read.cash Log in

@Cattt

Joined 7 October 2022 · 761 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

C@Cattt

Good morning po. Kakauwi lang ng asawa ko galing Manila. 5 days rin siya sa manila. Nag deliver sila ng isda tapos pag uwi naman may karga naman silang semento at mga bakal. Yung negosyo kasi g boss niya e may barkong ginagamit sa pangingisda tapos may hardware, kaya magandang idea talaga yun para kung mag deliver ng isda sa manila pag balik e may karga ulit.

C@Cattt

Second time ko maglaro nito, first try ko Hindi ko nakuha ngayon nakuha ko yun magic word pero kailangan pala Lima ang masagutan bagi makuha ang price. Hehe. Palagi ko kasi nakikita tong app nato dito kaya try ko nga , okay naman nakaka willi hehe. Good morning

C@Cattt

Maghapon Brown out dito sa amin ngayon lang nagka kuryente, kakauwi lang rin namin galing birthday han bago ako umalis ng bahay nag picture muna ako hahaha Sayang outfit e kung walang picture Lalo na at 2 percentage nalang battery ko kanina bago kami umalis, kaya pati anak ko walang picture sa birthday han kanina kasi deadbat na cellphone ko. Hingi nalang ako soft copy sa may birthday kasi may photograper Naman sila na ni rentahan... Anyway busog na heheheh Good evening everyone..

C@Cattt

Good morning So yun nga habang timuturuan ko mag spelling yung anak ko e biglang nag brown out. So para matuloy yung pagtuturo ko naisip ng anak ko ilagay nalang sa noo niya yung flashlight habang nagsusulat siya. O diba bright idea yan anak. Anyway grade 1 palang po anak ko pero Pina pa spelling na po agad sila ng teacher nila. Pero para sakin mas okay na rin yun mas advance mas maganda diba. Mas madaling matuto...

C@Cattt

3days ng nasa manila asawa ko nag biyahe ng isda pa bulacan galing dito sa bicol. Sunday pa raw uwi niya ang tagal. Nahihirapan talaga ako pag Wala siya dito , number na sa ulam may pera man kaso hirap ako maka decide kasi walang nagtitinda dito ng lutong ulam o kung magluluto man ako e Sayang lang kasi dalawa lang kami ng anak ko konte lang naman kinakain ng Bata. Kapag dito aswa ko pagka ganito mas madali siya makapag decide kung ano uulamin kasi pupunta agad kami ng bayan para bumili e ngayon Wala ako driver. Kaya pag nalaman ng asawa ko na puro ganito ulam namin magagalit yun. Hay sana umuwi na siya... Hehe laki ng problema ko

C@Cattt

Gusto ng isang malapit na tao sakin na magkaayos kami nung babaeng malapit rin sa akin dati. Ang sagot ko lang ayoko na mas okay na po yung hindi na kami nagpapansinan hindi na kami nagkikita at least ngayon mas natahimik kami at mas gusto ko yun kesa magkalapit kami kung paulit ulit lang rin kaming magkakasakitan mas okay na yung malayo siya malayo ako at Hindi na kami magkita... Kasi unang una Wala Naman akong ginawa pangalawa nadamay lang ako kahit Wala akong alam..

C@Cattt

Ganito set up ko palagi sa bahay pagka ganitong may pasok anak ko tapos nasa work asawa ko. Kung ano ano ginagawa ko para malibang.

C@Cattt

Magandang Umaga! Buti pa to nag pa ramdam yung jowa mo Hindi na hahahahah charotttttttt.

C@Cattt

Good morning everyone Kahapon ng hapon dumating na yung binili kong biik sa kabilang barangay, habang nag ta trabaho si mister gusto ko rin siya tulungan kahit nandito lang ako sa bahay. Hindi dahil sa maliit sweldo niya kundi dahil mag asawa kami kaya dapat nagtutulungan kami kung ano ba dapat gawin para mas makaluwag luwag kami...Ang pag aalaga kasi ng baboy sa una di ka talaga kikita kasi puro bili ka ng feeds pero after 4 months pwede mo na ibenta parang alkansiya lang diba... Dati nag alkansiya ako pero mas naisip ko mas nakakalibang kung ganito gagawin ko ..

C@Cattt

Giant squid huli ng asawa ko bale ulo nalang yan ng pusit yung katawan niya pinakilo na namin at may bigat na 5.3 kilos. Mamaya papakuluan ko ito at ilalahok sa gulay para may pang ulam... Magandang hapon

C@Cattt

Good morning guys. Picture namin nung binyag ng inaanak ko. Ako yung naka white sa tabi ng inaanak ko at mama niya. Parang normal na picture lang no pero ang totoo sobrang sikip niyan sa simbahan dahil damj ng tao kasi 14 ang batang bininyagan...bale habang nag mi Misa si father is nasa labas lang kami nakatayo kasi di na kasiya sa loob. Nakapasok lang kami nung time na tapos na at mag picture nalang

C@Cattt

Good morning guys Breakfast namin kanina. Spaghetti and bread. Magdamag ang ulan kagabi, nakapasok na anak ko sa school bago pa man nag declare na Wala raw pasok ngayong araw. Kahit na wala naman na ulan now kundi makulimlim lang. Pero okay narin yun.

