Good evening po. Kamusta na kayo? Tagal ko rin nawala rito. Inasikaso ko kasi anak ko muna nag ka UTI kasi siya. Sana maging okay na siya. Sana okay rin kayo. Good night.
@Cattt in February 2022
Good morning po I'm back. Mamalengke lang yan, mag ja jacket ako mamaya pagkalabas sobrang lamig hehe. Sana uminit na yung nilabhan ko kasi isang 3 days ng Hindi pa natutuyo.
Wala akong maisip na breakfast kaya ito nalang. 1 kilo ng Spaghetti. Hanggang mamayang Gabi na to haha. Dalawa lang naman kami ng anak ko dito kasi nasa work ang papa. Kain muna tayo mga ka ingay. Nakasamapay na yung tatlong tray kong nilabhan sa labas inaantay ko parin ang sikat ng araw mukhang uulan parin.
Magandang hapon. Nagluto ako ng itlog para sa meryenda ipapalaman ko to sa tinapay kaso ang tagal nung tinapay yung inutusan ko bumili naipit na yata ng tinapay haha. Kayo mga ka ingay ano meryenda natin diyan?
Wow. Sige lang itaas mo pa yan. Sana tuloy tuloy na para ganahan ako mag noise.cash hehe. Lugi na ako e..
Sunset. Isa sa mga gusto kong senaryo , bakit kaya ganun pag ang araw pingmasdan mo lang sa itaas ang tagal niya gumalaw samantalang pag papalubog na ang bilis ng oras. Uwi na ako hehehe Hindi pa pala ako nakaluto ng hapunan.
Good morning noise mates Nakapagluto na ako para sa tanghalian dito manananghalian asawa ko mamaya kasi nagreklamo kahapon gutom na gutom raw siya konte lang raw nakain niya Kasi sa karenderya siya kumain sobrang Mahal ng pagkain kahit sa karenderya . Kaya sabi ko umuwi siya ngayon tangahli rito at ipagluluto ko siya ng pusit at gulay. Tapos balik Naman trabaho.
Habang naghuhugas ako ng Plato biglang may nagsisigawan sa labas lumabas ako at Nakita mga nagkukumpulang mga tao nagkakagulo may nabangga palang Bata ang lakas ng nerbyos ko Baka anak ko kasi mahilig yun lumabas pumunta ng tindahan naalala ko nasa loob pala siya nanunuod ng tv. Classmate niya yung nabangga na Bata sinugod na agad sa ospital. Sana maging okay siya. Sana Hindi malala ang Tama niya
So ayun nga uminit na kaya nilabas ko nanaman. Yung mga kumot at bed sheet naman nasa likod ng bahay ko sinampay sana talaga maghapon nato. Napapagod na ako kakalabas pasok ng mga nilabhan hehe. May nakababad pang isang comforter mamaya ko nalang siguro yun labhan pag uwi sa work ni mister sa hapon. Kamusta na kayo mga ka ingay? Yung anak kong makulit nakatulog na sa wakas. Ayaw niya maligo ngayon malamig raw.
Habang nagpapahinga ako may biglang lumabas hahahahahahaha akala ko ahas na e. Hay mabait lang pala. Kinabahan ako sayo.
Kanina bago mag 5 pm pumunta kami ng bayan kasi nag request ang bata sa papa niya na bilhan siya ng Crane ba yun basta laruan , tas nung nandun na kami sa store sabi ko bibili lang ako madali ng ulam pagbalik ko iyak na ng iyak anak ko sabi ko bakit ka umiiyak sabi ng papa niya , magsasara na raw kasi ang tagal ko ,buti nalang napakiusapan ko yung guard kung pwede pa kami pumasok so ayun kami ang last customer, Hindi na crane ang napili niya kasi nagmamadali na kami dahil…
Good morning noise mates. Share ko lang tong late upload kong mga kuha Mula sa nature. Umaga nanaman tanghali na ako nagising, dahil sa Isa nanaman panaginip ayoko talaga ng panaginip good man or bad ayoko talaga. Hindi ko kasi mapigilan na isipin kung ano ibig sabihin ng panaginip ko feeling ko kasi nakakadagdag lang lalo sa stress ang mga panaginip ko.
