Masaya talaga kapag hindi natutuloy yung online classes dahil sa brownout. Pero nakakalungkot at nakaka pressure rin kasi hindi natatapos ang reportings at mga activities. Kinukulang sa oras kaya nag-iextend. Imbes na may free time na, nagagamit na lang siya sa make-up classes or worse yung ibang hindi nakapag report hindi na nabibigyan ng chance mag-report which leads to low grades. I'm thinking na may advantage rin talaga kapag ikaw ang unang reporter kasi naiiwasan mo ang…
@CatCrochet in November 2021
Yung momma cat ko, wala masyadong ganang kumain. Ang payat na niya. Kahapon ng hapon bigla pa siyang nawala. Good thing lang kasi hindi niya pinapabayaan ang kittens niya. Worried lang ako kasi hindi siya ganun ganado kumain. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Vet is not an option kasi wala akong pera pam-vet.
Kailangan na talaga nating mag move-on self. Tapos na yun hehe
Habang nanonood ako ulit ng 7 deadly sins sa animax, na realize ko na kahawig ni Kagami si Veronica from short hair to the expression in the eyes.
Kahit anong convince ko sa sarili na mag move-on na, na hindi na ako apektado, na masaya na ako para sa kanya, I just can't. Hindi ko lang siguro matanggap na ang bilis niya lang nakahanap ng iba. Nadagdagan pa nung naghanap siya ng paraan para kausapin ako para lang magpaalam, for real. Kaya siguro masyado akong bitter kapag naiisip ko na masaya na siya ngayon. Kahit anong gawin ko wala na siyang pakialam. Hindi ko naman siya masisisi. Kasi I know na may pagkukulang din ako…
That's how life goes. Nothing is permanent.
Spiderman. Pag pinag-uusapan si spiderman, ang Spiderman ni Tobey Maguire ang unang pumapasok sa isip ko. Sinasabi ko na wala pa ring tatalo sa version niya kahit na masyado pa akong bata noong napanood ko ang pelikula para maalala ang mga nangyari. Meron kasing naka attach na core memory sa Spiderman ni Tobey kaya kahit pa sabihin nilang pangit ang acting sa movies wala akong pakialam. 🤣 Dumating ang Spiderman ni Andrew, and never ko siyang napanood ng buo at ang tanging…
Parang gusto ata silang ilipat ni momma cat dito sa bahay. Nakalabas na sila sa karton eh (◍•ᴗ•◍')
Matagal na itong picture ni miming, hindi pa siya nanganganak dito. Habang papunta ako sa cr sa labas ng bahay, nagtaka ako bakit nakatambay siya roon. Ang cute lang tingnan kaya kinunan ko ng picture 😅
Share ko lang ginuhit ko last month. My attempt at joining Inktober kaso di na napatuloy dulot ng katamaran hahaha. Dagdagan pa ng mga training at grad school.
Malapit ko nang matapos ang presentation ko kaso biglang nawalan ng kuryente 😢 reporting namin mamaya. Please bumalik ka kaagad.
Sa tingin ko lang ha, it is okay to remind for it is beneficial hindi lang sa taong sinasabihan kundi pati na rin sa taong nagsasabi. Pero yung mag suggest ka ng masyadong idealistic na bagay, hindi na ata ok yun. Mag suggest tayo ng bagay na possible gawin, hindi ng mga bagay na maganda lang pakinggan pero little to no effect ang bigay.
Hindi ibig sabihin na naging helpful or effective sayo ang method, babalewalain mo na ang bad effects niya kapag ginagamit. Careful/marunong man ang gumagamit o hindi, iba-iba tayo ng katawan kaya iba rin ang magiging effect.
Kaya mahirap tumanggap ng bagong methods at iwanan ang dating nakasanayan kasi may nakakabit agad na notion na ginagawang business yung isang bagay. Laging bumabalik sa nakasanayan kahit nakikita na na hindi na siya effective in the long run. Daming pagdududa kahit may research at evidence nang ipakita pero ang bilis maniwala sa mga baseless chismis.
