read.cash Log in

@Darren

Joined 9 September 2022 · 33 posts

Trust the process ☝️

140 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Darren

One decision can change your life. Not because it's perfect... But because you finally stopped waiting. You'll never know what's possible until you start. What's one thing you've been putting off for too long?

@Darren

Success doesn't happen because you're lucky. It happens because you kept showing up when nobody was watching. Small progress every day may not look impressive, but one day people will call it an "overnight success." Keep going. Your future self will thank you. 💪 #Motivation #Consistency #NeverGiveUp

@Darren

Kamusta na dito wala na yatang balita sa mga kasama ko dito

@Darren

Good morning everyone It's been a while since the last time haha. Kamusta ang laaht dito. Meron bang bago ? O tulad dpain ng dati na puro luma.

@Darren

Kamusta ang lahat dito meron pabang nakatambay dito

@Darren

Magandang Gabi Tagal ko din palang hindi napasyal dito haha Medyo busy kasi sa mga bagay bagay na kailangan unahin nitong mga nakaraan kaya hindi makasilip dito. Kamusta ? Back to reality na back to work na naman sipagan natin lahat Iwan natin yung mga making gawa nitong nakaraang taon at mas lalo natin pahusayan na mapaganda ang bawat isa sa atin. Good luck everyone Happy new year

@Darren

Hindi pa huli para bumawi. Pwede mo pa ring iahon ang sarili, bumangon. Magpursigi. Wala naman nagsabing bawal magsimulang muli. Hindi naman ibig sabihin ng mga pagkabigo ay pagbalik sa dati, Hindi. Sapagkat ang nakaraang pagsadsad ay susundan ng pag usad. Ang nakalipas na hirap ay paglapit mo sa iyo'ng pangarap. Magsikap. Hindi pa huli para bumawi, bumangon, at iahon ang iyong sarili. Magandang gabi sa lahat kamusta kayo ?

@Darren

Tingin ko, lahat naman tayo hindi pa alam ang sagot. Kahit ‘yung pinakapagod o ‘yung pinakabagot, wala pang katiyakang napupulot. Marami pa ring naliligaw, marami sa atin, pabalik-balik sa ruta, paikot-ikot, pahinto-hinto. Kaya tingin ko, ayos lang kung malabo pa talaga ang tingin ko sa daan. Ayos lang kung wala pang sigurado—sa kung saan ako liliko, saan ako tutungo, ano ba ang inilaan sa’kin ng mundo. Ayos lang—dahil lahat naman dumaan dito. At tingin ko, lahat pinagdaraanan pa rin ito. Dahil marahil, ang sagot lang naman na nakaabang sa dulo— pagiging kuntento. Magandang umaga araw ng linggo ❤️

@Darren

Hi. Kung kailangan magpahinga, magpahinga ka. Wag mong kalimutan alagaan ang sarili mo. Minsan hindi mo kailangan pilitin yong mga bagay na hindi pa kayang ayusin sa ngayon. Kapag okay kana, pwede kang lumaban ulit. Maayos sana yung mga gumugulo sa utak mo na puno ng negative thoughts, pag-aalala, pag-o-overthink, at kalungkutan. Magandang gabi sa lahat. Kumain naba kayo ng hapunanan niyo? Kung hindi pa ay kumain na para makapag pahinga na din tayo ngayon.

@Darren

Mistakes are painful, But as time goes by, they become a collection of experience called LESSONS. Have a wonderful day everyone Be safe & stay safe.

@Darren

O Kay gandang pagmasdan ang iyong Ganda. Magandang Gabi sa lahat medyo kanina pa yan naging busy lang kaya ngayon lang nailabas. Kamusta ang lahat kumain naba kayo ng hapunan niyo ?

@Darren

At kung ang lahat ay sabik matawag na mahusay, makilala ka sana bilang patunay na magaan itong buhay. Ikaw na hindi nanlalamang sa kapwa, nagpupunla ng magagandang salita, may hinahon at malalim umunawa. Hindi ka sana dumagdag sa mga nagpabulag sa galing na nagmamagaling, o sa talinong hindi makatao. Hindi ka sana magbingi-bingihan sa iyak ng mga nangangailangan, at sa hiyaw ng mga naliligaw. Huwag mo sanang isara ang ‘yong puso, kapag umapaw na ang dunong mo’t talento. Sa dami ng tao na may gustong patunayan, isa ka sana sa dahilan kung bakit may naniniwala pa rin sa kabutihan. Mapagpalang Umaga ng martes Ingat tayong lahat.

