read.cash Log in
@Cheriben

Patuloy (Spoken Word Poetry)

Halika na, tara na sa ating lakbayin Oo, sa lakbayin na kinasayan na natin Ang ating araw araw na ginagawa Tara na at sabay sabay na mamangha. O kay saya, sarap sa damdamin! Na sa aking mata'y masasalamin Panibagong landas ating tatahakin Hinahangad na tagumpay atin nang susungkitin Ngunit sandali, ako ay naninibago Pawang may mali at kakaiba sa nakikita at nararamdaman ko Hindi ito, Hindi ito ang nakasanayan ko Tulong! Tulungan nyo ako. Hindi ito ang aking nakasanayan Hindi Ba nga tayo ay magkakasama? Mga sariwang ngiti noon ay akin pang nasisilayan Ngayon kailangan pa ng salapi at magtungo sa bayan upang ang dating tawanan ay muli kong mapakinggan. Okay lang sana kung lahat tayo ay nakakahabol. Nakakasabay sa agos, pagbabago ng daloy Ngunit kagamitan namin sa bahay Kulang na nga at namimiligro nang humiwalay. Namumugto na ang mga mata ko, bunga ng pagbabagong ito Nakahapon sa sanga na wari koy malulugso Dibdib ko'y naninikip habang ang hangin ay bumubugso Sigaw ni inay, gabi na! Umuwi ka na aking bunso Ngunit kay saklap diba? Nitong ating tadhana Labis na nagpapakasakit ay kami pang mga dukha Dukha na nga, ngunit tayo'y walang magagawa Kaysa naman sa ang lahat ay mahawa ng nakamamatay na sakit at kaaway na mapamuksa. Ang iba ay lulan ng barko Nilalasap ang masaganang paglalakbay sa kabilang ibayo Samantalang ako? Amg ginagawa ay sinasagwan ko Landas sa pangarap kong kay hirap, kay layo. Akoy napatulala, sa langit ay tumingala Ama, ngayon sa akin iyong ipinaunawa, Akoy nasa isa na lamang balsa Kaya mga kapwa mag-aaral ko Huwag tayong susuko Tandaan na mas malakas ang ating puso Kumpara sa kaaway na ngayon lang bumugso.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.