Module Module na ang uso sa larangan ng pag aaral, Mga bata ngayon Sa bahay na nag aaral, Wala ng uniporne, shuttle service at baon, Wala na ring recess Kasi sa bahay na maghapon. Wala ng flag ceremony at close the gate, Wala na ring ID At wala na ring late, Wala ng group projects At wala na ring activities, Wala na tuloy bonding Kasama tropa at beshies. Wala ng cutting classes Ng mga pasaway na student, Wala ng nambubully na hindi alam ng mga parent, Wala na sina crush Na nagpapakilig, Wala ng inspiration Wala ng pag ibig. Wala ng group activities Na masarap gawin, Ka member mo si crush Na may simple kang tingin, Sinisipat ang mukha Kahit na patago, Basta masilayan lang Araw mo ay mabubuo. Wala ng cheating sa quizes at exams, Wala ng pasahan ng papel na sinulatan, Nagkodigo ka na nga, nangopya ka pa, Kapag nahuli ka patay kang bata ka. Tanong: Anong mas gusto nyo, Yung aral noon o ngayong puro module? #MgaTula
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Yung dati kasi may baon 😊😂