read.cash Log in
@Cher

Carmen island

Dito sa carmen agusan del norte, dito matatagpuan ang mga maliliit na mga beach resorts. Wala man gaanong tao dahil ito ay nasa liblib na lugar. Pero sulit naman ang pagud niyo kahit malayo. Dahil makikita mo ang beach nila na puro lamang corals at mga matutulis na bato. Kaya kasi matulis ang mga batong ito ay dahil sa lumalkas ang alon pag sapit ng hapon at sumasabay ang pagtaas ng tubig.

Dito mayaman sila sa mga isda kasi protektado ito ng mga nasasakupang barangay. Dahil noon daw ay maraming mga taga ibang lugar ang dumadayo para lang mag dynamite fishing. Kaya pati ang mga malalaki at malulusog na corals ay nawala. Kaya ang ginawa ng mga taga rito ay pinoprotektahan na nila. At may mga coast guard na bumibisita dito parsa tignan ang mga beach resorts at ang mga inaalagaan coral reefs. Dito sa kinatayuan ko isa ito sa mga beach resort na yubg buhagin nila ay inimbak lamang para magkaroon sila ng white sand. Dito kasi sa carmen itim yung buhangin nila at puro lamang bato na matutulis. Kaya nag hakot sila ng buhangin galing sa ivang lugar para dito.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.