Adobadong panabong na manok. Kinatay ko yung panabong ng asawa ko mukhang mamatay na rin naman na kasi ilang araw ng nanghihina kaya Bago pa siya ma teggy ako na tumegy sa kaniya hehehe. Lunch time. Ako na bahala magpaliwanag sakaniya mamaya Pag uwi niya. hahahahahahaha.
Katatapos ko lang maligo at sa wakas tuyo na lahat ng nilabhan ko 4days ago hehehehe nagyon lang na straight ang init dito samin sa loob ng 5 days na araw. Dahil maganda hapon ko mga kaingay. Meryenda po tayo. Puto tawag dito nila kamoteng kahoy yata ito , pero masarap po siya. 20 pesos Tatlo ,Hindi na masama Malaki naman siya e.
Natanggap kong gift nung pasko. Bale 5 pieces yan isa nalang natira Ewan ko ba bigla bigla nalang nawawala. Nakakainis na Kaya ayan hahahahaha Ewan ko nalang kung di pa makauwi tong platong to pag to napunta sa ibang lamesa. Hehehehe pero erase ko rin yan mamaya hahahaha
Good night na po. Wala talaga akong ligtas palagi dito sa mga kaibigan ko. Habbit na talaga nila ito kaya pati ako nahahawa na sakanila. Pampatulog ko narin to everynight. Bukas po ulit
Good morning po mga kaingay. Maaga ako nag abang sa baybayin ng mga dadaong na Bangka na nanghuli Ng pusit kagabi para bumili kasi pag sakanila ka bumili Mura lang , pag binagsak na Kasi nila sa buyer nila Mahal na. Wise ako e hehe pero lahat naman yata wise kung San ang Mura at sigurado doon tayo...
Share ko lang to. Sakanilang magkakapatid asawa ko lang ang Hindi nakapagtapos ng pag aaral undergraduate pa ng high school pero kahit kelan diko yun kinahiya bakit? Minsan kasi yung mga taong nag do down sakniya Hindi nila Alam mas Malaki pa sweldo ng asawa ko sakanila hahahahaha. Pero okay lang sakniya humble parin siya kahit Dina down na siya pero ako talaga ang nakikipag away pag minamaliit siya. Oo Hindi nga siya marunong mag computer tulad ng ginagawa ng iba oo Hindi…
Grabe Hindi man lang ako tinirhan hahaha sabagay minsan lang may dumaang nagtitinda ng Ice cream dito samin kaya tuwang tuwa at naubos niya puno ng isang malaking baso ng ice cream. Wait nalang namin ang papa umuwi galing work para kumain ng tanghalian.
Sabi ko maligo lang ako sandali at mag module na kami. ABA pag balik ko tinulugan na pala ako ng Bata , magaling ah. Matalino talaga tong anak ko pag pinapili mo siya tulog o module , tulog ang pipiliin niya hahahahahaha. Sana mag face to face na talaga. Hindi naman nakikinig sakin anak ko pag tinuturuan ko.
Throwback picture ni Facebook. 1 year ago. Haysss sana maulit ulit ito. Picnic sa tabing dagat tapos Bangka bangka lang. Kakamiss, lapit naman kami sa dagat kasama nga lang ang kulang hehe. Kesa sa siyudad mas gusto ko dito sa probinsiya tahimik , presko malayo sa gulo at ingay. Hindi mo na kailangan mag set ng date kung kelan mo gusto mag outing kasi kahit everyday pwede ..
