Hindi na mauulit pa. hehe
So sinubukan naming kumain sa isang sikat na Restaurant dito sa amin. Dahil nga gutom na gutom ako nag order na ako ng may Rice.
Naantig naman ako sa nakasulat sa Menu sheet nila. 3pcs Chicken wings. (Ganurn ganurn)
So ayun na nga, nag expect naman ako na may Chicken wings akong tatlong piraso. Fav. ko kasi yun sa part ng manok.
Disappointed ako nung dinala na order namin, hahah Kasi ang reality isang chicken wings na hiniwa sa tatlo! HAHAHA
Sa halagang 139 pesos.
Hmm kaya sabi ko kay bae, wag na natin ulitin kumain dun! Hehe
Siguro kasi mahal ang mga bolihin kaya ganun, pero as in ang liit talaga ng serving nila. hehe
At eto pa, bawal pa mag order ng Pizza kapag isa ang oorderin. Kailangan 2-3 box daw! HAHAHA e dalawa lang kami ni bae. Nakooo...
By the way, thankful pa din, atleast nasubukan namin dun.
Here at Honda shop.
Papa service lang namin yung motor. yun kasi ang bilin nila, na After 1 week daw na paggamit kailangan ipatingin sa mekaniko nila.
Dahil nga first time namin magpaservice, aba hindi namin akalain na may bayad pala. Hehe E halos hinawakan lang yung motorr, then change oil.
Bale 380 pesos yung binayad namin. hihi
Akala ko kasi Libre, dahil sa ibang shop na kinuhanan namin ng motor libre naman kapag may ganyang service.
Wala, na share ko lang ehe
As of now, meron kaming Rabbit na 20+ na, and 5 yung buntis sakanila.
So ayun padami nalang sila ng padami, gastos pa din sa pagkain nila.
Mahina kasi ang benta ngayon, halos wala na talagang bumibili. hmm nakakalungkot naman.
Kaya naghahanap kami kong saan pwedeng ibenta mga ito, like restaurant or kainan sana.. kaso wala dito sa amin, hindi pa nila alam kong nakakain ba talaga yan. hehe
One time nagkatay kami ng ganyan, adobo yung luto, subrang linamnam pala ng karne niyan. Sarap!
nakatikim kana ba ng karne ng Rabbit kanoise??
#NOISECASH
Good morning Noisemate!!
Just wanna share my breakfast,pa Healthy naman ako morning na morning ehe
So i need food kasi na reach in Fiber.. Kaya iyan nilaga ko yung okra, tas sakto namang may bagoong kami na masarap!
Sinangag lang din ang kanin ko for today's videowww! aha
Kayo po ano ulam niyo? KAIN NA DIN PO KAYO, BAWAL PALIPAS NG GUTOM.
#NOISECASH
#MORNINGFOODS
Amazing Testimony.
My mom has a Gallstones.
Iniinda na niya ito One year ago na.. Pabalik-balik kami sa Doc. niya para sa Schedule ng Operation niya, pero until now wala pa talagang date para sa Schedule ng Operation niya. Naawa na din ako kay mama kasi lagi na niya itong iniinda kapag nakakain siya ng kokontra dito sa sakit niya.
Then this day napanuod ko itong Amazing Pure Organic Barley.
Nagbasa din ako ng mga Comments, nagchat na din ako sa Page para itanong kong pwede ba jan yung May Gallstone.
Glad to say na OK NA OK daw siya, then nagpasa din sila ng mga Testimonies ng mga napagaling ng products na ito, lalo na yung may Case na tulad ni mama.
so natuwa ako kasi subrang effective niya, ayun sa mga sabi ng mga nakaranas na.
Bale ang presyo nito ay 999 per box. 10 pcs. na iyun at good for 10 days daw..
Dun naman talaga ako sa Price magugulat hehe Hindi pa ako nag Order, kasi gusto ko ishare dito, baka kasi may makaRelate din dito na nakapagtake na nang ganitong Product.
Praying na sana sa lahat ng sumubok neto maganda ang effect. At sana gumaling lahat ng mga iniinda nila.
Ano masasabi mo dito Kanoise??
#NOISECASH
Before this day ends. Happy monthsary sa aking mahal na mahal na Bae! Yieehhhh...