C@Cattt

Orange Bumili ako kahapon nito nung pumunta kami ng pier kasama asawa at anak ko. Pinabili to ng anak ko tapos ngayon niya lang naalala na may pinabili pala siyang orange kagabi, kaya ayan kinain niya na...

C@Cattt

Good morning mga kaingay Monday na it's a busy day sa lahat. Maaga ako gumising kanina para magluto ng agahan dahil may pasok na anak ko pati narin asawa ko sa work pagka Ali's nila ako Naman kakain para makapag simula na maglinis ng bahay.. Kain po muna tayo

C@Cattt

Pagkauwi ng asawa ko kanina galing work e nagmeryenda na siya tapos inaya ko pumunta ng pier manuod ng sunset Kaso maulap , kaya pinanood nalang namin dumaong ang barko at habang bumababa ng barko ang mga sasakyan e binibilang ng anak ko bale 22 ang asakay na sasakyan ng barko na nabilang niya. Matibay na talaga magbilang. Good evening

C@Cattt

3 days straight na Karne ang ulam kaya ito na muna chicken lucky me, para maiba Naman. Breakfast na po tayo mga kaingay

C@Cattt

Iniwan ng Fiesta Good morning guys. Eto talaga ang ayoko pag tapos ng handaan o okasyon mga kuskusin at hugasin. Pero kahapon pa yan guys pagkatapos ko mag picture niyan naglinis na ako kahapon kahit may mga nagiinuman pa sa harap bahay. Para ngayon dina masiyado marami gagawin ko ..

C@Cattt

First photo Baby Yrel and next is baby Lexus Dale. Mga inaanak ko ,bininyagan kanina. Kulang pa yan ng Isa di na ako naka attend doon kasi sobrang busy na kanina. Andaming tao since Fiesta dito sa amin kaya diko na napuntahan yung Isa. Haggardo versosa na ang Lola niyo, pero ang ga chikiting active parin... Good evening. Pagod na pagod ako ngayong araw.

C@Cattt

Goodbye baby ko. Kaiyak kakatayin na siya. So ayun nga kaliwat kanan nagkakatay ngayon kasi bisperas na nng Fiesta. Nag 90 kilos rin ang baboy ko pwede na pam handa , hehe ipakain lang pala nu. Pero okay lang yan. Yan ang kaugaliaan dito e.

C@Cattt

Good morning mga kaingay Dumating na yung order ko sa shopee na sapatos gagamitin ko sa fiesta hehe. Makipag sayawan ako ng bonggang bongga uso pa yan dito sa bicol e. Sa inyo guys uso paba yan sa Lugar niyo? Naku ako gusto ko parin ang ga ganitong Gawain mag Cha Cha at disco magdamag...

C@Cattt

Damang Dama na ang fiesta ! Kakauwi ko lang galing seminar sa simbahan , Isa kasi ako sa ninang sa binyag. Required na mag seminar ang mga ninang para raw pag oras na ng binyag e alam na ng mga ninong ninang ang gagawin o isasagot sa pari para Hindi magulo. So kasama na rin doon ang mga pinag usapan ang tungkol sa damit ng mga ninang na hindi pwede labas cleavage, hehe at kung palda naman o dress dapat lagpas Hanggang tuhod pababa. Pero walang sinabi na bawal crop top hahahahah Crop top pa naman suot ko haha.

C@Cattt

Good morning Ngayon lang ulit nakapag ingay dito naging busy Kasi ako kahapon maghapon, tapos now may seminar Naman kami sa simbahan para sa mga ninong and ninang sa binyag fiesta na kasi dito sa amin bukas. Alam niyo ba halos lahat ng kapitbahay mag kakatay ng baboy pang handa sa fiesta. Ganito dito sa Lugar ng asawa ko. Isa to sa mga gusto Kong Gawain dito... Probinsiyang probinsiya

C@Cattt

Ayan habang naglilinis at nagtutupi ng damit Nakita ko tong luma kong damit na vintage crop top color black. Wow pwede pa naman pala e. Kaya ayan picture picture muna ang Lola niyo naantala tuloy ang paglilinis ko hehe.

C@Cattt

Good morning everyone Pagkatapos mag agahan ay maglilinis na ako ng buong bahay namin kasi malapit na ang fiesta na dito sa amin. Share ko lang po sa inyo alam niyo po ba dito sa Lugar ng asawa ko tuwing fiesta halos lahat ng bahay may handaan may karaoke parang katulad lang po nung 80s and 90s. May sayawan tuwing fiesta tapos may mga pa games , yun talaga inaabangan ko pag pista mga paloko lokong games pero masaya...

