Kahit papaano bukas kaparin kahit take out nakabili pa rin ang tagal kitang tinitingnan pero sa wakas napasakamay kanarin, hindi kasi ako mahilig sa fast food mahilig lang talagang tumingin pero sa halos wala na crado at alanganin sa oras ang uwi ko napilitan. Pero masarap talaga sya..
@Emeline in July 2021
Simple lng ang buhay kung minsan mamasyal din tayo sa tabing dagat lalo na kasama mo ang mahal sa buhay. Salamat sa madaling naka pamasyal at nakauwi rin agad. Boracay
Isa sa stress reliver ko to tuwing hapon ang halaman ko pero ito ang bagong tanim ko ngayon ,medyo masama ang panahon wala magawa nagtatanim nalang ako ng mga halaman.
Ang paboritong kong orasan, pag gising ko ito ang una ko tiningnan dahil dito nag umpisa ang lahat kung gawain. Oras sa pag luto, oras ng paglaba, oras ng paglinis ng bahay higit sa lahat oras ng panalangin at pagpapasalamat sa ating panginoon. Dito na nakaikot ang buhay ko araw araw .
Walang magawa buong araw halata na walang ginagawa kaya ito nalang panpalipas oras ko my new baby.
Mainit na maulan tapos ang harap mo maingay pa tagal matapos, wala ka na magawa manuod nlang sa kanila, wala ka rin maikotan dahil ang harap ng bahay kalsada na. Pero cge lang laban lang, salamat sa panginoon kahit ganito nalang space namin ayos lang yan sa amin kaysa ang buhay nang tao mawawala sa panahon ngayon may covid 19.isa lang ang alam ko lord ,kundi mapapasalalamat hindi kami magkasakit at mabigyan ng lakas araw araw.
Pwede na to panconsumo para sa mecq umpisa bukas, hindi nman tayo makagalaw ng husto nito. Sana matapos na para makabalik na tayo sa normal mahirap ang buhay natin ngayon nakakatakot baka bigla tayo magkasakit.
Good morning sa lahat mainit na maulan ang panahon,tinatamad ka kumilos dahil malamig gusto matulog ulit kaso hindi pwede magsain muna ako ng pagkain ng mga anak ko. Inggat tayo ngayon makulimlim ang panahon
Kung saan na matutulog kana doon pa sumakit ang ngipin ko.ang lakas pa ng hangin sa labas sumabay pa to ngipin ko wala cguro plano pahingain ako .naiinis na ako talaga pati ulo ko sumakit na rin parang malakas pato sa hangin sa labas. Sana makuha ka sa paracetamol ngipin ka
Sabi ng anak ko namiss na nya sana umuwi sa bahay ni nanay nya at tumanbay sa tabi ng ilog kasama ng tita nya at pinsan. Pero dahil sa pandemic huwag nlang hanggang video chat muna cla.maganda pa naman maligo sa ilog na yan at stress free ka lugar na to. Tigum river
Magandang umaga sa lahat kain tayo, salamat unang luto ko sa dinuguan to naging ayos ayos naman at masarap, hindi ako nagluluto nito kasi parang nadire o natakot ako sa dugo gusto ko lang kumain basta iba ang nagluto. Pero nagawa ko naman at nakayanan din basta subukan mo lang pala. Tara na kain na tayo
Masaya na makita mo na patapos na sya ng dahil sa government project nakapagawa ka ng bakod na wala sa plano.pero maganda pala sa pakiramdam na sariling sikap namin napagawa nmin to. Salamat sa panginoon walang sawang nagbibigay ng biyaya.
Umagang ky ganda sa lahat. Umaga na gising brown out sa amin hindi na makatulog ,tara na magkami nalang tayo at simulan ang trabaho para maaga din matapos at matulog ulit mamaya
Tara na mag almusal na tayo pancit cantoon sa makulimlim na panahon, sana magustuhan ng mga bata ang luto ko. #NoiseCash
Kung hindi lang sana ako busy sa bahay doon naman ako cguro tumatambay sa site ng asawa ko kahit tagabigay nalang ng tubig sa kanya,kung minsan mainit at pagod pero may reward naman dalawang linggo na pahingga ngayon balik trabaho namn sya. Lord ilayo mo sya sa sakit at bigyan ng maraming lakas alam ko para sa amin to lahat.