I was scrolling on TikTok when I stumbled upon this video about a 3 year old. Hinayaan siya ng mama niya na mag groceries and ang cute lang kasi puro foods ang pinamili. Ang mas nakakatuwa pa doon puro fruits yung nilagay niya sa kanyang smol cart. (✿^‿^) Ni-stalk ko yung account ng mama niya and may videos sila ng kapatid niya na nagluluto. Nakakatuwa na at such young age tinuturuan na sila maging independent. Kaso I was sad nung nagpost ng video ang mama nila ng mga mean…
Pagkatapos ng halos isang buwan, nakakapag gantsilyo na ako ulit ng amigurumi. Ibig sabihin hindi na ganun karami ang reports at research. ( ꈍᴗꈍ) Unti-unti na natatapos ang mga requirements. Sharing with you my WIP. Pamalit doon sa hindi ko natapos noon kasi kinuha ng panel nung RQA.
Natapos ko na yung WiP ko kaninang umaga lang. Si Koya ng BT21.
Hindi ko alam ahh pero marami nagsasabi na they're not learning at more on memorization na lang ngayong new normal, pero nung face-to-face ba nagle-learn din ba talaga kayo? Memorization din naman nung face-to-face eh. Most of the time nakakalimutan din naman agad yung itinuturo, minsan di pa nakikinig.
Ang cute ng dalawang to. Sad to say namatay na yung gray kanina lang. Wala na yung isang paa tapos parang bali-bali pa yung other legs. Parang napagtripan ng pusa o ng kung ano man na hayop.
Wag munang mag f2f sa grad school please. Huhuhu not ready paaaaa. 😭
Napaka sensitive ng issue ng rape. Gusto ko sanang magbigay ng opinion ko kaso ang hirap niyang i-put into words. 😅 I'm not intellectual enough para may ma-say sa issue.
"No one pretends to be gay. Not in this world full of hate" Ayt, di mo sure. You never know. You'll be surprise by what secrets people try to hide.
Na-uninstall ko yung bitcoin. com wallet ko. Nawalan na ako ng pag-asa na marecover pa yung wallet ko kasi hindi ko na mahanap yung sinulatan ko ng backup niya. Buti na lang may screenshot ako ng passphrase niya. Huhuhu. Kahit 1$ lang ang laman nun nakakapanghinayang pa rin kapag hindi narecover. Sayang funds. Hirap pa naman mag ipon kapag di active.
May panibago na naman akong WiP. Nung tuesday ko lang siya inumpisahan. Hindi na muna ako nag-order ng yarn nung 11.11 sale. Naisip ko kasi na puro ako order ng yarn, hindi ko naman nagagamit. Natatambay lang siya ng matagal kasi busy rin ako sa school, di ako nakakagantsilyo. Bibili na lang ako kapag naubusan na ako 😅 kayo ano naging realization niyo nung 11.11 sale?
Underappreciated? I don't think so. More like, hindi afford ng masa ang bumili ng ticket sa mga theatre shows. Theatre is for everyone pero not everyone is into theatre. At paano ba masasabi na underappreciated ang isang bagay?
Bakit kapag nasa loob ng classroom hindi naiintindihan yung 2hour lecture ng isang lesson pero mabilis intindihin yung nasa youtube na 20mins lang ang video? In my perspective, kasi yung lecture sa classroom iniintroduce pa sayo yung concept. Bago, kaya nasasabi nating "hindi ko maintindihan". Kapag napanood mo na sa youtube, madali na lang intindihin kasi familiar ka na doon sa concepts. Mayroon ka nang prior knowledge doon sa info. Also, yung lecture sa mga classrooms…
I can't believe na may mga teachers na close-minded in terms of vaccination. Hindi mawawala ang maging skeptical sa vaccine and yes hindi mo mapipilit ang tao magpabakuna, pero palabasing masama ang vaccine. Myghaaaaddd, i kennnaaat. Tapos kapag 'herbal' medicine na "no therapeutic claims" paniwalang-paniwala na nagagamot ang cancer.
Hindi na naman ako makapag-upload ng pictures 😐
Yun bang ayaw ko sanang iopen ang wallet ko kay noise para diretso na siya doon sa main wallet ko pero dahil na curious, ayun napasubo tuloy. Paano ba to tanggalin?