Bukod naman sa mabait ka at matyaga mas pinagwapo ka pa dahil sa subrang generous mo! Yieeh haha
Thank you for the love, support and care!
Amwaahhpppsss! 😘
Ayurn nag Milk tea lang kami then kumain ng kunting streets food ehe
Solve na! Atleast nakapagdate padin kami ehe
Good evening, maulan dito sa amin, kaya masarap matulog tonight!
Kamusta po araw niyo?
#NOISECASH
Answered Prayer
Thank you Lord for another answered prayer! For almost a year na din namin tung Unspoken Request sa church na prayer namin. And now may kasagutan na!
Nung sabado ng tanghali nagtungo kami sa Malapit na bilihan ng mga motor dito sa amin, then yun ang natipuhan ni Bae ay yung pang chicks na motor ahaha
Pangarap niya tu dati pa. Kaya yun na din ang kinuha niya!
Abot tenga ngiti niya ehh. hehe Support lang din ako ng support. hehe
Pinicturan ko pa For remembrance. haha
May 3 pa kaming Unspoken Prayer Request! Hihi
#NOISECASH
#ANSWEREDPRAYER
Good morning! aha may pa TB ako this morning.
Grabe subrang payat ko pala nung nag-aaral pa ako ng college.
Naglalaro lang sa -48-51 ang kilos ko nun, Sana maibalik pa ang kahapon! Haha
Siguro dahil stress din sa school, then hindi talaga ako tumataba nun dahil sa may sakit pala akong Appendicitis.
Kaya nung mag Fourth year college na ako, Na operahan na ako! Dun na din ako mastrat tumaba until now pataba ng pataba..hehe
Pero Thank God kasi wala na din yung dinadaing kong masakit.
3yrs na ang nakakalipas! :)
#NOISECASH
#TBSTORY
Good morning! Rise and shine.
So hindi lang pala Lindol ang yayanig sa umaga ko, kundi yung Usapang Wedding of the century namin ni Bae! (daw) haha
Our pastor ask kong kelan ang plano namin magpakasal. Woaahh feels like, Hot sit!
Hindi ako kaagada nakapagsalita, then pinagpawisan na ako ng bongga! Nanginginig ang tuhod ganurn!
Di ko di inexpect na matatanong kami nang ganun, kasi wala pa naman kami plano talaga.
So parehas kaming hindi nakapagsalita ehe
I think we're not yet ready, wala pang naka settle sa amin.
Pero there is inside of me na, kailangan na din na mag settle talaga, para mas magamit pa kami sa Church/Ministry ni Lord na walang halong hadlang sa mga gawain namin na magkasama.
And ilang taon na din ako, I think Ok na din! Ahaha
We will pray for that! ♥️
Ang ganda ng sun nuh?? hihi Sunset pala yan kahapon. ehe
#NOISECASH
Friday is Dagat day!!
Kanina ramdam na naman namin ang After shock ng lindol. Pero hindi yun hadlang para hindi kami magdagat ngayon eheh
Ang kalma ng dagat, ang sabi nila kapag daw may lindol maiging lumayo na sa Baybaying lugar dahil may tendency na magtyunami.
Pero ang dami pa ding turista at mga pasaway na taga sa amin, pumapalaot pa din sila para manguha ng isda, yung ibang Tamang babad lang at nagswiswimming. ehe
Makikita sa kabilang bayan na umuulan oh!
Pero dito sa amin subrang init! Kaysarap magtampisaw sa dagat!
Tara ligo na tayoooo!!!
#Noisecash
Isa sa mga dapat wag kainin kapag gusto mong magpapayat ay ang Chocolate or matatamis na pagkain.
Pero ewan ko ba, kong ano pa yung bawal yun naman hinahanap ng taste ko. Huhu
Kaya hirap ba hirap ako magbawas ng timbang dahil sa mga cravings ko na ang hirap pigilan ehe
Fav. ko pa naman tung Bengbeng na kapangalan ko pa! Ahaha
Btw, just woke up!
Kaya nataba dahil tulog at kain is the best!!
ano po meryenda niyo??
#NOISECASH
Dahil sa walang load ang Wifi namin.
Tapos puro bad news yung nasa news feed ng fb ko, mga reklamo tungkol sa mga bayarin nila sa Kuryente, ganurn. . Tas about sa Lindol.
Kaya minabuti ko nalang manuod ng Movie maghapon! hehe
So Naka tatlong movie ako today.
