read.cash Log in
@Ching

Bestfriend

Salamat dahil nandiyan ka. Nandiyan para intindihin ako. Ako na minsan baliw, minsan emo, minsan matino, minsan loko-loko. Salamat sa pag-aalala kapag di ako kumain sa isang araw dahil trip ko lang mawalan ng gana. Kahit na nababadtrip ka na sa kakulitan ko minsan, magkasama pa rin tayo. Okay lang pala sakin na mabatukan mo ko basta pabatuk na rin sayo. Salamat din sa pagpapakopya sakin ng assignment kapag nakalimutan kong gumawa. Sa lahat ng pinautang mo sakin dahil masyado akong magastos, salamat talaga. Basta ang mapapangako ko lang sayo magiging ninang ako sa mga magiging anak mo.

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.