Lunch time na mga kabayan, tamang tama laang at paluto na ang tilapia sa gata at pain in na rin ang kanin. Sarap sana kung ginawa ko itong pikadilyo yun nga laang ay matrabahong gawin kaya ganito na laang at tipid ng konti sa gas at oras, pero kung ang pagkain ay ibig mong maging espesyal ay talagang maglalaan ka ng oras para sumarap pa. Para bang tulad ng isang relasyon o pagsasama na gusto ninyong magtagal, kailangan ng ibayong pag iingat at seryosong TLC para inyo itong makamtan at katulad din po ng isang komersyal ng isang banko sa TV, We Find Ways para po tumagal ang pagsasama. Tara nat kumain baka ga gutom laang akot naiisip ko ang mga bagay na ito. Magandang tanghali-an na po kabayan!
1 comment
Gusto ko yan ulam mo sir 😋