Ako
Nagbigay na ba kayo ng tunay na pagmamahal? Nakatanggap na ba kayo ng tunay na pagmamahal? Noon naiwan ka sa gitna mg kawalan Humahagulgol habang bumubuhos ang ulan Ngunit natuto ng iba’t ibang paraan Para kalimutan Ang mga karanasan na nasa libro na lamang ng nakaraan Lahat ng tao ay nakakaranas ng sakit, muhi, inis at galit Pero hindi yan ang paraan upang maghilom ang sugat mong masakit Na parang mantsang dumikit sa suot mong damit Halika at tuturuan kita Para tumila na ang luha sa iyong mga mata Una, balikan ang mga alaala Isipin mo lahat ng ginawa niyang masama Ikutin pabaliktad at gawing maganda Sapagkat ang mabisang pantanggal ng gusot at mantsa Ay yung mga nagawa niya sa iyong maganda Pangalawa, ang pagpapatawad Yung bukal sa’yong loob, yung tipong ika’y mabubusog Sa’yong paglunok ng yong dangal Dahil maniwala ka, yan ay isang mabisang paraan Patungo sa tunay na pagmamahal Pangatlo, ang pagmamahal Isang salita na may sampong titik Kung hindi mo alam ang kahulugan Dahil ang buhay ay hindi isang malaking paghihintay Hindi ito ang pagtunganga Hanggang sa bagyo ay tumila Hindi ito tungkol sa pagputi ng mata Ito ay ang pag-aaral kung paano sumayaw sa gitna ng sigwa Wag mag-alala nandito lang ako Ako na siyang aalalay sayo Iiwan ka nilapero hindi sila ako Aya ibahin mo ako Ako, na magmamahal sayo Kahit hindi mo gusto Ako, na tatami ng mga pagkakamali mo Ako, yung kahit hindi mo naaalala ay nag-aalala sayo
1 comment
Bat naiiyak akoooo? 😭 napakaganda ng iyong gawa. Nangingibabaw ang emosyon❤ gusto ko sana upvote kaso wala nako balance. Hahahhaha