read.cash Log in
@Eirolfeam2 more from that month

So ayun. Irritated na naman ako sa friend kong hindi marunong tumupad sa usapan. Nakakagigil lang kasi na kapag humihingi siya ng favor, ang bilis kong umoo sa kanya. Pero pag time na para magbayad, ipinapasa niya sa iba ung obligasyon niya, which is nakakakunsume kasi siya ung kausap mo, tapos ipapasa niya sa iba. Hayyss. Nung isang araw kasi, nagpatulong siya sakin na igawan ng passport appointment ung kuya at asawa nung kuya niya. Syempre, Oo lang ako kasi madali lang naman un. Tinanong ko din kung magbabayad na ba, oo daw. Edi ako ang nag-abuno. Pagkatapos kong maprocess ung appointment, sinabi ko na dapat kinabukasan, bayad na ung pinang-abuno ko na 2K dahil kailangan ko nga ng cash. Tapos nung hihingin ko na eh sinabi lang na sa asawa ng kuya niya ko nalang daw hingin. Eh siya ung nakipag-usap sakin, so dapat siya ang mag-aabot sakin nung pera. Tssk. 🤧 Ending, wala akong cash ngayon. Lol! 🤷‍♀️ Hay. Nandito lang talaga ako para magrant. 🤦‍♀️🤣

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.