Dr. strange, Sea Beast, and Coco.
Pero yung movie na tumatak sa isipan ko today is yung COCO. hmm nakakaiyak kasi dun sa dulo.
Itutuloy ko ulit bukas manuod. . Good night!
#Noisecash
Ramdam ang lakas ng lindol kanina lang. Grabe, akala ko within Ilocos Province lang, pero ramdam ng halos buong Pilipinas pala.
Tumagal din ito!
Thank you Lord safe ang buong family ko, kahit na ganito lang ang aming bahay, maliit, sa awa ng Diyos sa amin Ok at maayos kami before and after ng Lindol.
Sana walang nasaktan, at napermisiyo ng Lindol sa ating lahat.
Praying!!
God is in Control.
#NOISECASH
Avocado kayo jan!!
Sa ilang araw na pag-aantay namin namahinog tung kinuha namin sa farm na Avocado fruit, sa wakas pwede nang kainin! Yey.. Nauso na naman ang avocado ngayon, kaya naman mamayang hapon damihan namin kumuha para maibenta namin.
Sakto naman na may nag order sa amin ng 22kls...
Sana sipagin kami sa pagkuha mamaya para madeliver din namin today.
Mura lang benta namin niyan, 15 pesos per kilo. Kaya swak sa budget pati lasa!
Bonggaa dibaaa...?
hehe
#NOISECASH
Subrang natuwa naman ako dito sa Binigay ni Nanay ni Bf sakin, pasalubong niya galing Manila. Super cute, and makakatulong sakin sa Spiritual growth ko.
Hindi siya notebook na sulatan ng mga Utangs Haha
Every pages may memory verse, devitional books siya! Subrang natuwa ako..
Share ko langs..Good morning everyone..
Ingat sa mga aalis ng bahay today! Have a good day monday!!
#NOISECASH
Morning Over Think
Gumising ako na puno nang pag-iisip..
Ewan ko ba, dumadating sa punto sakin na kapag nag-iipon ako para sa future ko, Dun naman may problema sa buhay/family ko.
Bumili na din ako ng Budget Pocket para sa savings ko, pero sa tuwing nag-iipon ako, may magkakasakit or may darating na problema na involve ang pera.
Nakakalungkot isipin..
Ayaw ko maniwala sa pamahiin, pero parang nacoconvince na akong maniwala dun. XD
Pero still praying pa din ako, tulad kagabi, dinalaw namin yung kapatid naming bunso dahil na Hospital siya, infection sa Pag-ihi daw, UTI-
Nagbigay ako ng kaunting tulong, tas nagbayad ako ng mga kailangang bayaran..
So ang ending, wala na namang natira para sa Savings ko.
Pero malaki pa din ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil kahit papaano ay nakatulong ako. Iba din kasi kapag family na ang may problema, tutulong- at tutulong talaga ako kahit hindi magsabi si mama.
Hindi ko kaya na nakikita si mama na nahihirapan lalo kapag sa Financial na bagay.
Nung hinalungkat ko yung lagayan ko ng Savings ko, nalungkot ako! Pero nagpray ako na sana kahit walang pera basta healthy ang buong pamilya ko po Lord.
Kasi ang hirap magkasakit sa panahong ngayon. Thankful and blessed pa din tayo! ❤️
Kayo po anong story ng Pag-iipon niyo? hehe
#NOISECASH
#NOISYPEOPLE
Lunch time.
After how many years ngayon nalang ako nakatikip ng Salad na Puso ng saging tyaka Burger Patty ng Puso ng saging.
Perfect ulam tu sa aming lunch!
Mas masarap pa sana kong may Malamig na malamig na Coke. ehe
Malamig na Tubig lang ang available.. Kaya ayun nalang..
Ano po ulam niyo? Tara salo-salo na tayo, Kain na tayooo!
#NOISECASH
Viral ngayon sa amin ang INEC. hehe
Totoo nga naman kasi, nangunguna ang Ilocos Norte sa pagtaas ng bayarin.
Isa-isa na silang nagpopost sa social media.
Puro mga reklamo na mga post nila.
Dati nagbabayad lang kami ng 300 per month sa kuryente namin, ngayon nasa 3k+ na ang aming babayarin.
Madaming mga magulang ang nagrereklamo.
