Aeta
Maitim, kulot ang buhok at isang napakagandang lahi ng Pilipino Kamusta na nga ba sila? Silang mga nakatira sa malayong bundok Namumuhay ng payapa't malayo sa gusot Ng buhay na tila laro ng kung sino ang matira at matibay Aeta, sa kasalukuyan ay walang puwang sa syudad na aking kinabibilangan Sila'y tinataboy at pinandidirihan Nakakalungkot, tila ba bago lang sa lugar na sinilangan Mabuti pa nga ang mga dayuhan Tinuturing na nakatataas na siyang tinitingala Ang bundok ay naging syudad Sa patuloy na di umano'y pagpapaunlad Nawawalan ng tahimik na tahanan Teka, hindi nawawalan kundi inaagawan Inaagawan ng ari-arian sa dahilang wala silang patunay Buhay ay nanganganib sa tuwing sila'y sisisid Sa kapirasong sentimo'y nag-aagawan mairaos lamang ang gutom na nararamdaman Nakakaawa sapagkat sila na walang ginagawa ngayon ay kinakawawa Sila ang Aeta, ang isa sa nagpapanatili ng ating kultura Ngunit sa kasalukuyan ay nawawalan na ng halaga
No comments yet