Bakit kapag nasa loob ng classroom hindi naiintindihan yung 2hour lecture ng isang lesson pero mabilis intindihin yung nasa youtube na 20mins lang ang video? In my perspective, kasi yung lecture sa classroom iniintroduce pa sayo yung concept. Bago, kaya nasasabi nating "hindi ko maintindihan". Kapag napanood mo na sa youtube, madali na lang intindihin kasi familiar ka na doon sa concepts. Mayroon ka nang prior knowledge doon sa info. Also, yung lecture sa mga classrooms hindi designed para sa learning styles ng bawat studyante. Opinion ko lang ito, pero kasi kapag naghanap ka ng video sa yt about dun sa lecture na hindi mo naiintindihan nagkakaroon ka na ng control learning mo at nakakahanap ka ng video na swak doon sa learning style na meron ka. Maraming factors na nakaka apekto sa learning natin. At isa lang sa mga possiblities yung nabanggit ko sa itaas.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet