read.cash Log in
@Charlotte more from that month

Katha

Pag ibig at paghanga Akda nina: @Charlotte at @Yayaya13 Sa dami ng humahanga sayo, Nakikita mo pa ba ako? Palabas na ng pintuan, Baka naman lumingon ka, kahit panandalian. *Nakikita kita ngunit mata mo'y puno na ng pagdududa,* *Pagdududang kinakain at tinatakpan ang posibilidad na nakikita kita,* *Pagdududang nasa isip mo ito'y kay labo na,* *Malabong makita mo ko sinta.* Mga sulyap mo ba'y dapat bigyan ng ibig sabihin? Ang umasa ay di ko ata kakayanin. Sa hangin ay wag mong ibulong, Sa pagdududa wag sana akong ikulong. *Hinihintay ko lamang na ikaw ay mamagkusa* *Pagtingin ko sayoy ginawa akong mahiyain ngayoy nangungulila* *Sana iyo ring mamaintindihan* *Aking pagtingin sayoy makatotohanan, wagas kailanman* Pag ibig at paghanga Akda nina: @Charlotte at @CrazyInsane Sa dami ng humahanga sayo, Nakikita mo pa ba ako? Palabas na ng pintuan, Baka naman lumingon ka, kahit panandalian. *Walang oras ang di ka na pansin* *Ni sa diwa koy di ka kayang alisin* *Mga mata ko may di sayo nakatingin* *Laging pakakatandaan* *Sayo lang umiibig itong damdamin* *Pag labas ko may iyong kalungkutan* *Asahan mong sa pag balik ay may nakalaan* *Oras na para lang sayo kailanman* *Hindi panandalian kundi pang matagalan.* Dapat ba akong maghintay? Gaano katagal? Hindi mo man bigkasin, Sana'y mga mata mo ay wag mag sinungaling, Ang mabigo ay hindi ko kakayanin. *Ang kabiguan moy kelan man di ko dasal* *Pagbalik koy di mag tatagal* *Pagkat puso koy hahanapin ka* *Sayo't sayo pa din uuwi sinta.* Maraming salamat sa pagbabasa💕 Hindi inaasahang pagtugma ng mga salita mula sa tatlong may akda😊

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.