Kanina pang alas dos umuulan dito sa amin at hindi na tumigil. Kaya ito kami ng anak ko nakakulong dito sa bahay , at tamang nood lang siya ng cartoons. Sana tumigil na ulan ng maka bili sa labas ng meryenda, gutom na ako... Siguro magkakape nalang muna kami ng anak ko , kaso walang tinapay at nabaha pa sa labas sa lakas at walang tigil na ulan...
I'm so happy today.
Kasali ang anak ko sa World Vision, at nakasama ako sa lively hood program na makakakuha ng 5k sobrang thank you thank you talaga sa nag uumapaw na blessings Lalo na ngayong kapos na kapos kami. Wala pang date kung kelan I re release, kaya ngayon palang pinag iisipa ko na kung saan ko gagamitin pero siguro sa pag aalaga nalang ng baboy since may alaga Naman akong baboy... Share ko lang po ,
Bolinao na binilad.,
Nagbilad yung biyenan ko ng dilis na huli ng asawa ko at kapatid niya kagabi. Kaso nga lang biglang umulan ngayon kaya ayan Hindi pa natuyo... Sana uminit na at baka mabulok to pag di nabilad ng maayos.. masarap pa naman to , Lalo na pag nilatik o yung nilagyan ng gata tapos madaming sili , masarap siya...
Oha fresh na , pagkapasok ng asawa ko sa work at anak ko sa school, naglinis na ako ng bahay at Ng asikaso ng mga baboy pagkatapos naman ay naligo na ako. Kaya ngayon dito nanaman ako tatambay para makipag kwentuhan sa inyo mga mate. Kamusta po tulog niyo ? Nag almusal na ba ? Almusal na muna , ako tapos na kanina pa. Talong ulam namin pinrito ko tapos sawsaw sa Toyo na may kalamansi at kamatis.
Kahapon ng hapon hindi pumasok sa work ang asawa ko nilins niya kasi likod ng bahay namin dahil sobra na ang mga mga damo antataas na baka tirhan na ng ahas kaya nilinis niya na. Kaso dipa niya natapos itapon lahat kasi kanina pumasok na ulit sa work. Pati anak ko may pasok na rin now , kaya ako nanaman mag Isa sa bahay. Mamaya Maya lang maglilinis na rin ako ng bahay , kayo mga kaingay anong ganap niyo ngayon?
Everybody isn't your friend.
Just because they hang around you and laugh with you doesn't mean they are your friend. People pretend well. At the end of the day, real situations expose fake people, so pay attention.
I HOPE WE ALL GET THE FRIENDSHIP WE DESERVE. ❤️
Kaya ako sa asawa ko lang talaga ako nagsasabi ng tsismis e, safe .
Wow. Katuwa naman, sarap gumising pagka ganito ang bubungad sa iyo. Maraming salamat po sa walang sawang donations niyo. Natulog ako kagabi zero yan pag gising ko wow 😲 kaya sarap tumambay dito e. May kaibigan kana may Kita ka pa. Again thank you po.
Good morning.
May pasok nanaman...
Magandang gabi mga kaingay!
Kaninang hapon, may dumaan na habal habal may tindang mga gulay. Bumili ako ng ano na nga tawag dito nakalimutan ko hahahaha. Basta yun na yun yung hinahalo sa pancit. Ginisa ko nalang at sinahugan ng sardinas at sinabawan ayun masarap Naman... Tapos pag uwi ng asawa ko may unting huli ng dilis o bolinao kung tawagin sa bicol... Sinabawan niya at nilagyan ng kamatis at kalamansi, ayun solve ang hapunan. Sayang diko na picturean yung dilis na niluto niya. Naubos kasi agad hehe
Good evening mga kaingay!
Ayun nag laot nanaman asawa ko. Kami Naman ng anak ko tambay na muna sa beach ni don , katiwala ang biyenan ko dito sa beach. Nag uumpisa nanaman sila mag decorate dito at Itong mga tent na galing pa ibang Bansa. Chinese Kasi yung may ari nito. Ang kagandahan lang dito e open Itong beach kaya anytime pwede tumambay dito wag lang magkalat.
Maulang hapon mga kaingay!
Medyo masama pakiramdam ko ngayon, siguro dahil sa panahon dito pabago bago kanina sobrang init tapos umulan tapos uminit ulit at umulan nanaman .. Ang singaw pa ng lupa ang sakit sa ilong ang sakit pa sa ulo. Habang tumatanda puro Vicks at catinco na nasa bulsa , ganito na siguro talaga pag gurang na hahahah...
Meryendana po tayo.
Hay naiinis talaga ako sa asawa ko. Gumawa kasi siya ng boga ayan paputok , e takot nga ako diyan. Tapos yung anak ng kapatid niya gusto rin magpagawa ng boga e Isa lang ginawa niya kaya ayun nag away yung anak ko at pinsan niya. Hay naku. Masakit ulo ko , kaya matutulog na muna ako mga mate... Good afternoon
So ayun nga nilipat ko na siya sa coins ko , since mas safe siya dito. Pero ewan ko nalang rin kung ano maisipan ko hahahaha..pero sana wag Naman ako matukso. Heheh
Good afternoonpo mga kaingay!