Almost finished na siya. Buhok at yung straw hat na lang ang kulang. ☺️
Hooo, kalma lang. 8php lang yan na transaction fee. Kalma, pwede pang mabawi.
Eto na ang smol miming ko ☺️ siya na lang mag-isa kasi na deads na yung kapatid niya. Naaawa ako minsan sa kanya kasi wala siyang kasama kapag umaalis yung mama niya. Wala siyang kalaro.
Kapag talaga nakikita ko ang pictures ko sa gallery naaalala ko yung picture ko sa national id. Masyadong haggard na ewan. Natatakot naman akong papalitan doon sa nag-eencode kasi baka magalit. Lagi pa namang nagagalit ang mga government employees sa napakaliit na rason. Maghihintay na lang ako ng 6months para pagtawan ang mukha ko sa id. 😅
May mga taong mahilig kumuha ng video tapos sasabihang Karen yung nasa video when clearly sila mismo ang Karen. Hindi ko sinasabing lahat ha, pero may iba talaga.
Some people really are nasty.
I know merong mas better jan, merong nakalaan talaga para sa akin. Pero hindi ko lang maiwasang isipin, what if nag work kami?
When you want to do everything and the only thing that stopping you is your self-control. Di pwede mag inarte sa bahay kasi wala ka namang ambag.
8 days lang ang pagitan namatay na rin yung natirang smol miming dito sa bahay. Same reason. May kumain sa kanila. Hindi ko alam kung malaking daga o pusa rin may gawa. Sinunod ko na lang sana ang instinct ko kahapon na ipasok siya ng bahay, hayaan na yung nanay niya sa labas tutal iniiwan naman niya ng matagal yung pusang maliit.
I wonder kung may galit ba tong mga smol miming na ito sa akin, I wonder kung may sama ba sila ng loob kasi di ko man lang sila naingatan. Sayang /ᐠ。ꞈ。ᐟ\ pero siguro oras na talaga nila. Gone too soon.
Nung may nakita akong tiktok video na namatayan din siya ng pitong kittens ata. Yung bigla lang namatay ang mga kittens niya, hinanda ko na ang sarili ko na baka pwedeng mangyari sa mga pusa ko yun. Pero hindi ko naihanda sarili ko nung namatay sila sa ibang paraan. Siguro pusa yung kumain sa kanila? Siguro daga? Hindi ko alam. Masakit lang talaga. Bakit ba ako namamatayan ng pusa?
Gusto ko na sumuko sa pag-aaral ko.
What if giving up something will lead to something extraordinary? Paano mo ba nasasabing may opportunity na dumating? Paano ba magkaroon ng courage para abutin yun? Will I ever had the courage to leap the faith?
Tinatamad ako, gusto kong matulog. Pero kailangan ko ring tapusin ang mga assignments ko para wala na akong iisipin nextweek. Ipapasa ko na lang siya. Sana dalawin ako ng kasipagan. Paano ma-motivate ang sariling mag-aral?
Maraming nagsasabi sa fb na year of break-ups daw ngayong 2021. Eh marami namang naghiwalay last year ah, baka nga next year ganun din hindi nga lang artista. Hmm, gagawing year of break-ups ang taon kasi maraming artista ang naghiwalay. Ano yan sila, special?
Minsan kahit hindi na maganda yung statement na nakikita sa social media basta sumu-support lang siya sa narrative mo, nagiging tama.
Gusto kong makapag-graduate pero ayaw ko nang mag-aral. 😭😭 Nahihirapan na ako.
Fabulous yern Luka?
Nawala sa isip kong may klase pala ako kanina 😖 Hindi ako naka attend. I mean di naman ako masyadong worried pero may isa na akong absent. Bakit di masyado tumutunog yung messenger ko kapag may bagong message? Hindi siya naglo-load agad 😣
Nanonood ako ng chinese movie na 'She is in Danger'. I somehow hate Yiyi dahil sa ginawa niya sa ex niya. Pero after kong mapanood kung paano siya itreat ng ex niya, kidna deserve din ng ex niya ang nangyari. I mean kapal ng apog niya magsabi kay Yiyi ng "words of wisdom" while harap-harapan siyang nagchi-cheat. Pero I still hate Yiyi sa kapraningan niya pati na rin si Leisong dahil sa pagiging obsessed kay Yiyi.