@Darren

Just smile and say I'm fine, because nobody really cares. Good evening

@Darren

All change is hard at first, missy in the middle and gorgeous at the end. ~robin sharma. Have a great saturday evening everyone 😊 Anong ganap satin ngayon Jan.

@Darren

Isa Isa lang dahan dahan lang Mag simula ka sa umpisa tapos ay sa pangalawa dibaling mabagal basta umuusad ka. Magandang tanghali kain na kayo medyo busy maraming nakaabang na gawain haha.

@Darren

Kapag may nagcocorrect sayo, nagbibigay ng paalala, o suggestions. No matter how hard it is to swallow, take it, then thank them. Hindi lahat ng tao ay kaya kang itama. Ang mga taong nagsasabi ng mga bagay para mag improve ka or maging better ka ay ang mga taong totoong may care sayo. Those who tolerate us and allow us to do wrong are not our friends. Kaya wag tayong magtatampo or magagalit sa mga nagtatama satin. Lunukin ang pride at maging better. Nakita ko lang at maganda kaya kinuha ko. Magandang gabi tayo ay maghapunan na at ng makapag pahinga.

@Darren

Pakatatag ka Talaga nga namang magulo ang ikot ng mundo. Hindi natin alam kung kelan ito papabor sa'yo. Minsa'y hindi ka handa sa mga ibabato nito. Hindi inaasahan ang mga darating na hahamon sa kakayanan mo. Mag bibigay ng mga suliranin na gugulo sa isipan mo. Aabot sa punto na hihingi ka ng saklolo. Mapapagod at hihingalin ka sa pag takbo. Matutumba at madadapa ng mga harang sa nilalakadan mo. Ganun talaga, maging matatag ka. Hindi sa lahat ng pag kakataon ay a-ayon sa atin ang panahon. Kailangan lang natin maging handa sa Ibibigay nitong hamon. Patibayin ang sarili pagkat su-sulong sa ulan at ambon. Dahil sa dulo'y lilipas din ang bagyo at ang araw ay muling babangon.

@Darren

November 1 Walang pasok tamang pahinga lang sa bahay pero hindi din masabe na pahinga dahil sa nakababad parin naman sa phone. May Target kasi ako na yung pinasok ko sa 27usd sa future ay maging 100usd hindi ko alam kung kilan pero dahan dahan lang basta paangat mahirap biglain Lalo na at masyadong magalaw ang market baka biglang malunod sa kawalan. Medyo maaraw din kanina kaya kahit papaano ay okay din. Ingat tayong lahat at sulitin natin ang bakasyon habang pwede pa.

@Darren

Habang tumatagal mas gusto mo na ang pakiramdam na hindi napapansin. Maliit na bagay na lang para sa'yo ang atensyon na maibibigay ng mundo at ng tao. Hindi ka na sabik sa mga tingin Pili at limitado na lamang ang mga taong sa buhay mo ay nais mong papasukin. May mga sandaling hindi ka na lang umiimik. Ngunit hindi ito nangangahulugan ng iyong pagiging tahimik. Sadyang may mga alimpuyo't bagyo lang na nagaganap sa'yong isip Ayaw mo lang na dumagdag pa sa ingay na iyong naririnig. Bigla ka na lang nawawala, Mula sa dating nakasanayan at nakahiligan. Pabago-bago ang buhos ng emosyon Kanina'y maayos at paglipas ng ilang oras may kung ano nang rebulosyon. Madalas may mga pakiramdam na hindi mo rin maiintindihan, Katulad ng mga tanong sa sarili na ang sagot ay hindi matagpuan. Mga espasyong hindi mapunan Ito na siguro ang kahulugan ng tahimik na laban.

@Darren

Ikaw lang yun nakakaintindi sa sarili mo ikaw ang nakakaalam sa sarili mo kung kilan mo sinuko yung sarili mo sa mga pagkakamali mo inaamin mo lang na tao ka na nagkakamali ka na natatakot ka na hindi mo alam kung paano kuntrolin ang sarili mo dun pag amin nalang yun na hindi ka malakas pero sa pag amin mo na mahina ka dun ka naging malakas. Magandang hapon kamusta ?

@Darren

Naantala man ngunit hindi ka napag-iwanan, pareho ang tinatahak na daan subalik medyo malubak sa parting iyong nalakaran at sadyang may itinakdang oras para sa tagumpay na nakalaan. Malayo na ang nilakbay mo at tiyak akong malayo pa ang mararating mo, bumangon ka at magpatuloy sapagkat naniniwala kami sa 'yo. Alam namin na kaya mo at makakaya mo.