Mga tropang marites Pwede bang ako na ay umalis ? Haggard na ako grabe , yung tipong gusto ko na umuwi tapos ayaw ka paalisin kung di pa ako tumakas Hindi talaga ako makauwi. Anyway pinapakilala ko PO sainyo mga kaingay ang aking biyenan at mga kapatid niya hahahaha yan ang mga tanggera dito. Pero char lang yung marites hehehe
Follow up check up na dapat now. Kaso walang doctor sa center nasa vaccination site raw. So uwi kami gastos lang sa pamsahe kung kelan naman nagtitipid hayssss. Kaya ayan nag picture nalang sa may statue. Good morning po. Kamusta kayo?
Good evening po. May natira pang kalahating kilong karne ng baboy kahapon Kaya ayan ulam namin now. Adobo sa Asin ang tawag niyan dito. Kahit Wala Naman talagang Toyo na nilagay. Masarap Naman siya Asin lang ilagay mo at tubig tapos hayaan mo lang na lumambot at magmantika hanggang sa maluto na talaga siya. Yung tipong nag HRS rin ako nung college pero mga simpleng luto lang Alam ko hehehe. Kain po
Cold morning po mga ka ingay. Habang nagkakape ito binibilang ang mga patak ng ulan hehe. Maglalaba pa naman sana ako ngayon tapos ganito pala panahon , ang sarap bumalik sa higaan at matulog ulit Kaso an dami ko pa palang gagawin. Maaga rin uminit ulo ko kanina paano ba naman yung motor namin hiniram kahapon hanggang ngayon hindi pa binabalik e service yun ng asawa ko sa work. Tapos ngayon maulan pa. Ang ending siya yung nanghiram ngayon sa kapitbahay para may magamit…
Malapit na valentines may mga nag paparinig na sa Facebook hahaha ako kahit walang flowers chocolate okay na sakin kahit ganitong bouquet, be practical na Lalo na sa panahon ngayon hehe. Kayo mga ka ingay ? Ano po gusto niyong matanggap na regalo sa mga Mahal niyo? Kwento niyo naman.
Kakatapos lang namin mag breakfast ng anak ko Kaya ito ako ngayon nanunuod ng block buster habang nag no noise, feeling pensionado ako ngayon hehe maulan dito samin malamig. Mahina talaga ako sa lamig dahil siguro sa opera nung 16 years old ako at sa fracture na tinamo ko 4 years ago. Kaya pag umuulan at malamig mas gusto ko manalukbong ng kumot Kasi parang nangingimay mga Binti ko.
Kagigising lang namin ng anak ko, tas ito Nakita ko sa lamesa. Pinagluto na pala kami ng asawa ko , day off niya ngayon tutulong Kasi siya sa bayanihan sa kapitbahay namin na nagpapabuhos ng bahay. Kami naman ng anak ko puyat kami 2 am na kami nakatulog Kasi hirap dumumi anak ko kagabi kaya sinupository ko. Pasintabi sa mga kumakain hehehe , Kain muna kami good morning
Magandang hapon. Prepare nanaman ng hapunan. Wala ng uling ubos narin budget hintay pa ng ilang araw para sa sahod kaya tipid tipid muna. Okay na to mas masarap nga ang luto pa gamit ang kahoy diba? Dapat nga lang masipag ka magkuskos ng kaldero hehe. Alam niyo ba sa lahat ng regalo nung kasal namin mag asawa ito nalang na kaldero ang natira galing payan ng mindoro dinala ko dito sa bicol para Naman kahit papano may natira parin na remembrance nung kasal namin.
Good afternoon. Sinama ng bilas ko yung anak ko sa bahay ng mama niya sa bayan , pero sumunod ako ngayong tanghali nag alala ako baka Kasi Hindi kumain ng tanghalian anak ko gusto kasi noon lagi na sunusubuan ko. Pero buti nalang pagpunta ko kumain na pala. Kaso Ito inabutan ko hayssss makakatanggi kapaba ?
Magandang hapon mga kaingay. Pagabi nanaman. Nag iisip nanaman ng mauulam , habang natambay dito sa tabing dagat hanap ng maka capture pero ito Nakita ko napaka gandang pagmasdan paglubog ng araw. Pauwi na rin ang mga mangingisda sana may mga huli para maka Mura na kung dito nako bibili sa pagdaong.
