read.cash Log in

@BuhayPayak

Joined 14 December 2022 · 17 posts

Masarap mamuhay sa simple at PAYAK na pamumuhay.

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

B@BuhayPayak

Nag-enjoy ba ang lahat noong Pasko? Nakasama ba ang pamilya at nagsalo-salo o Noche Buena? Nagmano ba kayo sa mga ninong at ninang ninyo? Nakikain ba kayo sa mga tita o kapitbahay niyo?Nakapamasyal ba sa mga paborito niyong pasyalan? O di kaya naman ay namili kayo sa mga mall? Kahit ano pa man ang ginawa ninyo noong pasko ang pinakamahalaga ay ipinagdiwang natin ito ng masaya at nadama natin ang diwa ng Pasko. Ayos lang kung kakaunti ang handa atleast may naihanda at…

B@BuhayPayak

Lahat ng yan ay libre lang! Yan ang aming tanghalian kanina at lahat po ng yan ay libre dahil binigay lang po saamin. Umpisahan natin sa saging, bigay po yan ng tita ko dahil marami po silang saging na tanim na tinitinda rin nila. Yung kamatis naman ay bigay ng isa ko pang tita. Ang hotdog at tocino naman po ay bigay ng isang kandidato na nangampanya noong isang araw dito sa baranggay namin, nagbigay rin po sila ng siomai, corned beef, at bigas. Lastly, ang drinks naman po…

B@BuhayPayak

Ang bait talaga ng kapit-bahay namin. Binigay ito ng kapitbahay namin kagabi dahil may birthday sa kanila. Nakikain na nga ako kasama ko mga pinsan ko grabe ang dami kong nakain non tapos pag uwi ko maya-maya hinatid nila itong spaghetti at cake. Pero dahil busog na ako si Mama at Papa at mga ate ko nalang ang kumain. Binibigyan din ba kayo ng mga kapit-bahay nyo kapag may birthday okaya may sobra sila?

B@BuhayPayak

Kanina lang ulit napasarap ang kain ko dahil sa mga ganitong ulam. Ang ulam namin kanina ay Fried chicken, nilagang kamatis, at ang nagpasarap lalo ay ang sili na sinamahan ng bawang. Ang sarap ng sawsawan ko kanina dahil sa ginisang sili kahit konti lang ilagay ko ay napaka anghang na. Ang sarap rin ng pagkakaluto ng mga manok dahil parang minarinate. Kayo ano pong ulam na nagpapasarap sainyong kumain?

B@BuhayPayak

Ang sarap talaga mag relax at magpahinga sa mga ganitong lugar. Nagbike kami kanina at medyo napagod kami tapos tumuloy na kami sa ilog para magpahangin. Ang sarap ng hangin at ang ganda ng view dahil sunset tapos ang ganda pang tignan ng Mt. Arayat. Bukas mawawala na itong mala-beach na ilog dahil bubuksan isasarado na ang dam maya-maya. Buti nalang nagkayayaan kaming magkakaibian na pumunta dito para masulit ang oras. See you ulet sa December 2022.

B@BuhayPayak

Pasulubong ko galing kay ate. Pumunta sa SM Pampanga si ate ko dahil kinuha niya ang kanyang nasirang cellphone na dinala nya sa Xiaomi Service Center 2 months ago. Nasira po ang cellphone ni ate ko dahil nireboot niya ito tapos di na po bumukas. Halos lahat po ng mga POCO M3 user ay pwede po itong maranasan kaya kung meron po kayo Poco M3 na cellphone wag na wag niyo po itong irereboot. Ito ang pasalubong ng ate ko sakin Bavarian na donut at Milktea po. Matagal-tagal na po…

B@BuhayPayak

Nagmistulang Resort ang ilog sa amin? Nagmukhang resort ang ilog saamin dahil sa dami ng mga nanghuhuli ng isda dito. Ang estilo po nila ay lumalangoy habang may salbabida tapos may kuryente po silang dala para pang ground sa mga isda na malapit. Tapos po susungabin nila ang tubig para kunin ang mga isdang nanghihina. Ang ganda po nila panoorin dahil yung mga isda ay tumatalon na parang dolphin. Mababaw pa rin po ang tubig at hindi pa po binabalik sa dating level ang ilog…

B@BuhayPayak

Umagang kay lamig. Papalapit na po ang pasko, kaya sabi ni Papa na patugtog raw ako ng mga pamaskon kanta, kaya ako eto sinearch ko sa Youtube si Mr. Freddie Aguilar. Sakto ang kanyang boses sa panahon dahil malamig ngayon kahit 9:30 na. Paborito ko rito ay yun Pasko ang Damdamin. Kayo rin po ay nagpapatugtog na rin ng pamskong kanta, para mas maramdaman po natin ang diwa ng pasko?