Minsan hindi ko maintindihan paano nakaka-boost ng confidence yung pagsusuot ng revealing na damit. Hindi ko maintindihan paano siya nakaka-empower. Lalo na kapag wala naman sa occassion. Hindi naman siguro kailangang magsuot ng ganun to feel good. Hindi mo naman siguro kailangan magsuot ng ganun (lalo na kapag di ka comfortable) para lang masabing you embrace your flaws at maging confident. You can still embrace your flaws naman siguro kahit you choose to cover parts of…
Bakit ang glow-up ang pinoproblema ng iba kapag mag f2f na? Hindi ba sila worried sa f2f na reporting? F2f na oral recitation? Pressure na binibigay ng prof at ibang classmates? Nakaka pressure kaya yung mga kaklase mo puro deped teachers yung iba head pa ng school tapos ikaw 3 years tambay kaya nag masters. 😭 Hahaha
Nakakatuwa na nakakainis ang mga pa-raffle. Nakakatuwa kasi free raffle. Nakakainis kasi di ka nananalo. Huhu. When kaya ulit? Last time na nanalo ako sa raffle 2013 pa. Ang tagal na nun.
I think hindi naman masamang sabihin na ni-re-record si TS ang albums niya para kumita. Though hindi yun ang main reason bakit nag re-record siya ng albums, she's hitting two birds with one stone. Nakuha na niya ang ownership ng albums niya, kumita pa siya. At hindi lang yun, na-prove niya pa sa mga nambully sa kanya na kahit magtulungan pa sila di nila kayang sirain ang career ni TS.
Lulubusin habang di pa inaantok.
Nailapit pala kay Raffy T yung issue ng matandang lalaki na nakagat ng buwaya kasi pumasok sa cage sa Amaya. Bakit sisisihin sa kapabayaan ang Amaya View kung in the first place yung matandang lalaki mismo ang nagpilit na akyatin yung napakataas na fence? Para lang icheck kung buhay ba? Bakit pa naka fence kung statue lang naman, diba?
Napapansin ko na nagbabago ang result ng mga personality test ko depende sa aking mood at state of mind nung time na nag test ako. Hindi ko naman masyadong sineseryoso ang mga ganitong tests pero nakaka curious kaya gusto kong subukan. In my opinion kasi, pwedeg magbago ang attitude or characteristics ng isang tao. Kaya di ako masyadong nagre-rely sa mga results sa personality traits. It could tell something about yourself pero hindi ibig sabihin ay ganun ka na.
Inatake ako ng migraine kaninang madaling araw. Yung nasa right side lang din ng ulo ko ang pumipintig sa sakit. Hindi ako makatulog sa sobrang sakit at nasuka pa ako dahil doon. Yun bang gusto mong umiyak nung time na yun pero hindi ka naiiyak. Nung unang beses mangyari sa akin yun naospital pa ako kasi di ko kaya yung sakit. 3 years din bago ako ulit nagkaroon ng ganung klaseng migraine.
Kahit hindi naman intention na manglait, kapag umiyak yung napagsabihan branded ka kaagad insensitive. Oo, be sensitive, pero not overly sensitive.
Nagbabasa ako sa Harry Potter Wiki about sa houses common rooms (since wala akong book) then nakita ko sa website ito... "Why are they called Common rooms when only people from a certain house can go into them? Doesn't that make them uncommon rooms?" — A Ravenclaw student reflects on the name "common room" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa reflection ng ravenclaw na ito.
Hindi ko alam kung tama ba na ibinalik ko kung saan ko nakuha yung maliit na pusa. Kailangan pa kasi niya ng nanay. Hindi kasi siya tanggapin nung pusa ko na namatayan ng kuting. Baka hinahanap na rin siya ng nanay niya. Bad decision talaga siguro yung pag-kuha ko sa maliit na pusa kahapon.
Yun bang mag-seseryoso ka nang gagawa ng assignment mo kaso bigla kang nadistract at napa facebook. Hahahahuhuhuhu, the easily distracted me. Paano po ba magfocus? Ayaw ko namang mag cramming.