Good morning everyone! Today is Wednesday, lending is waving hahahaha. Ang Ganda ng panahon ngayon , tamang Tama sa paglaba ko. Ang aga rin namin nag breakfast ulam namin tamban sa bikol Naman lawlaw. Nanghingi kami sa bagong daong na mga sakayan. O diba libre na sa ulam. Bast mabait ka bibigyan ka.
Good morning po. Chill muna , kalimutan muna ang problema. Nag aya anak ko maligo raw siya sa dagat habang ako picture picture muna.
Magandang tanghali po. Nagluto ako ng calamaris para sa tanghalian, dinalhan ko rin sa trabaho yung asawa ko para di na siya umuwi. Isa to sa mga paborito ko dito sa bicol , Kaso para lang to sa mga matitibay Ang ngipin hehe Kaya tiyaga sa pag ngatngat hehe. Yung anak ko kahit walang iPin sa harap sarap na sarap parin kaka ngatngat.
Magandang Gabi mga ka ingay. Walang magawa tinry ko yung Nakita kong video sa TikTok na pag capture ng mga stars gamit ang android phone pero mukhang sa mamahaling cellphone lang yun gumagana haha. Kumain na po ba kayo? Kami katatapos lang ulam namin ginataang tilapya.
Bakit ganun hehehe naghintay pa naman ako ng matagal para ma capture ang buwan pero bakit nagmukhang ilaw hahahaha. Makatulog na nga lang.
Good morning everyone maaga kami ng module ng aking alaga. Dami nila activity na gagawin kaya busy yan ngayon, kahapon matinding iyakan nangyare ayaw magsulat pero natapos rin naman niya , tinututukan ko na siya turuan Kasi malapit na mag face to face dito samin. Gusto ko pag face to face na marunong na siya magbasa para di na mahirapan teacher sakaniya. Pero okay naman may pagbabago naman.
Gugulayin ko sana ito Kaso yung pangsahog ko na pusit na pinalagay ko sa ref ng kapitbahay niluto pala nila hehehe kaya ayan ending pinrito ko nalang. Makabili nalang nga ng ref hahahahaha. Pero okay Naman to masarap Naman ang fried na talong dive mate , Tara almusal na at luto narin
Magandang tanghali! Picture muna ako bago maligo sa dagat , ngayon lang ulit makakaligo ng dagat , kahit na malapit lang talaga kami sa dagat hehe. Kasama ko mga Bata kalaro ng anak ko. Mag iisip Bata muna ako ngayon , haha aliwin ang sarili para mawala ang stress sa buhay.
Magandang hapon. Birthday ng asawa ng pinsan ng asawa ko, binigyan kami ng spaghetti at pancit solve na ang meryenda namin . Ngayon ang po problemahin ko nalang ang hapunan nanaman. Balak ko magluto ng tinola ngayon dahil medyo malamig dahil umulan. May malapit na tindahan ng frozen food dito samin kaya doon nalang ako bibili.
Magandang tanghali, ang init ng panahon ngayon parang ang sarap mag swimming sa dagat. Or magmuni Muni muna hehe kakauwi lang namin galing bayan pagkauwi Kain tanghalian tambay dito sa baybayin tamang pahangin.
Pumunta kaming bayan kanina para lang diyan sa baril barilan nayan 1 week niya nang iniiyak sakin yan kaya ayan binili ko siya kanina mumurahin nga lang haha pwede nayan. Sigurado bukas sira narin yan. Wala naman nagtatagal na laruan sa batang yan pag binilhan mo siya ilang araw Lang pakalat Kalat na. Kaya halos lahat ng laruan na binili ko sakniya nilagay ko sa isang tub para Hindi masira. Kahit ayaw niya na laruan ayaw niya rin naman ipahiram sa iba. Bata talaga
Good afternoon Wala ako ibang ma post kundi mukha ko nalang muna. Picture muna ako habang pinapanood asawa ko naglinis sa likod ng bahay namin, nililinis niya yung mga nakatambak na kahoy na ginamit na porma sa bahay namin. Kelan kaya ulit magkakapera para matapos na bahay namin, sana may dumating na blessing.
