Late na naman ako nagising! Sarap kasing matulog kasi maulan dito sa amin at malamig ang panahon. Naramdaman ko si Cookie kanina umakyat sa kama pero bumaba din nung mapansin niyang natutulog pa ako. Kapag kasi umaakyat siya sa kama hindi talaga ako gumagalaw kasi once gumalaw ka naku alam niyang gising ka na at gigisingin ka na talaga ng tuluyan. Paggising ko at paglabas ko ng room naghihintay na siya sa akin. Gutom na siguro kaya ayan pinakain ko na ng dogfood niya at maya maya ay lalabas na kami for our morning walk. Good morning everyone! Happy Friday and stay safe always.
10 comments
Morning cookie! Play dead ka pala kung gusto mo wag guluhin ni cookie ehehe
Oo sis play dead talaga kapag gusto mo pa matulog. Hehe
Hihi, pag tulog pa bawal magulo . Alam ang rule , bait ahh. Goodmorning sis at kay Cookie☺️
Oo sis kapag tulog kami di na siya nangungulit pero once nakita niyang gumalaw ka naku maglalandi na.
Dogs have a heart and mind like humans sis nakaka tuwa sila
Oo sis tinatawanan ko na nga lang sis pagising ko. Hehe. Pero kapag gusto ko pa matulog play dead nalang talaga ako para di siya mangulit.
ang kinis ng balahibo hehe
Yes po nakakapagganda daw po kasi sa balahibo ng aso ang dogfood. Morning ko lang siya pinapakain ng dogfood kasi minsan nagsasawa ayaw kumain, pinipilit ko lang.
I'm sure this is Hammy. I saw a post about her some minutes ago
Have a great Friday ahead mate