Face your fear
Na try mo na bang harapin yung takot mo? Takot ka ba sa matataas? Anong feeling ba pag nagawa mong harapin mo yung fear mo? Tara usap muna tayo.. Isa akong traveler, mahilig sa travel kahit ako lang mag isa kasi gusto ko mag adventure na malayo sa stress at gusto ko maka meet ng mga bagong mukha, kaibigan, lugar, pagkain at ibat ibang klasing cultura. Dito sa picture nato, ito yung pinaka nakakatakot na experience na ginawa ko. Ang tumongtong sa dulo mismo ng light House. Ito ang naganap sa claver surigao city mindanao. Kasama ko yung mga bagong kilala na groupo at the same time naging kaibigan ko sila on that day lang. Masarap cla kasama kasi subrang bibo ng grupo nila. Kunting joke tawanan agad, picture dito picture doon, vlog dito vlog doon, kaya nagustuhan ko cla dahil subra nakakabuhay ng pakiramdam. Noong nasa baba palang kami, lage kami nag uusap tungkol sa pag akyat sa light house, lahat nagtatawanan kasi nga pareho kaming takot sa matataas. Hanggang nag decision kaming tumuloy sa pag akyat. Pero bago kami naka punta sa taas ang daming nangyari, gumagawa kami ng video, picture sa matutulis na bato at kahit subrang init wala kaming paki. Kasi ang gusto namin makatungtong sa taas. Hanggang dumating kami sa pinakadulo na ng light house at subrang tawa ko sa kanila kasi noong nasa taas na kami iba na yubg mga mukha, reaction at puro nalang sigawan ang naririnig ko. May isa pang umiiyak dahil ayaw pa daw nyang mamatay gusto na nyang bumaba. Pero pinipigilan namin cya kasi pag nangyari yun im sure bababa rin ang lahat. Subrang kaba ko, nag dadalawang isip akong umakyat. Pero nilabanan ko yung takot ko. Hanggang ako na mismo ang nag decision na maunang umakyat at mag picture habang kuha ang buong isla ng light house. At sa pag akyat ko subrang mahangin at kailangan yung buong katawan mo ay tumigas para hindi ka madala ng hangin habang nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Dito ko nalaman na iba yung feeling nasubrang gaan. At masasabi mo talaga sa sarili mo na proud ako sau dahil na labanan mo yung takot mo.
2 comments
Wow naman po, Sana magawa ko din Yan minsan ang mag, travel nag isa pero malabo kasi ddi nila ko pinapayagan. Pero ang Ganda po ng gular boss.
Salamat po mam, marami pa po yan mam hehehe like and comment lang kayo hehehe alam ko magagawa mo rin yan mam. Ilang taon na pala kayo? Kasi mahigpit parin parents nyo hehhe