@Darren

Gabi na pala! Kamusta ang laban natin ngayon? Kinakaya pa ba? Hindi ko man alam kung ano karera ng bawat isa, Pero may sasabihin ako na importante! Minsan naisip mo na ba sumuko dyan sa kinalalagyan mo ngayon? Hirap siguro lumaban at Magpatuloy ng nag-iisa Totoo mahirap at masakit ang nadaraman mo? Nakaya mo parin tumayo at lumakad kahit nahihirapan na! Dama kita kaibigan kung paano hinarap ang lahat husga para tumatag, Ang lahat ay may kanya kanya tahimik nakikipaglaban para lang humarap sa pagsubok, Kung sa tinggin mo wala ka nang malapitan dahil puro na abala ang mga kaibigan mo! Wag kang mag-alala kasama mo ang Diyos sa lahat! Hindi ka nya pababayaan sa mga laban nararanasan mo bibigyan ka nya ng kalakasan para maresulba ang lahat. Hanga ako sa tapang mo kung paano ka nagpapatuloy tumakbo Ituloy mo yan kaibigan wag kang susuko Abotin ang tagumpay na ninanais mo Napagpod man ngunit hindi susuko at Magpapahinga man ngunit di hihinto. At buti kina kaya mo pa!! Ang Galing mo!! Patuloy lang ang laban!! Kasanga mo Panalangin sa pagsubok nadadaanan mo Nawa'y ay humilom iyong puso Sa naranasan mo sa nakaraan, Magpakatotoo ka sa lahat Wag kang maging peke!! Alam kong kaya mo yan!! Tulog na at alam kong mahaba pa lalakarin kinabukasan... At bukas ituloy ang pagtakbo....

@Darren

Tara kape tayo habang nagmuni muni dito sa gidli nitong mga nakaraan parang ang bigat hirap kumilos, gumalaw, gawin yung mga nakasanayan unti unting kinakain nang halohalong isipin at pagod. Nawawalan ng gana sa mga nakasanayan Kailangan mo lang talaga ng Isang magandang pahinga dahil lahat tayo may dinadala kailangan mo lang ibaba minsan at huminga para madala mo ng maayos at makapag patuloy. ☕☕🚬

@Darren

Bob Marley was once asked if there was a perfect woman. He replies : Who cares about perfection? Even the moon is not perfect, it is full of craters. The sea is incredibly beautiful, but salty and dark in the depths. The sky is always infinite, but often cloudy. So, everything that is beautiful isn't perfect, it's special. Therefore, every woman can be special to someone. Stop being "perfect", but try to be free and live, doing what you love, not wanting to impress others! Ccto Just want to share this one

@Darren

Darating ka talaga sa point na mawawalan ka ng gana sa mga bagay-bagay na dati ay gustong gusto mo at mag pofocus ka nalang talaga sa kung ano yung dapat at mahalaga sayo.

@Darren

Ang pagsubok at problema, hindi maiiwasan, kaya dapat lagi kang handa. Mag isip ng solusyon, gumawa ng paraan. Kasi hindi ang problema ang magaadjust sayo. Lagi lang maging kalmado at magisip bago gumawa aksyon.😉

@Darren

Ang dami ko talagang nakikitang kalukuhan sa fb haha Gusto ko sana pumunta sa Dec 22 kaso kung ito ang mapapanood wag nalang muna haha Maulan na araw sa lahat. Mag iingat tayong lahat palagi 😊

@Darren

Magandang Gabi Ang lakas ko Pala mag lakad biruin mo naka 8865step ako ngayong araw 😂 Wala kasing ginawa kundi ang maggala kaya walang natatapos na trabaho haha. Baka mahilig din kayo mag lakad subukan niyo na din to para maging token din at maging barya https://sweatco.in/hi/malakasbch Good night kailangan na matulog at napagod Ako kakalakad sa trabaho kanina.😂

@Darren

Train your mind to see the good in everything. Positivity is a choice. The happiness of your life depends on the quality of your thoughts. Nakita ko lang mukhang maganda Kasi kaya pinost ko haha. Good afternoon 😊

@Darren

Magsimula sa 3usd hanggang sa naging 19usd na pero negative PNL pa ngayon kaya waiting lang haha Nadala sa malaki sa futures nung nasunog kaya maliit lang muna tayo habang pinagaaralan pa ang tamang deskarte at ang galaw ng market. Sa mga gusto mag try wag mong papasukin dahil lang sa na hype ka sa mga gain na nakikita mo Lalo sa mga malalaki yung mga gain na nakikita mo sa mga post nila hype lang yun baka maubos ang pera mo kaya bago mo pasukin pag isipan mo muna mabuti at laging ugaliin na yung pera na kaya mo lang mawala sayo ang gagamitin mo dito.