Share ko Lang kanina bumili kami ng ulam sa bayan, habang nagmomotor kami Sabi ng asawa ko Nakita mo ba yung magandang babae nayun yun ang k*bet ng mason namin. Hay naku napaka chismoso talaga hahahahaha tapos Sabi ko Hindi ko Nakita , nagtalo pa kami kasi ang tagal niya naraw tinuturo sakin Hindi ko parin daw nakikita , e pano naman kasi tsaka niya ituturo sakin pag lagpas na motor e talagang Hindi ko na makikita hahahahaha. Anyway nakauwi na kami. Kakain na muna kami. Good…
Magandang tanghali, bili ba kayo kikiam fishball popcorn Halo Halo. May uling tubig rin kaming tinda. Magtinda tinda muna para makaraos sa pang araw araw hehehe baka mapadaan kayo dito bili na kayo.
Habang nagtitinda ng mga tusok tusok nagluluto na rin ng ulam para tanghalian , hay grabe buti nalang may nakakatulong ako magluto ng mga paninda. Okay na rin to dagdag sa pang gastos sa araw araw , buti nalang at mebenta sana lumakas pa para naman makaipon kahit papano. Hindi na bumibili anak ko sa ibang tindahan dito nalang maghapon nakatunganga sa paninda ko hehe.
Good evening po. Bumili asawa ko ng pusit kanina hapon halagang 100 pesos only. Solve na hapunan hanggang kinabukasan hehe ginataan ko nalang para madali maluto ,malambot lang Naman siya at masarap pa kasi bagong huli fresh na fresh. Ngayon tapos na kami kumain kaya tamang nood lang ng tv hintay nalang mag Ang probinsiyano. Kayo mga kaingay kumain na po ba kayo?
Good night na po. Yung tipong may wifi ako pero naka connect ako sa kapitbahay hahaha nagpaturo kasi sila paano mag connect kaya ayun kinonnect ko muna sa cellphone ko bago sila hahahaha. Kaya medyo nakatipid ako sa load 1 week na hahahah yun lang. Share ko lang. Tulog na po tayo
Maulan na morning, 8:30 am na pero madilim parin. Nagluto pa naman ako para magtinda ng halo halo tapos ganito panahon Ewan ko nalang kung may bibili. Tapos magpapasa pa ako ng module ng anak ko tapos ganito maulan ang layo pa namin sa eskwelahan. Sana tumigil na Ang ulan Ng makabenta Naman ako. Kayo mga ka ingay ano lagay ng panahon sa inyo?
Dumating na yung order sakin na bra 4 pieces, kahit papano may tinutubo naman at nakakadagdag narin panggastos yung tinutubo ko sa pag order online tapos ipapa order ko sa iba. Mas makamura Kasi kung sa shopee o Lazada nalang ako kumuha ng ibebenta ko. kahit ano nalang na pwede ibenta o pagkakitaan sige na game na para sa economiya hahahaha basta legal lang.
Magandang hapon mga kaingay. Hindi naubos aking paninda dahil sa sama ng panahon kaya inunti unti ko nalang kainin para maubos at Hindi masayang , sa sobrang lakas ng ulan Hindi ko narin naman na asikaso paninda kasi bumaha sa kusina namin dahil Hindi pa nabubungan dahil kinukang sa budget. Sana uminit na. Kasi kanina tanghali paguwi ng asawa ko hindi na siya pumasok ng hapon sa work para bubungan nalang muna ng trapal ang kusina namin para kahit papano Hindi bumaha.
Magandang Gabi. Sinundo ako sa bahay ng pinsan ng asawa ko para mag jamming hehehe. Pampaantok para masarap ang tulog.