Malaking katanungan sakanila na, bakit ang taas ng kuryente e sandamakmak ang windmills dito sa Ilocos.
Ano masasabi mo kanoise??
#NOISECASH
When in Apayao!
So here we go again sa mga experience ko when we was in Apayao.
Liblib ang lugar at magkakalayo ang bahay, pero may Nagbebenta ng mga milktea, at iba-ibang meryenda. hihi
Ang ganda din ng View sa paligid, puro green. .
Tapos kapag umaga nagfafog ang paligid! Napakarefreshing!
#NOISECASH
When in Apayao!
Grabe namiss ko lang yung lagi kaming naliligo sa Pool na fresh water. As in yung galing sa bundok talaga ang water niyan, bale ginawan lang daluyan papunta sa pool.
Subrang lamig ng tubig at ang linaw!
Yan din galing ang aming iniinum nun, subrang natural lang, tas ayun ang saya kasi puro gulay din ang ulam namin.
Kapag naman isda, puro tilapia lang.
Hindi pa gaanong madaming residente sa lugar dito, nasa 300 katao lang daw ang nakatira kaya subrang refreshing ang place! Nakakatuwa din yung Mayor nila kasi gusto niya bawat bahay may Fish pond at may alagang baboy para sa kanilang mga pasimula. Lahat ito libre galing sa kanilang Government.
Sarap manirahan sa ganitong lugar, sana someday makabili kami ng lupa dito, kahit dito nalang din kami manirahan Haha
Lord willing..
Sana talaga makabalik ako ehe
#NOISECASH
Flex ko lang here yung nahuli ng kapatid ko sa Dagat kagabi hehe
Kaya every morning talaga na isda ang ulam namin kasi gabi-gabi nagpapana yung kapatid ko ng isda sa dagat! Malaking tulong ito na maitawid namin ang ulam araw-araw.
Bawal din mag inarte kasi ang mahal na nang mga bilihin.
Blessings tu!
Tyaka every morning naman ibat ibang isda ang nahuhuli ng kapatid ko kaya halos lahat na siguro ng kinds ng isda natikman na namin Haha
Sarap mamuhay sa probinsiya talaga, lalo kapag ganitong masagana sa yamang dagat.
Sipag at tyaga lang din talaga ang kailangan, dahil hindi naman lalangoy ang isda papunta sa kaldero mo. Hehe
Kayo po ano ulam niyo? ☺️
#NOISECASH
I'm back !! Good evening my Noisemate!
Hindi ako nakapag update dito ng ilaw araw dahil sa busy ako..
Then isa pang dahila, walang signal sa pinuntahan namin.
But for now, thank God dahil nakauwi na kami.
Pumunta pala ako sa Calanasan Apayao Province..Kong saan isang liblib na lugar, dun kami nagturo sa mga bata. So bale ang ganap po ay DVBS. ❤️
Nakakatuwa mga bata sa lugar na yun, dahil sa Uncivilized ang place, bihira lang sila makakita ng Cp, and hindi gaano nila alam sa mga ganung bagay, Mabuti nalang at open pa din sila kahit na baguhan lang sila sa Picture picture na bagay.
Mababait sila, kaya madali lang namin sila tinuruan.
Kamusta din po kayo?? ☺️
#Noisecash
Kung ang ulan ay itlog at chocolate, ok kay sarap ng Ulan.
Wooaahh lakas ng ulan today. Stop over muna, kahit meju malapit na kami sa bahay.
Sad naman para sa driver ko haha
subrang basa na siya ng ulan, hehe
Ano masarap kainin kapag umuulan??
#Noisecash
Good morning everyone!
Late na ako nagising today, napuyat kasi ako kagabi, syempre sinulit din namin yung Bday ko. hehe
Kahit papaano ay naging makulay ang bday ko. Lahat effort ni B! Gumawa lang siya ng Pizza for everyone na dadalo, tas namingwit kami ng tilapia sa Fishpond niya, then naligo kami sa dagat. 💗
This morning, nagkape na ako! Pero purong kape lang yung ininum ko, nag try ako once dito sa Probio strong coffee, masarap yung lasa niyan, parang 3in1 lang din. Ang kaso iba ang effect sa akin, sumakit yung tiyan ko, tas dalawang beses akong nagPoop. Haha
Kaya naisip ko, baka pangpapayat yan! Haha Pero hindi ko na ulit sinubukan, natakot na ako. Uminom din si bf niyan kahapon, subrang lakas daw ng heart beat niya after uminom, tyaka feeling niya parang mahaHigh blood siya. Nakoo ano ba yan! Haha Kaya Tambay nalang ito sa bahay.
isang cartoon nalang di nauubos ehe
Natry mo na ba ito g kape na ito kanoise??