Ayan na , nakapag decide rin kung talong ba o kamatis ang lulutuin kong agahan haha. Hirap na hirap lang mag decide hehe. Kamatis with egg. Pagkatapos namin kumain ng anak ko ngayon ay mag aabang kami sa dagat kung may nakauwi naba na mangingisda, sabi kasi ng asawa ko gusto niya raw ng isda mamayang tanghalian kaya mag aabang ako mamaya. Sana lang e may huling isda ang mga mangingisda . Minsan kasi umuuwi silang walang huli. Kawawa Naman kung Wala. Kasi sobrang Mahal ng Gasolina na ginagamit nila para sa makina sa bangka
Good morning mga kaingay!
Walang pasok ngayon anak ko kasi may webinar ang teacher nila ngayon. Kaya ito tinanghali ng gising. Ano kaya ulamin namin ng anak ko ngayon, pinagpipilian ko pa kung talong o kamatis hehehe . Hirapmag decide nu hahahahaha.
Pero magkakape nalang muna ako.
Pagkatapos namin kumain ng hapunan ng anak ko, nagsisigaw yung anak ko. Meron palang ganito sa pader namin. Since malapit kami sa dagat maraming ganito sa amin. Maraming ganito dito pero iba iba ang tawag. Itong isang to Hindi ko alam kung anong tawag dito...Ang ginawa ko kumuha ako ng walis Tambo at winalis.Ko palabas ng bahay . Nanginginig anak ko hahahah ,
Nanghihinayang ako. Since tinamad na ako magluto , pinabili ko ng wow ulam afritada yung anak ko tapos binuksan ko na para kakain kami. Pagbukas ko nung takip ng ulam namin sa lamesa mayroon kaldereta, binigay pala ng biyenan ko galing sa fiesta sa kabilang barangay. Hayssss Sayang yung wow ulam.hindi nakain pero nabuksan na...
Good evening noisemates!
Share ko lang tong vitamins na dala dala ng anak ko galing sa school niya. Ubos na vitamins ng anak ko sakto may binigay teacher niya na celeen , lahat Mula grade 1 hanggang grade 6 meron . Hindi ko lang na klaro kung kanino talaga galing, ang alam ko lang ay sa school... Malaking bagay na rin sa amin to. Kaya salamat at may mga paganito ang skwelahan.
Magandang hapon mga kaingay!
Pagkauwi galing work ng aking asawa nag meryenda ng madali tapos eto nanaman sumama Naman siya mag laot sa kapatid niya. Sabi ko nga magpahinga na muna. Hindi naman raw siya pagod. Sana makahuli ng madami , ng maka hayahay naman paminsan minsan haha.
Birthday Ngayon ng aking pamangkin!
Ulila na sa Ina ang mga Yan , ang aking kapatid na kanilang Ina ay pumanaw nung 2018 tapos ang kanilang ama Naman ay iniwan o inabandona sila.
Sayang lang at Wala ako doon at birthday niya, miss na miss ko na ang dalawang Yan. Pakabait sana kayo diyan Kay mamang at papang at wag matigas ang ulo.
Mainit na hapon sa inyo mga kaingay!
Nakatulog kami ng anak ko kaninang mga 12 noon , tapos mag a alas dos na ng nagising ako sobrang init. Kaya pagkatapos ko linisan yung baboy ko ay naligo na ako kasi grabe sobra ang init, Itong puno lang na ito ang nakakatabing sa bahay namin pag mainit talaga. Tirik na tirik ang sikat ng araw pagka ganitong oras ang pinaka mainit dito sa amin Kasi lantad na kami sa init.
Wow. May pa ganito si shien !
Kaso nagkaroon ng delays sa shipping. Pero hindi naman talaga delay kasi ngayon rin expected date ko na dadating tong order ko . Wala lang ang Ganda lang ng service nila na may pa ganito silang points. Yung points Kasi nila is equivalent ng dollar, o diba Malaki narin to. Ang maganda yung points na makuha mo ay pwede mong I less kung oorder ka... Yan pala inorder ko lunch bag para sa anak ko... palagi kasing nadudurog biscuits niya sa bag naiipit niya...
Ang paro-paro ay nagsisimula siya sa uod. Uod na kung saan ay maraming ayaw
at pinandidirian ,pero di magtatagal magiging paro-paro rin siya at kay gandang pagmasdan.
Ang buhay mo ay katulad ng paro-paro.
Enjoy mo ang season mo. Enjoy mo ang bagay na mayroon ka lang muna. Enjoy mo kung nasaan ka.
Huwag kang magmadali.
Huwag kang mainip.
Huwag kang mag-alala.
Ang paro-paro na nagsimula sa Uod na mabagal maglakad ay magiging isang Paro-paro na lilipad nang mataas at kung saan niya ibig magtungo. Pero kailangan niyang dumaan sa proseso at maghintay sa tamang panahon.
To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven.
-Ecclesiastes 3:1 KJV
Darating ka rin sa tagpong pinapangarap mo. ♥️
Muli magandang Umaga mga kaingay!