Eto pala yung pusa na dito na sa bahay lumaki pero hanggang ngayon hindi pa rin nagpapahawak. Masyadong wary sa tao. Lalapit lang kapag papakainin na sila.
Lately nakahiligan kong mangolekta ng enamel pins. May ganito ang papa ko pero hindi ko nagustuhan kasi seal sa work nila ag design. Pero ngayon naa-appreciate ko na sila. Ang cute kasi. (✿^‿^)
This is my first pin, in exception sa pin na binigay ng PRC nung pinning during oath taking. At first ayaw ko siyang gamitin kasi baka mapansin at tatanungin kung saan ko nabili. Nahihiya kasi akong sabihin na freebie siya ng menstrual cup (•‿•)' at ayaw ko lang talagang malaman ng iba na gumagamit ako ng mc. Pero ngayon naisip ko, wala na silang pakialam doon. Gagamitin ko siya kasi useful siya at cute pa ng design.
Minsan nakakatawa yung mga taong mahilig magsabi ng "pag inggit, pikit" lalo na kapag hindi naman tama yung nagawa tapos pinuna. Para lang ito sa mga taong pakiramdam nila kinaiinggitan sila pero in fact pinapaalalahanan lang sila na may mali sa nagawa nila.
Bumili ako ng gamot para sa pusa kong nagtatae. Hindi ko alam kung maiinis o maiiyak ako kasi ayaw niyang inumin yung gamot. Sinusuka niya. Feeling ko nagsayang ako ng pera. Yung ibang gamot naman na binili ko iniinom naman niya.
Everytime na bumibisita ako kay noise, nakakakita ako lagi ng pagkain. 😗 Nakakagutom.
Kung ano man ang mangyari this sunday, It is what it is. Bahala na si batman. Gusto ko na lang matapos ang kalbaryo ko. Hahaha. Bahala na akong mag isip ng katangahan ko.
Ang pangit sa pakiramdam yung bigla ka lang kakabahan ng walang dahilan. Pakiramdam mo may masamang mangyayari. Madalas din akong kabahan kapag bumabyahe, mag-isa or kahit may kasama.
Nakakapagod ang research, huhuhu. Nakakapagod maghanap ng paper na pwedeng magsupport sa study mo.
Sa pagpapakita ba ng pangit na ugali ang basehan ng pagiging totoo ng isang tao? Bakit kailangan magalit ang isang tao para masabing nagpapakatotoo siya? Minsan di ko maintindihan yung ganyang concept.
Hindi talaga sa amin itong pusang to, pero minsan pumupunta siya rito sa bahay para tumambay o minsan makikikain. Minsan naghahanap ng pusang bubuntisin hahaha. Sobrang amo ng pusang to, nakakatakot lang minsan kasi parang mangangagat ang itsura niya.
Minsan si mingkay kapag alam niyang may lakad lahat ng tao sa bahay, gusto niyang sumama. Sisilip siya sa van, parang gusto ring sumakay. Nasabi sa amin ng dating hooman ni mingkay na sumakay daw siya ng multicab kaya napunta sa bahay. Pero ang hula ni mama sinadyang iwan si mingkay malapit sa amin.
May nakita akong facebook meme na ang solution sa congestion ay public transport. Bawasan ang mga private vehicles at mag opt to public transport. Then may nabasa akong comment na ang public transport "is an investment of time a lot of us can't make". May point, kaya ka bumili ng sariling sasakyan para maiwasan yung hassle ng pag commute. Yung oras ng paghihitay ng masasakyan, dami pang i-pick-up at drop-off na pasahero, dadaan pang terminal. Hindi ibig sabihin na bumili ng…
Kahit anong gawin mo, may masasabi pa rin talaga ang ibang tao.
Ang daming pumasang teachers sa LET!! 🎉🎊 Congratulations sa ating mga bagong LPTs!!! So baka totoo nga ang sinasabi nilang madali yung exam. Sana all 🤧 Sa mga mga kapwa eagles ko jan 🦅 Congrats!!
May nabasa akong comment about sa entertainment sa korea na mas pipiliin ng tao yung maganda na kasi pwede naman ituro ang pagkanta o pagsayaw. Oh edi sana naghanap na lang sila ng maganda, hindi na sana sila nag talent search.