read.cash Log in
@Eirolfeam2 more from that month

Crush: Ang Pag-amin

I always complain that I'm having a hard time when I write in Tagalog but here I am again, writing this piece because I was inspired by @Ruffa's bravery in confessing her feelings to her crush. This is inspired by her story, whether it was just a fiction or a real-life event. I don't know if Spoken word poetries are still a thing but back in High School, I used to like this genre, and I'm trying to squeeze my mind again to write a Tagalog poetry. It is about your crush, so I hope your crush likes you back. Play this Piano Cover of "**Kung Hindi Rin Lang Ikaw**" while reading this. https://youtu.be/ifX8cy_TKFA **Crush: Ang Pag-Amin** **By: Florie Mae @Eirolfeam2** *Crush.* *Isa, dalawa, tatlo, apat, lima,* *Isang salita na binubuo ng limang letra,* *Pero sa tuwing nababanggit ito ay ikaw ang naaalala.* *Crush.* *Oo crush kita, matagal na.* *Matagal ko ng gustong aminin,* *Gustong gustong ilahad ang damdamin,* *Pero natatakot akong sabihin,* *Dahil baka magbago ang iyong pagtingin.* *Paano naman ako aamin,* *Kung kaakibat naman ng pag-amin ko sa'yo ay baka matanggap ko ang mga salitang,* *"Huwag na ako. May iba akong gusto."* *"Sorry, pero kaibigan lang ang turing ko sa'yo."* *Pero sa kabila nito, ay umaasa din ako na kapag umamin ako, baka masagot ang mga tanong na,* *"Gusto mo rin ba ako?"* *"May pag-asa ba ako sa'yo?"* *"Pwede bang maging tayo?"* *Di ko maiwasang mapaisip kung bakit at paano kita naging gusto.* *Hindi ko naman intensyon na mahulog ang loob ko sa iyo.* *Ang alam ko lang nahumaling ako sa kabaitan mo.* *Noong mga panahon na kailangan ko ng taong tutulong sa akin, ikaw ung nandiyan.* *Ikaw kasi ung tipo ng taong mabilis lapitan,* *Kaya't habang tumatagal, ikaw na din ang naging sandigan,* *Sa tuwing may problema ay ikaw ang nilalapitan.* *Hanggang sa napadalas na ang ating pag-uusap,* *Sa umaga, tanghali, at gabi ay ikaw na ang laging hinahanap.* *Kinikilig ako sa tuwing ikaw ay nakakausap,* *Na para bang nararamdaman ko sa bawat text mo ang iyong yakap.* *Crush.* *Ikaw ang kumukumpleto sa mga araw ko,* *At sa tuwing malungkot ako ay iisipin ko lang ang "crush" ko at masaya na ulit ako.* *Napapangiti ako kapag bigla ko nalang naaalala,* *Naaalala ang mga sandaling nagkatitigan tayong dalawa,* *Na para bang dinala ako ng iyong mga mata,* *Sa hinaharap na tayong dalawa ang magkasama.* *Pero nagseselos ako,* *Nagseselos ako sa tuwing nakikita kita na may kasamang iba,* *Nagseselos sa tuwing may kausap kang iba,* *Nagseselos kapag napapatawa ka ng iba.* *Pero bigla ko nalang din naaalala na bakit ako magseselos kung wala namang tayo?* *Pero mali bang magselos kung may nararamdaman naman ako para sa'yo?* *Paano kung hindi nalang basta "paghanga" ang nararamdaman ko?* *Paano kung hindi nalang kita crush kun'di mahal na kita?* *Magbabago ka ba kapag nagtapat na ng nadarama?* *Mahirap sumugal pero mas mahirap kapag hindi sinubukan,* *Kaya't nag-iipon ng lakas ng loob para makapagtapat ng nararamdaman.* *Huminga ako ng malalim,* *Aabutin pa yata ng dilim,* *Pero bago magtakip-silim,* *Ay naisulat ko na ang nararamdaman ko para sa'yo,* *Nagdadalawang-isip kung ipapadala ko pa ba ito,* *Dahil baka masaktan lang din ako sa magiging tugon mo.* *Isa, dalawa, tatlo,* *Bumilang muna ako bago ko isend ito sa'yo,* *At noong maisend ko na ay napapikit nalang ako.* *May mga tanong na tumatakbo sa aking isipan,* *"Pareho ba tayo ng nararamdaman?"* *"O baka hanggang kaibigan lang?"* *Makalipas ang limang minuto,* *Biglang tumunog ang aking telepono,* *Alam kong galing sa'yo ang mensaheng natanggap ko,* *Kaya't huminga ulit ako ng malalim bago ko ito basahin,* *"Pasensiya ka na pero hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo."* *"Hanggang kaibigan lang tayo dahil uunahin ko muna ang prayoridad ko."* *Nasaktan ako sa naging tugon mo pero masaya ako,* *Masaya ako dahil malaya na ako at wala na akong nararamdaman na pilit itinatago.* *Hindi man sumang-ayon sa akin ang kapalaran,* *Pero tanggap ko naman ang naging kahihinatnan.* *Isa, dalawa, tatlo, apat, lima,* *Tinanggihan man ang nararamdaman ko para sa kanya,* *Pero hindi parin matatapos ang aking paghanga sa kanya.* It was supposed to have an Audio Version (where I'm reading the piece on how it should be read. Char. 🤣🤣) but I just finished the piece now and Globe is just too slow so I won't be able to upload it tonight even if I finish reading it. And I will only find it cringe-y if I push it through anyway, so I'll just leave the reading part to you. 😹 Anyway, I admire those who are brave enough to confess to their crushes. As for me, if I were to confess to my crush, why would I do that? Charot. 🤧🤣 **"Love without expecting to be loved in return. And crush without expecting to be crushed back." ~F.M.L.M. 💚**

19 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.