Good morning everyone,
Ayan napuyat ako , sigurado hindi lang ako napuyat nato dahil sa takot. Kaya ayan medyo tanghali na nakapagluto. Pritong talong na lulutuin kong ulam para madali at healthy rin naman,sawsaw nalang sa Toyo naay kalamansi at kamatis. O siye mga mamaya ulit. Mag asikaso na muna ako ng studyante ko , alam niyo naman lunes nanaman... sige mga mate see ya later
Wala pang 1 month nung pinatay ng kapitbahay namin yung kapitbahay lang rin namin. Tapos ngayon eto nanaman may pinatay nanaman dito. Hay grabe Hindi ko na alam kung gusto ko pa ba tumira dito. Ano na bang nangyayare sa mga tao at sila sila nagpapatayan. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot. Pati anak ko kanina pag pasok namin sa bahay namin Sabi niya " mama I lock mo ang pintuan pati sa kusina ma " alam mo yun takot na takot siya.... Pati anak ko nagkaka phobia nag aalaga ako sobra. Grabe na tong nangyayareng to. Sana matauhan ang mga taong may gawa ng masama at magbagong buhay na sana sila at Makita na Mali ang ginagawa nila.
Taas ng tirik ng araw.
Sige ganiyan lang Sana para matuyo na kaagad mga nilabhan ko. Lalo na mga uniform ng anak ko, pasukan na ulit bukas e. Kahapon may meeting sa school Hindi nga ako nakapunta sa dami ng nilabhan ko , Ang pinag meetingan lang naman kung sasali ba mga studyante sa Girl scout boys scout, may registration fee na 100 . Diko pa sure kung papasalihin ko anak ko. Medyo malayo kasi yung Lugar na napag usapan kung saan gaganapin.
Magandang tanghali po mga kaingay!
Kanina maaga kami namelengke ng anak ko kasi market day dito sa amin ay tuwing linggo. Sobrang dami ng paninda na pwede pagpilian pera nalang sana kulang hahahaha. So ayun nga namili ako ng gulay , kamatis talong ampalaya grabe ang kilo ng ampalaya diko kinaya , isang piraso lang binili ko 49 pesos na. Kulang na kulang ang 1k sa ulam palang. Pagkauwi namin ng anak ko kanina ayan nagluto na ako ng ginataang ampalaya , masarap po yan mga mate sinahugan ko ng pritong isda. Yung isda na inihaw naman bigay ng bilas ko huli ng asawa niya... o diba libre na minsan sa ulam. Maganda dito bigayan Hindi madamot mga tao...
Good morning mga mate.
Ang aga ko nakatulog kagabi , Hindi na ako nakapag good night pa sa inyo sa sobrang pagod at antok na rin dahil tinapos ko kahapon ng hapon ang isang tambak kong labahin. Pero Hindi ko pa nabanlawan. Ngayon ako magbabanlaw pagkatapos ko magkape para naman bago pa sumikat ang haring araw eh makapag sampay na ako ng matuyo agad. Lalo na mga uniform ng anak ko..
Kape po muna tayo mga mate 🧉!
Good night na po mga mate.
Katatapos ko lang manood ng Cinemo, Ang pamagat ng pelikula Alyas Baby Face. Ang Bida ay si Ian Veneracion. Ang gwapo talaga ni Ian nung Bata pa siya kahit naman hanggang ngayon. Basta sa mga lumang pelikula siya talaga crush ko. Kaya ngayon matutulog na ako baka mapanigipan ko pa siya eh. Hehe. Bukas ulit mga mate. Sleep na po tayo. Maaga pa ako para mamalengke bukas. Kasi linggo ang market day dito sa amin...
Magandang gabi mga mate.
Flex ko lang Yung anak kong mas mataray pa sa akin. Daming talent niyang Bata nayan hehehehe magaling po yan kumanta mga mate , nag wi whistle din yan hahaha kaya rin niyan pagalawin ang Tenga niya ng Hindi niya hinahawakan . Kaya niya rin magtaas ng kilay ng Hindi sabay hahahahaha. Pero gwapo po yan lalaki po yan mga mate. Lagi lang napagkakamalang beke heheh , mahilig kasi siya tumawa na parang babae pero pagdating sa mga laruan mga heavy equipment ang gusto at hilig niya.
Good afternoon noisemates !
Nakatulog yung anak ko sa bahay, kaya ayan pumunta muna ako dito sa kapitbahay para maki wifi, tapos Ito Nakita ko tong cutie patotie na inaanak ko. Ang Cute cute niyan, ninang ako sa bubu at ngayon naman November 12 ang binyag niya sa simbahan kinuha ulit akong ninang niya. Ang mama niya pinsan ng asawa ko. Naalala ko lang palagi ako kinukulit ng asawa ko na sundan na namin yung anak ko kasi 6 years old na. Ako lang ayaw , Kasi naman Hindi ko parin nababwi mga puyat ko nung baby yung anak ko hehehe. Sa pag alaga Wala sakin problema Ang kaso ang puyat sa Gabi ang diko kaya Lalo na pag ayaw matulog ng ni baby sa Gabi... Hindi ko kayang tagalan ang puyat..