Good morning everyone Medyo umiinit na umuulan pero maglalaba parin ako kasi Wala na kami masuot hehe. So bago ang matinding bakbakan sa labahan ,kainan muna natin yan ng bonggang bongga para may panlaban. Nagluto ako ng spicy adobong pusit para may lakas sa pagkuskus haha. O siya Kain muna ako , Kain narin po kayo.
Magandang hapon. Wala akong magawa kaya ayan tamang sukat sukat lang Ng mga damit na Hindi na ginagamit , tamang picture at post muna bago ko ipamigay hahahaha. Wala na Kasi malagyan Hindi ko narin naman na naisusuot kaya ipamigay ko nalang sa iba para naman Hindi masayang. Pero siempre yung mga binibigay ko yung maayos pa at pwede pa naman masuot. Naalala ko Kasi nung baby anak ko yung damit ng kapitbahay namin binibigay sa anak ko mga butas butas na para ng basahan hahaha…
Ice cream habang nanunuod ng Ang probinsiyano. Ewan ko bigla nalang nag Aya asawa ko may bibilhin lang raw tapos pagmpunta namin tindahan ice cream pala. Mura lang to 12 pesos pwedeng pwede sa mga Bata na unti lang budget. Masarap na Mura pa. Kaya lang bitin hehehehe. Good evening po pala. Maulan nanaman ngayon buti nakauwi na kami.
Sino po kaparehas ko dito na ganito nangyare sa wallet ? Hindi ko na siya ma open kahapon pa ng morning hanggang ngayon kahit na malakas naman signal ko. Nag data na ako nag wifi na ayaw talaga bumukas , ano Kaya problem nito sana may makasagot po. Salamat
Pa balandra po muna ng mukha kong oily. Hehe. Kaninang hapon lang yan. Wala akong ibang ma content ngayon Kasi sobrang nag alala ako sa Bitcoin wallet ko bat diko mabuksan ng almost 2 days , sa awa ng Lord nabuksan ko rin ngayon nakailang log out log in ako , on and off ng phone at binalakan ko pang I reset cellphone ko buti nalang sabi ng ate I reset password ko nalang. Ilang beses ko rin ni reset bago ko nabuksan. Salamat Naman. Makatulog na rin ng mahimbing hehehe.…
Good morning pom Ang aga ko gumising ngayon para magluto ng breakfast ni asawa ko , pero puyat po talaga ako kakanood sa TikTok ng nangyayare sa Ukraine and Russia, nakakaawa mga citizen na apektado doon ,kung ano man sana ang Hindi nila pagkakaintindihan ay maayos na nila para Wala ng inosenteng mga tao ang madamay pa.
Good morning sa lahat. Maaga kaming nag Simba kanina every Friday may Simba sakabilang sitio kaya nagsisimba kami ng asawa at anak ko bago siya pumasok sa work. Pagkauwi namin nagluto na ako ng paninda. Ganun rin ang breakfast namin. Medyo makulimlim sana naman uminit na ng matuyo mga nilabhan ko at ng makabenta ng marami ngayon , mga kikiam fishball cheese stick at halo halo and pop corn. Kayo mga kaingay? Kumain na po ba kayo? Ano pong ganap niyo ngayon.
Habang nagtitinda ako nood nood lang ng cartoons at Kain ng popcorn ang alaga Kong makulit. Behave ka lang diyan Mahal ha. Wag pasaway ngayon Kay mama busy ako. Mamaya tayo mag mo module hehehe. Kayo mga kaingay ano na po pinagkakaabalahan niyo? Tanghali nanaman prepare na rin ng pang lunch. Ano kaya pwede ulam nanaman..
Magandang hapon po. Kakauwi lang ng asawa ko galing work pag meryenda ayan nag Aya anak niya maligo sa dagat Kasi mababaw tubig kaya nagtampisaw nalang ang dalawa. Sana pagdating ng araw ganun parin sila ka close sa isat Isa , sobrang saya ko Kasi mas Mahal ng asawa ko anak ko kesa sakin hahahahahah. Pero para sakin mas okay yun..