B@BuhayPayak

Holiday po ngayon kaya wala po akong Online Class ngayon. Kakatapos ko lang po magsibak ng kahoy dahil yung sinibak ko noong last week ay ubos na po. Ako po ngayon ay nagpapahinga dahil medyo napagod po sa kakasibak. Maya-maya po ay pupunta ako sa kaibigan ko para ayain ko po siya magbasketball para makapagexercise na rin po, matagal-tagal na rin po kase akong di nakakapag basketball dahil po nagpavaccine ako. Kayo po, ano po pinagkakaabalahan ninyo ngayon?

B@BuhayPayak

Beach na lumilitaw lang kapag December? Ito pong beach na ito ay lumilitaw lamang po kapag December, actually hindi po ito beach ito po ay ang isang bahagi ng Pampanga River. Lumilitawlang po ito kapag December dahil yung DAM na malapit dito ay binubuksan para sa mga magsasaka na kailangan ng irigasyon. Dati raw po sabi ng Mama at Papa ko noong wala pa yung dam ay mababaw lang po ang tubig sa ilog na ito. Marami ang mga naglalaba, naliligo at maging ang mga nagpipiknik ay…

B@BuhayPayak

Ano po magandang iluto dito sa puso ng saging? Bigay ito ng tita ko, may mga puno kasi sila ng saging sa bukid. Marami ang mga saging nila at tinitinda ito dito sa lugar namin. Pinopost din sa Facebook tapos free delivery pa dito sa baranggay namin diba parang shopee din HAHHAHA. Binibigay lang namin ito sa amin syempre tita ko yon hehehe. Ano kaya maganda iluto dito? Ihalo nalng ba sa sinigang para bagay sa panahon ngayon na makulimlim?

B@BuhayPayak

Sino nakaranas ng ganitong pamumuhay o gawain sainyo? May nakaranas ba ng tulad nito yung pumunta sa bukid at tumulong sa mga magsasaka ng walang kapalit kung hindi miryenda? Napakasaya ng pakiramdam kapag ikaw ay nakakatulong at the same time ay nalilibang ka sa ginagawa mo. Totoo nga ang kasabihang "Kapag may itinanim, may aanihin." Ctto to the owner of the photo

+1 more

B@BuhayPayak

Dahil sa sobrang mahal ng LPG ngayon nagsibak ako ng kahoy para sa kalan na de kahoy muna kami magluto habang di pa bumababa ang presyo ng LPG. May gumagamit pa po ng kalan na de kahoy dito? Bukod sa tipid na masarap din po para saakin ang mga pagkain na niluluto sa kalan na de kahoy. Kaya ayun nagluluto na po si Mama ko para saaming tanghalian gamit yung mga nasibak kong kahoy. Noong unang panahon din daw po isang paraan po ng panliligaw ang pagsisibak ng kahoy

B@BuhayPayak

Tara na at maglunch! Eto ang aking ulam napakasarap at napakasustansyang sitaw tapos ihalo sa kanin na mainit uy saraaaapp... Bigay ito ng aming kapit bahay dahil meron silang sitaw na tanim. Ang saya sa pakiramdam dahil binibigyan ka ng kapit bahay mo at may pang ulam ka pa. Sa susunod ako naman ang magbigay kung sakali para hindi lang tayo tanggap ng tanggap dapat magbigay rin tayo "give and take" ika nga.

B@BuhayPayak

Kakatapos lang po ng online class namin at ngayon pupunta ako sa bahay ng pinsan ko dahil naiinip ako dito saamin. Nood lang ng tv ayus na dahil dun sa lugar nila medyo malamig at mahangin doon dahil mataas ang lugar. Kayo ba nakakagala na ng bahagya? Dito po kasi saamin ay medyo konti lang ang tao at halos normal na po dahil wala ng nag fafacemask pero ako nag fafacemask pa rin po dahil nandyan pa ang virus mahirap na po kung dapuan ako. Nakakainip po kaya punta muna ako sa…

B@BuhayPayak

Hello po newbie lang po. Ako po ay isang taga probinsya at gusto ko lang po ishare sainyo kung ano ang mga ginagawa namin/ko sa araw araw. BuhayPayak po ang linagay kong username dahil ang salitang "payak" ay nagkakahulugang "simple" dahil ang buhay po namin dito sa probinsya ay napakasimple lang po. Sana po ay maging maayos po ang turingan natin sa isa't-isa. Respetuhin po natin ang bawat isa.