Since tipid tayo ngayon eto na muna breakfast natin tinapay ang star margarine. Good morning mga kaingay! Kayo anong agahan niyo
Joined 7 October 2022 · 761 posts
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Since tipid tayo ngayon eto na muna breakfast natin tinapay ang star margarine. Good morning mga kaingay! Kayo anong agahan niyo
May natirang spaghetti kanina galing sa hipag ko niluto niya to nung meryenda, Hindi naubos kaya ininit ko sa rice cooker. Ginutom ako kakalibang mag bingo. Bukas po ulit mga mate. Good night
Nag grocery kami kanina ng anak ko , hirap isipin na itong maliit na eco bag na to almost 500 na grabe ! Hihimatayin kana talaga sa presyo ng mga bilihin ngayon. Wala rin naman tayong magagawa kaya sige tuloy lang ang buhay. Kahit di umasenso ang mahalaga nakakaraos sa pang araw araw na gastusin at malayo sa anumang karamdaman. Kahit ganun lang ay okay na ako... Magandang gabi sa inyo..
Napansin ko lang tuwing stress ako , order ako ng order ng kung ano ano kahit diko naman talaga nagagamit yung mga inorder ko. Pero pag dumating na order ko ang happy ko kahit na di naman talaga yun kailangan. Nagiging stress reliever ko ang pag order ng kung ano ano pag stress ako. Kaya minsan naisip ko natural paba to? Minsan gusto ko na I delete mga online shopping app sa cellphone ko kaso iniisip ko baka Lalo lang ako ma stress pag ginawa ko yun hay ewannnn
Mabenta ang Lola niyo sa binyagan , ngayong darating na fiesta dito sa aming Lugar ay may binyagan na magaganap sa simbahan. Kaya andaming magpapabinyag , at yun na nga dalawa ang kumuha sa akin para maging ninang ng anak nila ibig sabihin lang nun may tiwala sila sa akin bilang pangalawang Ina ng mga anak nila. Atsaka masama rin naman tumanggi kung kunin ka diba , kaya sige mag ninang na tayo. Magandang hapon nga pala
Magandang tanghali sa inyo. Sobrang stress talaga ako kahapon , feeling ko yun yung dahilan kung bakit nanikip dibdib ko kagabi Hanggang ngayon. Since walang check up ngayon kasi Sunday ni re relax ko nalang sarili ko para bukas magpa check up... Sana ay Wala lang ito.
Kagabi maaga ako natulog kasi diko maintindihan naninikip dibdib ko kaya sabi ko itulog ko nalang baka pag gising ko mawala. Pero nagising ako ngayon naninikip pa rin. Sana Wala lang ito 😥 Gaano man kabigat ang problema okay lang sa akin kakayanin ko wag lang ako magkasakit...
Good evening mga kaingay Kanina pumunta dito yung kapitbahay namin at binigyan ako ng invitation kasi kinuha niya aking ninang ng anak niya ngayong November 12 fiesta dito sa amin. Dalawa ang hahawakan ko sa binyag ngayon. Sana may pera ako non para may pakimkim man lang hahah
Pa help naman po. Sa nakaka alam Hindi ko kasi alam bat nagka ganito premise app ko , Sayang naman naipon ko kung di ko ma retrieve account ko dito. Haysssss
Late lunch Ewan ko ba pag stress ako Wala akong gana kumain. Mag 2 o'clock na pala ngayon lang ginutom kaya ngayon lang kumain... Kain po tayo mga kaingay.
Kapos man sa buhay ngunit masaya naman, di mo dama ang kahirapan pagkasama mo ang Buong pamilya, nagtutulungan, nagkaunawaan at nagmamahalan sa isa't-isa. #simplingpamumuhay #buhayprobinsya Photo from Facebook
Good morning mga mate. Maaga ako nagising dahil sa perdon. May prusisyon dito sa amin ng 3 am ng madaling araw , everyday yun Hanggang fiesta. 9 days rin yun. Hindi ako masiyadong pamilyar kung ano ba yung perdon, Basta pag nag prosisyon kumakanta sila ng parang Spanish yata yun. Basta mga mate yun na yun...
Magandang gabi mga mate. Sa tapat ng bahay namin pagitan ng kalsada ay may beach resort, at ito ang Isa sa mga Kay gandang pagmasdan ko tuwing Umaga ang hitik na hitik na bunga ng papaya. Alam niyo ba kulay orange ang laman niyan pag hinog ang tamis niya kesa dun sa normal na papaya lang.. galing pa yan Zamboanga tinanim dito yung buto ...
Good evening mga mate Feeling ang mga ferson. Feel na feel ang tambayan at nakataas pa mga paa hehe. Kanina lang yan, pagtapos tumambay diyan pumunta kami ng bayan niyan na asawa ko at bumili ng ulam na luto pork steak at chicken legs na hilaw bukas ko lutuin at favorite yun Ng anak ko. Kayo mga kaingay? Kumain na ba ?
Good afternoon mga kaingay Tambay muna sa beach at meryenda na tayo kasi hapon na... Tuwa ang baby ko e Kamusta na kayo ?