Good night na mga kaingay. Medyo tinamaan ako grabi naka dalawang bote kami. Kasama ko bilas at pinsan ng asawa ko. Matutulog na ako kaingay. Bukas po ulit. Good night.
Good morning. Maagang nagising pero late na bumangon. Medyo masama pakiramdam ko ngayon masakit ang tiyan ko. Hindi na muna siguro ako magtitinda ngayon. Pahinga na muna. Bukas nalang siguro. Halos Wala rin naman tinutubo Kasi sa anak ko palang kulang na kulang na hahahaha kinain na yung tubo pati puhunan dala hahaha. Pero okay lang at least kumakain pa Naman kahit papano. Kayo po kamusta ? Ano po pinagkakaabalahan niyo ngayon
Breakfast po ulit. Hotdog. Medyo maingay sa labas may nag aaway na mag asawa hahahaha ay mga biyenan ko pala. Nakakatuwa talaga pag nag aaway ang dalawang yun kung ano ano nalang Kasi pinag aawayan , ganun siguro pag matanda na hahaha. Bale pinag awayan nila may nag singil Ng bayad sa isda dito kahapon tapos Hindi Alam ng biyenan Kong babae kung kanino pinakain ng biyenan Kong lalaki. Pinapulutan pala sa mga tropa niya kaya ayun hahahahha
Hindi ako nagtinda kanina ng mga tusok tusok. Pero pag sinuswerte ka nga naman. May costumer sa beach na nagpaluto ng tanghalian nila kanin. Inihaw na isda sinabawang isda at kanina. So ayun binayaran naman ako sa halagang 200 pesos , maliit man pero Malaki nayan sakin. Ayoko Kasi na umaasa lang sa sweldo ng asawa ko , gusto ko rin talaga may napagkukuhanan rin ako ng pera na pinaghirapan ko para just in case na may gusto man ako para sa sarili ko mabibili ko. Pero Hindi rin…
Magandang Gabi. Kakatapos lang namin mag module pero may mga Hindi pa nasagutan. Bukas nanaman. Kaya sulat sulat muna siya pangalan sa white board para naman masaulo niya na talaga. Haba raw ng pangalan niya. Sabi ko wag ka mag alala may mas mahahaba pang pangalan kesa sayo hahahaha kakapagod raw. Ngayon lang Yan Sabi ko pag marunong kana madali nalang Yan...
Good evening mga kaingay. Nag crave nanamn asawa ko ng ice cream hahahahaha. Kaya ayan pagbigyan na para wala ng gulo. Kakauwi ko lang galing sa baybayin nag pictorial, bukas ko ilalapag dito mga picture Kong pang model kanina hahahahaha . Kayo mga kaingay ? Gising pa po ba kayo? Ano ng ginagawa niyo? Usap muna tayo habang nagpapaantok.
Good morning po. Kaninang 4am nagising anak ko at may sinat na pala humingi siya ng tubig at nauuhaw raw siya. Kaya ngayon dadalhin ko muna siya sa manghihilot para ipahilot. Kayo mga kaingay? Uso rin ba sainyo yun yung pag nagkasakit ka sa albolaryo ka muna dalhin , ganito dito sa Lugar ng asawa ko pag nagkasakit ang mga Bata kesyo baka napilay raw or nabati ng kung anong engkanto or baka nausog , ganun rin ba sainyo? Anyway walang kinalaman tong picture. Kahapon yan kuha.…
Isang mapagpalang Umaga mga kaingay. Pumunta kami ng bayan para mamalengke Kasi market day ngayon dito sa bayan namin. Hinatid na rin namin kapatid ng asawa ko sa pier para bumalik na trabaho. Sa kabilang Isla kasi siya na destino tuwing biyernes umuuwi siya at Sunday morning naman balik niya work. Medyo matagal tagal na rin ako Hindi nakasakay ng barko. Nakakamiss rin pala. Bigla ko tuloy namiss ang probinsiya ko. Pero okay lang basta okay family ko doon masaya na ako.
