read.cash Log in
@Bebzzy more from that month

Morning Over Think Gumising ako na puno nang pag-iisip.. Ewan ko ba, dumadating sa punto sakin na kapag nag-iipon ako para sa future ko, Dun naman may problema sa buhay/family ko. Bumili na din ako ng Budget Pocket para sa savings ko, pero sa tuwing nag-iipon ako, may magkakasakit or may darating na problema na involve ang pera. Nakakalungkot isipin.. Ayaw ko maniwala sa pamahiin, pero parang nacoconvince na akong maniwala dun. XD Pero still praying pa din ako, tulad kagabi, dinalaw namin yung kapatid naming bunso dahil na Hospital siya, infection sa Pag-ihi daw, UTI- Nagbigay ako ng kaunting tulong, tas nagbayad ako ng mga kailangang bayaran.. So ang ending, wala na namang natira para sa Savings ko. Pero malaki pa din ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil kahit papaano ay nakatulong ako. Iba din kasi kapag family na ang may problema, tutulong- at tutulong talaga ako kahit hindi magsabi si mama. Hindi ko kaya na nakikita si mama na nahihirapan lalo kapag sa Financial na bagay. Nung hinalungkat ko yung lagayan ko ng Savings ko, nalungkot ako! Pero nagpray ako na sana kahit walang pera basta healthy ang buong pamilya ko po Lord. Kasi ang hirap magkasakit sa panahong ngayon. Thankful and blessed pa din tayo! ❤️ Kayo po anong story ng Pag-iipon niyo? hehe #NOISECASH #NOISYPEOPLE

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.