Kagustuhan ang pagiging masaya. Maaari mong piliing maging masaya. May mga magpapalungkot sa iyo sa buhay, pero nasa iyo na yun kung magpapaapekto ka o hindi. #PiliinMagingMasaya #selflove
Good morning mga kaingay! Ang Ganda ng panahon ngayon, sana ganito rin ka Ganda ang buong araw ko ngayon. No more stress na. Dapat happy lang and always positive mind. Hayaan nating ang problema ang mamroblema sa atin Hindi yung problema ang problema hin natin, ano yun tayo mag a adjust? No. Siya mag adjust problema lang siya strong ako hehe. Kamusta kayo ?
Good night everyone! A throwback picture of me and my son bonding together. Wala na ako ma I post e. Tsaka matutulog na ako inaantok na ako , bukas po ulit mga mate...
Good evening mga mate. Good news sumweldo na Bad news kulang pa pambayad sa mga bayarin. Hahayssss ganito nalang ba palagi Wala na ata magbabago. Paulit ulit nalang kahit anong sikap mo kahit anong pagod mo ganun pa rin. Mayaman lang ang yumayaman ang mahirap lalong humihirap. Mga bilihin ang number 1 na pahirap , hay naku. Kain nalang tayo mga mate hehe. Pa emote lang ng onte. Onte lang...
Como pobre listo Ayan tumila rin ang ulan at buti nalang at kinunan ako ng bilas ko ng stab para ma claim tong bigas na galing sa barangay dahil sa bagyong paeng. Ang Kaso nagkagulo pa kasi andaming di nabigyan , tapos ang masaklap pa yung mga Hindi naman naglinis sa baybayin e nag claim. Tapos yung ibang naglinis walang nakuha.... Haysss kung sa akin lang sana di nalang namigay ng ayuda kung di rin lahat mabigyan para patas
Magandang hapon mga kaingay! Naglinis kami sa baybayin ng mga bunot na at basura na inanod ng bagyong paeng. Pagkatapos maglinis ay may ibibigay na ayuda na bigas ang barangay galing sa taas. Pumunta na kami para mag claim ng stab kaso biglang umulan naalala ko may sinampay pala ako na mga kumot at damit kaya Dali Dali akong umuwi pero inabot parin ng ulan... Kaya eto Ewan ko kung maka claim pa ako kasi di ako makabalik sa plaza kasi maulan na dito....
Cute cute naman ng bebelove ng ninang nayan. Share ko lang sainyo tong cuteness ng inaanak ko para ma relieved mga stress niyo sa ka cutan nito... Good afternoon
Good afternoon po. Ready nanaman ang baby ko. Whole day na klase nila simula kahapon. Naligo na siya kanina Umaga ngayon tanghali pinaligo ko ulit siya paraa presko Lalo na sa school ang init doon , dami yan baon ayaw magutom hehe. Kahapon kasi nakalimutan ko padalhan ng baon nung hapon kaya bumawi ngayon... Kamusta po?
Good morning everyone Maaga ako nagluto ng fried chicken, favorite ng anak ko. Request niya yan kagabi ngayon ko lang niluto kasi may binigay na ulam biyenan ko kagabi. Maganda ang sikat ng haring araw ngayon at medyo presko Ang ihip ng hangin. Nangangamoy pasko na talaga.
Good evening noisemates Ayan binigay ng biyenan ko , kasag at buyod ( alimango at hipon) bait talaga ng biyenan ko na Yan Basta ayunan mo lang Ang gusto niya at sinasabi niya e magkakasundo kayo wag mo lang saiya kokontrahin e okay kayo hehehehehe... Pero Hindi sa biro , the best talaga Yan biyenan ko nayan... Basta di na kailangan e explain hehehe...
Magandang hapon mga kaingay! Pag uwi ng anak ko kanina galing school tingnan ko kung ano mga sinulat niya at ayan Nakita ko sa bagong papel na binigay ko sakniya , Puno ng drawing yung isang papel . Hilig talaga ng anak ko ang drawing. Bahala na Lang kayo kung ano sa tingin niyo yan drawing niya haha. Mga heavy equipment sa baba tapos bahay raw namin yan may wifi sa bubong ng bahay na nakakabit sa kawayan hahahahah
Tsaraaaaaan Ito na po ang entry ko, for todays ulam.hehe Ginataang alimango , Hindi siya ganun ka sarap kumpara doon sa maliit lang na alimango. Ito kasing alimango huli sa tabang. Mas masarap talaga Yung alimango na huli sa dagat mas manamnam. Ito medyo iba ang lasa niya... Kain na po tayo mga kaingay
Good morning mga kaingay Ayan ulam namin mag asawa, kasag or alimango. Pinagataan ko sa asawa ko at pinasahugan ko ng kalabasa. Mamaya share ko sa inyo pag luto na ...
Good morning noise mates Sarap naman gumising pagka ganito sasalubong sayo, kaya ako ginaganahan sa araw araw dahil dito. May mga kaibigan kana may Kita ka pa o diba saan ka pa ? Thank you so much sa mga donator na walang sawang sumusuporta sa atin sa akin sa ating lahat.
Nag feeling donya nanaman ang Lola niyo hahahah. Umalis na kasi Don kaya ayan bago magligpit pa picture muna ako sa upuan ni Don , magmukha man lang donya ng ilang minuto hehehe. Good night na guys , bukas po ulit...