Paluwagan Another paluwagan ang sinalihan ko. Super saya ko kasi yung isa kong paluwagan na Dish Cabinet matatapos na next month. Kahit sa ganitong paraan man lang ako makaipon ng Gamit okay na, kahit paunti-unti at meju matagal ang pag-aantay. So eto yung next na paluwagan ko, kailangan ko kasi ng paglagyan nang iba kong damit, lalo na yung mga dapat naka hanger. Sisimulan na namin tu kasi puno na din ang slot. Bale 100 per week ✨ Tapos ang # ko is 16 😂 Sulit na din kasi hindi ko naman kaya bumili ng hindi hulugan 😁 Paluwagan pa more!
5 comments
Sa ganyan din ako nakaipon ng gamit sis di pa masakit sa bulsa😊
Maganda nga iyan atleast may mapupuntahan ang iyong pera.
Maganda rin sa paluwagan kasi hindi ka mabibigla sa pagbabayad.. Kung baga di masisira ang budget..
Tama sis pariho tayo hindi kaya ang isang bilihan kailangan hulog hulogan para magka ganyan na gamit hihihi
Maganda nga ganyan paluwagan sis. Nakakaipon ka ng gamit :)