My heart and I
Ang pag-ibig ko'y walang kapareha, walang kahit na sino ang makakatumbas sapagkat lahat tayo ay may kanya-kanyang damdamin. Ang pagmamahal ko sa aking asawa ay tapat at walang halong panloloko. Nakilala ko sya taong 2017, naging kami ika-apat ng abril yun din ang kanyang kapanganakan. Nagkakilala kami sa facebook,ako yung babae pero ako yung nagbigay motibo na nagugustuhan ko sya. Pagka open ko kasi ng facebook ko sya na lang lagi sumasalubong, hanggang sa may na ipost syang litrato nya at akoy na in love naman. At humahanga nga din pala ako sa mga love story na kanyang pinopost sa social media, lagi akong nagcocomment, hinihingi ang part 2 ng kanyang kwento. Hanggang sa dumating yung puntong chinat ko na sya, nagkataon din naman na libre ang kanyang oras, hanggang sa kami'y nagkwekwentuhan. Masaya syang kachat kinuha nya numero ng aking cellphone at aking I binigay naman, tumawag sya at itinuloy ang aming pinagkwekwentuhan. Hanggang sa naubusan na kami ng kwento hahahah, humirit at humiling ako sa kanya na kung maari kumanta sya, at akoy kanya naman pinagbigyan. Aking ikinatuwa at sya ay magaling umawit.Hanggang sa tumagal naging kami. Magkalayo kami, nasa cabanatuan sya nun at ako dito sa Cagayan pero taga Cagayan din sya nagtatrababo lamang sya doon. Umuwi sya nagbakasyong ng isang buwan.Nagkita at magkasama kami na tila'y dati na kaming nagsasama sa pananabik naming pagkikita. Makalipas ng isang bwan bumalik sya at nangako na uuwi ng Disyembre para makasama ako, at kanya naman tinupad. Sinabi nya din na di sya babalik dun at maghahanap na lamang sya ng trabaho dito. Ikinasaya ko naman. Mahal na mahal namin ang isa't isa kahit na ako ay may pagkamaldita, ngayon makalipas nang tatlong taon nagbunga ang aming pagmamahalan na aking idinadala ngayon pitong buwan ngayon ang akinv tiyan, masayang masaya ang aking asawa, masaya kaming dalawa. Maraming salamat sa iyong pagbabasa ng aking kwento kaibigan.
3 comments
Mapapasabi ka nalang ng SANA ALL :)
masaya ako para sa inyo ,lahat tayo ay may karapatang maging masaya at makahanap ng taong makakasama natin habang buhay lalo na at may mas mag papatibay pa sapag sasama ninyo nakakatuwa at nakakakilig ang kwento ninyopanalanginkonamagingmaayosangpag bubuntisatpanganganakmosalamtsapag babahagi ng iyong kwentongpag ibig
Maraming salamat din po sa inyong napakagandang kumento😊