C@Cattt

Good night Bukas po ulit. Kailangan na muna magpahinga sa nakakapagod na Mundo.

C@Cattt

Wow Lucky 444 Road to 500 na mga mate. Thank you so much sa mga followers ko and donators na walang sawang sumusuporta Hindi lang sa akin kundi sa karamihan sa atin dito o halos lahat tayo nakakatanggap ng blessings araw araw. Sana tuloy tuloy lang ito at walang magbago. Good afternoon.

C@Cattt

High school days. 1980s and 1990s can relate. No offense sa mga mag aaral ng makabagong henerasyon. Ito ay kwento lamang natin. Hahahahaha (Mga estudyante noon) Class suspension - Walang announcement sa tv o radyo..papasok ka kahit bumabagyo tapos malalaman mo lang suspended pag nandon kana at basang basa sa ulan Research - kailangan kabisado mo ang decimal arrangement ng books sa library.. at sanggang dikit mo ang librarian para makahiram ka lagi ng books.. bihira ang computer.. at pag meron wala naman yung internet..gugol oras dahil di tulad ngayon na autoclick na makikita mo agad ang mga topic.. noon magbabasa ka talaga ng books. Report- kailangan may handa kang manila paper at pentelpen.. dapat gandahan mo den ang sulat para maintindihan ng kaklase mo.. at dapat malakas ang boses mo para marinig ka sa likuran. Books- pag sa public ka nagaaral, hiraman sa books.. swerte na may apat na books ka.. kaya dapat marunong kang makisama para makahiram ka sa iba..kundi nganga 😂 Exam- tatlong araw na half day.. review to the max ka..dapat kumpleto ang notes .. tapos may buraot kang kaklase na di magrereview pag di mo pinakopya galit na kayo non ..after exam kayo kayo den ang magcheck ng test paper.. tapos sasabihin ni mam yung grades mo sa klase .. proud syempre pag mataas exam score mo.. pag mababa pagtatawanan ka may kasama pang sermon ni mam 😂 Secretary ng classroom - isususmpa mo pag ikaw ang classroom secretary dahil ipapasulat sayo ni mam sa blackboard yung mga nakalagay sa libro..ang ending pagod kana nga, nalanghap mo pa lahat ng chalk.. tapos ikaw ang makikikopya sa iba kasi wala kang notes 🤣 Subject Notes- kailangan mabilis kang magsulat.. dahil kailangang burahin agad yung nasa blackboard para makapag sulat ulit yung secretary.. Kasama sa grades ang notes kaya dapat kumpleto ka.. dahil mas maraming pages ang notes mo more chances of mataas na grades 😅 Lunch break- tiyak puno ang canteen or di kaya e di masarap ang luto.. kaya lalabas ka ng school para maghanap ng mura na pagkain na pasok sa budget mo..ang layo non e parang umuwi kana sa bahay mo 😂 Free time- kung hindi nagchichinese garter ang mga babae, yung mga lalake ay nagsisipa. O kung ano ang usong laro ..Lahat ng ilalim ng puno may tao.. mga naguusap usap.. o nagkakantahan.. sikat ka pag magaling ka maggitara plus point pag pogi kapa. Famous- famous ka pag may game boy ka.. sikat ka non kasi rich kid lang nakakabili ng ganun, pwede din yung brick game.pero sa kin game and watch...😂 Christmas party- pagandahan ng damit.. tapos may tig 50 pesos para sa exchange gift.. na kadalasan ay panyo ang makukuha mo..malas ko palagi kasi baso nakukuha ko.. sarap ipukol 😂 masaya den yung mga palaro sa loob ng room .. asahan mo na gagala kayo pagtapos ng mga program sa room nyo..tiyak yan e sa bahay ng kaklase mo.. dahil wala pa namang mall noon malapit sa inyo.. Sarap lang balikan ng alaala noon.. 😂 walang gadgets pero mas masaya.. SIDENOTE: Dahil sa mga experiences na ito, mas nabuibuild ang strong foundation of good character & values. CTTO - I miss the old days 🥺

C@Cattt

Good morning sa lahat Kape po muna tayo mga kaingay! Bago simulan ang panibagong Umaga , sanay makiayos sa atin ang araw at maging maayos Naman sana ang mga mangyayare ngayon. Amen!

C@Cattt

Grabe mga nangyare ngayon araw. Hindi ko na ma take. Sana bukas maging maayos na ang lahat. Sana pakinggan ni Lord ang mga dasal ko. Sana nga Hindi siya natutulog, katulad ng sinasabi sa kanta. Haysssss Good night na po...

C@Cattt

Breakfast na meryenda pa. O San kapa ? Tipid tayo ngayon. Tatlo ba naman kumuha sakin mag ninang ngayong 12 ng November huhu may pakimkim na may pa regalo pa siempre. Yung susuutin ko pwede naman siguro Hindi na bago hahahahaha. Hay naku mga mate stress na ako ,