Kaya Mo Yan
Mahirap man ang buhay Hindi ka man makasabay Sa iba't ibang palagay Ng mga taong nalulumbay Sa chismisan ay walang humpay Di bale na lang, huwag kang sumabay Lumakad ka na at maglakbay Hayaan mo na, maaaring sila ay mas Angat at yaman mo ay di sapat Balang araw , ikaw naman Ang gagantimpalaan Dahil ikaw ay tapat Mabubuhay ka nang maluwat Masaya at maligaya Buhay ay kaiga-igaya Dibale maging yaya Mahirap man ay kinakaya Isang araw, ikaw naman Maniwala ka, kaya mo yan
1 comment
Naman! Kaya yan! 💪