Katatapos ko lang manood ng Felix Y. Manalo the movie. Galing ni Dennis Trillo sa paganap niya bilang FELIX Manalo. May kababaang loob nga naman. Daming umuusig noon sa kanilang pinaniniwalaan, pero nagpatuloy siya sa kanyang pangangaral. May tanong lang ako sa mga INC dito, totoo bang hindi kayo allowed magdala ng bible sa loob ng sambahan niyo? May nabasa kasi akong comment sa YouTube na dati siyang INC pero tumiwalag siya. Ewan kung totoo yan. Sana masagot ng INC. Thanks
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
17 comments
Wala akong idea te pero napanood na rin naman yon sa sinehan. Naalala ko noon sa lokal namin sa val, may namimigay ng ticket kaya pumila kami haha. Super haba nung pila tapos buti na lang sa pila ko is sumingit si mama kaya nasecure namin yung ticket naming apat. Eh nung time na yon, binubuo pa lang kapatid kong bunso. Baka te natiwalag yon ng kusa or mismong pamamahala yung tumiwalag. Naalala ko yung pinsan ko natiwalag kasi di pa kasal, nakabuntis na siya agad. Ewan ko ba kung bakit di pa natitiwalag yung mga nasa relationship na hindi pa naman 18 years old eh bawal yon eh hahhahaha.
Bawal din pala yan sa Inc ang may karelasyon na below 18? At alam ko din na bawal talaga magsama ang di pa kasal. Ganoon din sa relihiyon namin, kaso may matitigas ang ulo. π
Kaua nga te parang most of the teachings sa mga religion is pare parehas lang
May pagkakapareho, kaso kasi sa paniniwala tayo nagkakaiba. Ako naman eh, nirerespito ang paniniwala ng iba, ano lang, curiosity lang sakin, at sa mga naririnig kong sabisabi, gusto ko malaman ang totoo. Mahirap manghusga kasi.
ako rin te more on respect na rin kasi kapag uusigin mo yung paniniwala nung ibang religion, parang wala rin saysay pagkabanal mo eh kasi panguusig na rin yon kapag religion talaga te pinaguusapan, ayaw kong makiepal kasi maraming toxic especially sa internet
Ay sinabi mo pa. Walang magpapatalo jan. Basta religion na pag-uusapan. Kaya ako tahimik lang talaga kapag may ibang religion na nagmimisa. Respect is the key At tama ka, paano ka pa magiging banal kung nang-uusig ka. Pero lam mo, di rin natin masisisi ang ibang nag-uusig, kasi iba rin paniniwala nila eh. Haist
May nag invite sakin noon na INC na manood kami ng MOVIE nga ni FELIX MANALO pero may work kasi ako noon, kaya umayaw ako. Ngayon ko lang siya naalala, kaso nag search ako sa YouTube ng religious movie. Siya lumabas. Kaya pinanood ko na. π
Ah magaling talaga si dennis trillo na actor no hahahhaha
As in. Naisasabuhay niya talaga mga Character na ginagampanan niya. Galing niya. Kala ko nga si Ruru Madrid ang kinuhang Felix manalo kasi INC siya diba.
ah yon te hindi siya kasama pero as far as I know, kasama siya sa mga part nung movie pero nakalimutan ko na role niya ron naalala ko lang na si bella padilla yata yung leading lady nung sa story haha basta memorable yon since yun na rin yung last sine namin :((((
Nandoon si Ruru Madrid, Katoliko siya doon, friend ni Felix na kasosyo sa negosyo. At si Bella Padilla nga ang asawa ni Felix Manalo sa Movie. Galing talaga. At bilib ako sa devotion ni Felix Manalo. As in, kahit daming nang uusig sa INC sa kapanahunan niya, binabastos ang sermon niya, mababa pa rin ang loob niya. Tunay na lider para sa akin.
Di Ko yata sila. Nakimitang mag dadala ng bible kapag nag sisimba sis
Iyon din nakikita ko lods. May kapitbahay kaming INC kasi, curious lang talaga ako. π
Ako na sasagot kahit hindi ako INC. Mga ministro lang ang pwedeng magdala at magbuklat sa kanila ng Biblia hindi pwede ang miyembro na hindi ministro.
Ay bakit daw?
Sila na bes ang tanungin mo ahehe para mas malinaw ang sagot
Wala atang INC dito besh. Di naman nasagot eh Hehehe. At sa mga INC na kapitbahay namin, at itong boardmate namin, ayaw ko magtanong. Kasi nagaakay para umattend sa pamamahayag nila. Ayaw ko kasi, insulto iyong para sa religion ko. Chur