Kalikasan
Kalikasan ay ingatan Biyaya ng kalangitan Puno't mga halaman Tunay nating yaman Sa anyong lupa at sa anyong tubig Ay may paraisong kaibig-ibig Kabundukan o kapatagan o karagatan Likha ni Ama'y may aking kariktan Sa biyayang ipinagkaloob Marapat na pagaalaga'y kusang loob Ating paramihin , huwag puksain Ito'y igalang natin , pamana ito sa atin Mga isda't mga pananim Mga bulaklak at hayop ay paramihin Mga puno'y wag mong putulin At baka buhay mo ang singilin Magandang paalala ni Maria Makiling Ang ating kalikasan huwag namang pabayaan Kung ito'y magtampo sa atin Saan tayo kukuha ng kakainin? Ating kalikasan halina't alagaan Para susunod na henerasyo'y kanilang mamasdan Ang tunay na kariktan na ating natagpuan Mundong puno ng sigla at kasaganaan
4 comments
Dapat nating pangalagaan ang ang ating paligid. VEry well written.
Ay salamat naman po naappreciate nyo po ang gawa ko hehhehee. Happy po ako don
wow galing naman,,, may kailangan ka lng eedit sa likha ni amay may aking( angking) karikitan... thanks po ang ganda ng tula... keep it up..
Salamat po sir. Hehehhe thank you sa paginspire sa akin gumawa pa ng tula