Kaibigan Ko
Ikaw ang palaging kasama ko Sa hirap at ginhawa ay minamahal ako Laging tinatama ang mga mali ko Ang hangad ay laging sa ikabubuti ko Minamahal ako sa pagiging totoo ko Ipinagtatanggol ako sa mga kaaway ko Ang turingan namin ay pangmagkapatid Sayang pinagsasaluhan ay walang patid Madalas mang magkatampuhan Isa't isa ay laging takbuhan Nang puso naming magkaugnay Kailan man ay di mapaghihiwalay Salamat sa iyo, kaibigan ko Laging andiyan ka sa tabi ko Pinapayuhan at pinatitibay ako Sa panahong problemado ako Buong pasasalamat sa iyong pagdamay Pinalalakas ako sa panahong matamlay Pagdamay mo'y tunay , di ka sumasablay Pasayahin ako' ingatan, tunay kitang gabay Alalahanin mo , andito lang ako Mabuting gawa mo ay ibabalik ko Makakaasa ka na di kita iiwan Sa akin tunay kang number One
2 comments
Kaibigang wagas kung humalakhak Sa bullyhan hindi paaawat. 😂 Salamat .. kaibigan! 👍🏻
Hahahhaa tama po kayo diyan. Masayang kaibigan kapag ganan