon ang pagkain ko ngayon . Hindi na ako nagkanin. Tapos pinaresan ko nalang ng mainit na green tea. Goodnight po
Gabi na hindi parin ako inaantok..gising parin ang kaluluwa ko. Hayan uminom nalang ako ng wine para makatulog. Kahit hindi ko gusto ang lasa niya pinagtiisan ko nalang, hanggang dalawin ako ng puyat. Isang shot lang naman para antukin ako. Pagkatapos nito pasok na ako at matulog. Magandang gabi sa inyong lahat.
Namiss ko ulit maligo sa dagat kasama ang mga bata tulad nito dalawang linggo nakalipas. Ramdam ko lang init ngayon araw,ilang araw din lagi umuulan. Kaya bigla ako napaisip gusto maligo ulit sa dagat. Kamusta ang hapon niyo?. Kagigising ko lang kagabi kasi hindi maganda ang tulog ko. Hapon na Oras na mag meryenda tara magkape Tayo. Happy Sunday ☺️☺️☺️
Pizza Pagdating sa pizza paborito ko Yan. Kahit anong flavor walang uurongan ang bunganga ko.pasalubong mg asawa ko. Dalawang Gabi na to lagi late na ako matulog. Hindi ko alam ang dahilan,sana bukas maging normal na ang tulog ko. Goodnight 😘😘😘
Almusal Lunes naman ulit ilang araw nalang December na bilis ng panahon. Ang trabaho sa bahay paulit ulit nalang, pero kailangan ko parin gawin. Basta para sa pamilya gagawin ang lahat. Almusal muna ako bago ko tapusin ang iba ko gawain. Sana pagpalain tayo ng panginoon..
My family Malapit na ang pasko isang araw nalang December na.Na miss ko ang pamilya ko tuwing pasko kasama ko sila.sana ngayon pasko kasama ko pa rin sila lalo na ang anak ko na panganay pero sa ngayon medyo malabo dahil sa kanya trabaho. Ito ang silbing inspirasyon ko para maging matibay ako sa lahat na problema na dumating at patuloy nagmamahal sa kanila. Good afternoon
Body scrub Gusto ko sana to subukan ang detox spa body scrub Isa Siya exfoliating at whitening. Hawak ko na to pero ang haba ng pila sa Watson at ang asawa ko nagmamadali umuwi kasi anong oras na at nagutom na daw siya. Binalik ko nalang agad at umalis.pagkatapos bumili nalang ako ng letson manok para pagdating namin kakain nalang. Sana sa susunod na araw mabili ko . Naisipan korin maganda rin ito panregalo sa mga inaanak ko sa pasko.
Dahil holiday ngayon,walang pasok ang mga bata naglinis kami ng bahay pati sa kabilang kwrto pininturahan rin namin. Buti nalang ang mga bata masipag rin maglinis kaya natapos namin bago mag tanhalian. Nilagang baboy na may langka ang ulam namin para may sabaw . Basta uasapan baboy alam ko paborito nila. #lunchtime
Hello !! Good morning 🌞 December na !pasko na!sa simoy ng hangin ramdam ko na ,tuwing umaga malamig at malakas ang hangin sa harap ng bahay. Bulaklak para sainyo...kuha ko tong larawan kung saan doon kami sa bahay ng kaibigan namin. Halos lahat ng orchid nila namukadkad ng bulaklak. Tara na magkape Tayo tamang tama sa malamig na umaga..