Habang kumain sya, hindi pwede rin pakainin ang alaga nya c scoby .mas gusto pa ng pamankin ko sya muna bago cla, mahilig talaga cla sa aso at pusa kahit saan cla pupunta dala dala parin nila. Mapagmahal cla sa alaga nila.
Wala sya magawa sa loob nlang ng bahay naglalaro dahil bawal lumabas, kahit mga bata nakaramdam din ng lungkot kung lagi nalang sa loob ng bahay gusto pa naman nya maligo sa dagat.
Magandang umaga sa.lahat umaga na gising dahil sa sakit ng ngipin ko, dalawang araw nato uminom ako ng gamot ok naman sya pero pag wala na ng bisa ang gamot hayaan na naman. Iwan ko dito sa antibacterial linagay ko sa algodon at ilagay sa butas ng ngipin, tingnan ko mamaya kung ano resulta nito sa masakit ko ngipin. Takot ako pumunta ng doctor kaya tiis talaga ako
Tag ulan na naman kailangan repair ko rin ang kanal namin para diretso rin ang daloy ng tubig kahit umulan araw araw hindi na bumabara mamaya tapos na yan .
Pagabi na pro nagkape parin ako kahit pinapawisan ako na malamig sa labas gusto ko lang para lalo ako mapawisan magaan kasi sa pakiramdam kung pinapawisan ako.
Dahil masakit ang ulo ni bunso lugaw lang muna sya.sana magaling na sya mamaya para daw makabasketball daw sya. Kulit nya
Sabi nila mecq nman kmi ulit sa katapusan nitong buwan. Kaya nagrepack na ako ng uling ko para kung mecq talaga handa handang na ako limitado na kasi lumabas..
Kain tayo noise friends, ito ang paborito kung ulam puro dahon at tuyo ayos na sa akin. Takot kasi ako magkasakit iniisip ko mga anak ko kaya gulay talaga ako
Oras naman ng meryenda sotanghon na bigay nang kapitbahay paresan nang kape ng bigay ni kaibigan pakiramdam ko ngayon sobrang swerte ko wala nman ako maibigay sa kanila pero alam ko nasa panalangin ko kayo. Salamat sa biyaya nyo. Mahal ko kayong lahat.
Iba na talaga kung tumatanda ako hindi na pabango ang dala dala ko kundi ito na lalo na sa gabi bago magtulog lagay dito lagay doon hahaha.... Lahat nalng bahagi ng katawan ko may deperensya na kaya ito nalang katapat ko .
Gulay naman tayo ulit kahit papaano may proteksyon naman tayo lalo na ngayon mahirap ang buhay at hinahabol pa tayo ni covid 19.
BIDA SI BUNSO Natawa ako sa mga bata sa mga reaction nila kapag ako nagagalit.alam mo naman cla kung hindi ka magagalit o dadak ng dadak hindi rin cla kikilos, ito paraan ko kailangang ko mag sermon para lahat ng trabaho tapos agad ,pero itong bunso ko nagrereklamo sa papa nya na lost of control daw cla dahil nagalit ako kaya nagising c kuya nya at naglipit at ate nya daw naghugas ng pinggan at nagwalis pati rin sya tumulong sa kanila.. Hahaha tumalikod lang ako sa kanila atβ¦
Panginoon wala po akong idea kung ano ang plano mo sa AKIN,sa Amin at para LAHAT ,alam ko lang ngayon magtiwala sayo kung ano ang mangyayari sa amin ngayon , bukas at darating na araw lalo na pataas ng pataas ang kaso ng covid sa amin probinsya, hinihingi ko kapangyarihan mo para hilumin mo at ilayo mo kami sa sakit .Gabayan mo kami at bigyan ng lakas para malaban namin ang mga pagsubok na darating sa amin buhay. Maawa ka sa amin.