read.cash Log in
@Blendz more from that month

Santol kayo jan, at free na naman! Tindera lang ang peg at kahapon banana cue, now santol na naman ang nilalako ko hahaha. Sayang kasi at niyugyog ng pamangkin ko ang mga sanga para makuha ang mga bunga sa taas. Yun lang, pati yung medyo hilaw napitas din kaya pinulot ko na lang and naka tatlong balde ako. Binabad ko muna sa tubig na may suka at asin para malinis. Nag disinfect and naglaba kasi ako the whole morning at nagkasakit mga furbabies eh so I need to protect baby Thunder the only survivor, hopefully. Sa kanya ako makabawi para sa mga siblings and friends niya. Bukas ko na lang babalatan ang pinulot ko na grasya for ginataang santol and I don't know when ko siya maluto at di ako marunong magbalat ng matured na niyog, yaaaay kawawa hahaha! Si papa or mama pa din magaling magbalat ng niyog so ako lang taga kudkod at bawal na sa kanila. Kaya goodluck when ko ito maluto. Rainy Wednesday dito dahil sa Tropical Depression Caloy, sa inyo din ba? Ingat-ingat sa lahat ng mga pauwi pa lang.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.