Hanapin
HANAPIN Ang pag-ibig bibihirang dumating Madaming landas na tatahakin Pero wag mag-alala ito’y darating Minsan kang susubukin, ngunit ika’y pasisiyahin Kaya kung ang puso man ay nag-iisa Huwag matakot o mataranta Huwag magmadali ng desisyon Kunting hintay, natrapik lang yun Hanapin mo ang taong ituturing kang tahanan Hindi yung gagawin kang waiting shed at iiwan pagkatila ng ulan Hanapin mo yung taong ituturing kang halaman at aalagaan Hindi yung gagawin kang punong panangga sa sikat ng araw sa initan Hanapin mo yung taong ituturing kang mahalaga Na kahit sibuyas ay hindi hahayaang paiyakin ka Hanapin mo yung taong tulad ko Na kahit hindi mo suklian ay patuloy na nagmamahal sayo
10 comments
Ganda ng atake ahh..gumagawa ka ng kanta kuys?
Hindi po ako gumagawa ng kanta idol.tula lang po
Sayang kuys gusto ko sanang makipag colab ehh
Ay idol hindi ako kumakanta.hindi po ako marunong
💗💗💗💗
Sana po nagustuhan niyo
Naman! Kaso naalala ko tuloy yung naunsiyami kong pag ibig LOL!
Ganun po talaga ang pag-ibig
Sana all mahanap na ang ganyang pag ibig🤪
Sana nga po.hehe