November 1 Walang pasok tamang pahinga lang sa bahay pero hindi din masabe na pahinga dahil sa nakababad parin naman sa phone. May Target kasi ako na yung pinasok ko sa 27usd sa future ay maging 100usd hindi ko alam kung kilan pero dahan dahan lang basta paangat mahirap biglain Lalo na at masyadong magalaw ang market baka biglang malunod sa kawalan. Medyo maaraw din kanina kaya kahit papaano ay okay din. Ingat tayong lahat at sulitin natin ang bakasyon habang pwede pa.
@Darren in November 2022
Pakatatag ka Talaga nga namang magulo ang ikot ng mundo. Hindi natin alam kung kelan ito papabor sa'yo. Minsa'y hindi ka handa sa mga ibabato nito. Hindi inaasahan ang mga darating na hahamon sa kakayanan mo. Mag bibigay ng mga suliranin na gugulo sa isipan mo. Aabot sa punto na hihingi ka ng saklolo. Mapapagod at hihingalin ka sa pag takbo. Matutumba at madadapa ng mga harang sa nilalakadan mo. Ganun talaga, maging matatag ka. Hindi sa lahat ng pag kakataon ay a-ayon sa…
Kapag may nagcocorrect sayo, nagbibigay ng paalala, o suggestions. No matter how hard it is to swallow, take it, then thank them. Hindi lahat ng tao ay kaya kang itama. Ang mga taong nagsasabi ng mga bagay para mag improve ka or maging better ka ay ang mga taong totoong may care sayo. Those who tolerate us and allow us to do wrong are not our friends. Kaya wag tayong magtatampo or magagalit sa mga nagtatama satin. Lunukin ang pride at maging better. Nakita ko lang at maganda…
Isa Isa lang dahan dahan lang Mag simula ka sa umpisa tapos ay sa pangalawa dibaling mabagal basta umuusad ka. Magandang tanghali kain na kayo medyo busy maraming nakaabang na gawain haha.
All change is hard at first, missy in the middle and gorgeous at the end. ~robin sharma. Have a great saturday evening everyone 😊 Anong ganap satin ngayon Jan.
Just smile and say I'm fine, because nobody really cares. Good evening
At kung ang lahat ay sabik matawag na mahusay, makilala ka sana bilang patunay na magaan itong buhay. Ikaw na hindi nanlalamang sa kapwa, nagpupunla ng magagandang salita, may hinahon at malalim umunawa. Hindi ka sana dumagdag sa mga nagpabulag sa galing na nagmamagaling, o sa talinong hindi makatao. Hindi ka sana magbingi-bingihan sa iyak ng mga nangangailangan, at sa hiyaw ng mga naliligaw. Huwag mo sanang isara ang ‘yong puso, kapag umapaw na ang dunong mo’t talento. Sa…
O Kay gandang pagmasdan ang iyong Ganda. Magandang Gabi sa lahat medyo kanina pa yan naging busy lang kaya ngayon lang nailabas. Kamusta ang lahat kumain naba kayo ng hapunan niyo ?
Mistakes are painful, But as time goes by, they become a collection of experience called LESSONS. Have a wonderful day everyone Be safe & stay safe.
Hi. Kung kailangan magpahinga, magpahinga ka. Wag mong kalimutan alagaan ang sarili mo. Minsan hindi mo kailangan pilitin yong mga bagay na hindi pa kayang ayusin sa ngayon. Kapag okay kana, pwede kang lumaban ulit. Maayos sana yung mga gumugulo sa utak mo na puno ng negative thoughts, pag-aalala, pag-o-overthink, at kalungkutan. Magandang gabi sa lahat. Kumain naba kayo ng hapunanan niyo? Kung hindi pa ay kumain na para makapag pahinga na din tayo ngayon.
Tingin ko, lahat naman tayo hindi pa alam ang sagot. Kahit ‘yung pinakapagod o ‘yung pinakabagot, wala pang katiyakang napupulot. Marami pa ring naliligaw, marami sa atin, pabalik-balik sa ruta, paikot-ikot, pahinto-hinto. Kaya tingin ko, ayos lang kung malabo pa talaga ang tingin ko sa daan. Ayos lang kung wala pang sigurado—sa kung saan ako liliko, saan ako tutungo, ano ba ang inilaan sa’kin ng mundo. Ayos lang—dahil lahat naman dumaan dito. At tingin ko, lahat…
Hindi pa huli para bumawi. Pwede mo pa ring iahon ang sarili, bumangon. Magpursigi. Wala naman nagsabing bawal magsimulang muli. Hindi naman ibig sabihin ng mga pagkabigo ay pagbalik sa dati, Hindi. Sapagkat ang nakaraang pagsadsad ay susundan ng pag usad. Ang nakalipas na hirap ay paglapit mo sa iyo'ng pangarap. Magsikap. Hindi pa huli para bumawi, bumangon, at iahon ang iyong sarili. Magandang gabi sa lahat kamusta kayo ?