read.cash Log in
@DreamBig more from that month

Gratitude Journal

Thank you. Salamat. Salamat sa kape na tinimpla ng iyong anak. Salamat sa asawa mo na nagmasahi ng iyong likod. Salamat sa kapatid mo na sumalo sa pagbabayad ng mga utang mo. Salamat sa pasensya ng mga magulang mo na umuunawa pa din sayo kahit na ang tigas iyong ulo. Salamat sa guro mo na nagtiyagang turuan ka para magexcel ka sa pagaaral at pagkatapos ay makapagmartsa. Salamat sa noodles at sardinas na ayuda kahit na mas inaasam nila ang 2ND tranche pala. Salamat sa kapitbahay mo na nagbigay sa iyo ng tatlong pirasong galunggong kasama ang mainit na sabaw ng bulalo dala ng pagkaawa nila sa gutom na mukha ng anak mo. Oh diba? Blessed na blessed ka!! Salamat may isang araw ka pa. Salamat buhay ka pa. Salamat may paningin, pandinig, pang-amoy, pandama, panlasa ka pa. Nakakapaglakad.Nakakakilos. Nakakagawa ng mga bagay.Nakapagtatrabaho.Nakakangiti.Nakakatawa.Nakakakain.Nakakatulog. Ang daming bagay pala ang dapat na maipagpasalamat sa bawat araw. Ang mabuhay pa nang isang araw ay napakagandang biyaya na natatanggap natin sa bawat umaga. Subukan mong isulat sa isang papel at hatiin ito sa dalawang hanay, isulat mo ang magaganda at hindi magagandang mga nangyayari sa buhay mo sa loob ng isang araw at makikita mo na mas marami pa din ang biyaya kaysa sa mga hindi kaaya- ayang pangyayari sa buhay mo. Kaya sa bawat pagluha natin dahil akala natin natalo tayo sa maraming bagay, may bitbit itong aral na maglalagay sa atin sa mas magandang posisyon balang araw.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.