Ito na po share ko na sainyo ang pictorial ko kagabi hahahahaha. Nakisali lang ako sa hipag ko at pinsan niya nag picture picture sila nainggit ako kaya ayan nagpa picture rin ,nanghiram pa ng tsinelas na barko hahahahahah uso yan tsinelas nayan dito o kahit sa ibang Lugar yata pero para sakin ayoko niyan diko bet hahahaha siguro dahil matangkad na ako kaya diko na kailangan niyan hehe. O ano ma say niyo pwede na po ba ? Pasado na ba ? Hahahah medyo Happy ako dito sa post ko…
Nagpaalam siya pupunta sa kabilang bahay ayaw ko nga payagan kasi ang init tapos may sinat pa siya, pero gusto makipaglaro kaya pinayagan ko nalang. Maya maya umuwi iyak na ng iyak abot sa barangay ang iyak nadapa pala. Ayan sugat niya maliit lang naman pero over acting kung maka iyak hahahahah. Dalawa raw sugar kaya masakit hay Ewan diko Alam matatawa ako o maaawa ako. Pag dimo pinansin di naman umiiyak pero pag pinansin mo kung masakit ba susko wagas kung umiyak. Kaya mas…
Katatapos lang namin mag module. Ipapasa na yan bukas kaya pinatapos ko na sakaniya. Ngayon nakatulog na agad siya pagod na pagod siguro pag module hehe. Matutulog na rin ako mga kaingay. May meeting kami bukas sa school. Tubgkol sa face to face, sana nga talaga matuloy na face to face para naman mas madali matuto ang ga Bata pag guro talaga ang nagturo sakanila. Good night na po.
Good morning. Kapeng puro muna tayo para mabuhay katawan kong hirap bumangon sa higaan , 1 am na Kasi ako nakatulog kanina. Ewan ko ba may time talaga misnan na Hirap ako makatulog sa Gabi pag dating naman ng Umaga ang Hirap bumangon. Bakit ba ganun? Minsan naman may time na excited ako bumangon may time naman na parang ayaw ko na sa Mundo na parang pagod na ako at ayaw ko ng bumangon sa higaan na para bang feeling ko Wala ng kwenta mabuhay. Kahit na Wala naman akong…
Magandang hapon mga kaingay. Dumating na order ng kapitbahay namin sakin , salamat naman kahit papano may tinubo ulit ako makadagdag na man lang panggastos. Sana nga e umorder ulit sila. Hinatid ko na rin agad tong mga to sakanila, tapos tsaka ko kinuha ang bayad COD rin Kasi ako sa mga umu order sakin hehehe. Kamusta ba kayo?
Guys share ko lang tong cream na to na effective sa mga kati kati, yung asawa ko bago ko yun nakilala marami siyang parang galis sa paa hahahaha pero di Naman nakak turn off kasi nga nagkakaganun yung balat niya pag nagbabad siya sa tubig ulan. Matagal niya rin yun tiniis kung ano ano na ginamot ko bumabalik parin. One time umorder biyenan ko ng kurtina sakin sa shopee tapos nkita ko to pinasabay ko. So ayun isang beses nya palang na apply sakniya kinabukasan medyo nawala na…
Magandang hapon. Nakakapagod na araw, andami kong ginawa ngayon maghapon. Parang gusto ko muna mag relax makasagap ng preskong hangin. Nga pala kuha ito ng drone camera nila . Share ko lang dito ang napakagandang falls na ito na makikita sa gitna ng kagubatan dito sa Lugar namin. Nasa 20 feet raw ang taas nito. 2017 yata yung huli Kong punta dito. Malayo siya sa kabahayan pero worth it pag nakarating kana. Sobrang Ganda.
Good night na po mga kaingay. Parang roller coaster na paningin ko kaya matutulog na po akom bukas ulit. I love you all.