#Noisecash
HAPPY BIRTHDAY TO ME.
Grabe nagising nalang ako today na ang daming greetings sa messenger ko. ehe
Bday ko pala ngayon, legit!
Pero hindi akin yang baloon ah, napicturan ko lang yan kahapon ehe
Sakto ito nalang ipost ko dito!
Pansin ko talaga sa sarili ko, tuwing bday ko wala akong pera! Ahahha
Sumpa ba tu?? hmm
Kaya stay nalang siguro ako sa bahay maghapon! Char.
Ganun na nga din pala, Matured na din ako kasi ayoko nang PaBida sa bday ko, ayoko na ng handa-handa ganurn. Gusto ko nalang PERA! 🤣
So ayun, sana may magsend. Gcash # here..wahahaha Charixzxzz!
Maulang gabi mga kanoise!
Grabe biglang lumakas yung ulan dito sa amin.
Bigla ko tuloy naalala yung mga nasa school, Graduation program kasi nila ngayon..
Tapos sa Ground pa yung events. Walang sisilungan, plus nawalan pa ng kuryente ngayon. hmm! wawa naman sila.
Kuha ko yan kanina, nasa tricycle ako kaya magulo ang kuha! Haha
Galing kami sa terminal ng Florida, hinatid namin sila mama na puntang manila.
Buti nalang may upuan pa sila sa bus, kasi nakalimutan naming magpareserve kahapon.
#Noisecash
#Owncontent
Sign na ba ito na simula na ng tag-ulan?
Sa kwarto namin hindi lang daga ang umaaligid pati mga Umang.
Nakita namin tu kagabi, pero ngayong umaga lang namin nilabas. hehe
Iba din talaga kapag malapit ka sa bundok, sapa, ilog, madaming kakaibang nilalang na maninirahan din sa bahay mo.
Ok na ito saakin, basta wag naman sanang Ahas! hehe
Pero one time ganun din, may ahas din sa Kwarto namin nun! Hahaha Lol
Nakakatawa yun kasi akala ng kapatid ko panali lang ng Buhok, dadamputin na niya sana kaso gumalaw, yun pala ahas! Hayss
Nakakakilabot Naman!! Takbuhan kami syempre. Ang dami pa namin nun sa Kwarto kasi naglalaro kami ng UNO hahaha
skl.
YAMANG DAGAT
Ayun oh, nadaing na yung aming nakuha nung isang gabi sa Dagat!
Inilawan namin ito, tas dinampot lang sa dagat. Mahirap siya gawin, pero subrang nakakaEnjoy! Lalo pa't marami kami kaya subrang saya. Exciting!
Thank you Lord sa experience na ganito, Nag-enjoy na kami, May ulam pa kami!
"Danggit" sa tagalog ang pangalan neto, subrang sarap niya kapag ganitong Daing.
Less na kami sa Tuyo ngayon kasi may Danggit na kami! 🤗
#Noisecash
#NoisyPeople
Puyat yarn??
Halos gabi-gabi na ata silang napupuyat! Kasi every morning routine nila is matulog!
Tas kahit anong pwesto nila, nakakatulog pa din sila ng mahimbing. Haha Ang galeng!
Siguro na busy na naman tu sa pagHunting kagabi..haha
Umagang-umaga tulog.
Ganito din ba pusa niyo??
#Noisecashh
BUKO for now.
Nakakamiss uminom ng buko! Madaming buko dito sa amin kaso walang aakyat! hehe
Ayaw ko din paakyatin yung mga nakakaalam kasi baka magkamali sila ehe
Ito ang kagandahan sa province na puno nang Buko ang paligid , anytime na gusto mo ng uminom ng tubig ng buko makakainom ka basta ba may taga akyat ka! Haha
Ako hindi marunong umakyat, wala ding taga akyat! hehe
Fresh buko, hanggang imagine nalang muna kita. ehe
#Noisecash