Magandang hapon. Prepare nanaman ng hapunan. Wala ng uling ubos narin budget hintay pa ng ilang araw para sa sahod kaya tipid tipid muna. Okay na to mas masarap nga ang luto pa gamit ang kahoy diba? Dapat nga lang masipag ka magkuskos ng kaldero hehe. Alam niyo ba sa lahat ng regalo nung kasal namin mag asawa ito nalang na kaldero ang natira galing payan ng mindoro dinala ko dito sa bicol para Naman kahit papano may natira parin na remembrance nung kasal namin.
No comments yet