Hello noise mate. Start na naman ng pasok ng mga bagets natin. Kagabi na papayag ako ng mga anak ko mag punta kami ng perya. Buti nalang di umulan maganda ganda ang panahon. Ayun medyo napa sobra amg gastos namin kagabi sa mga rides. Nag bingo pa ako. Bokya naman hahahaha. Medyo malayo tong peryahan na ito samin. Dinayo pa namin. Enjoy na enjoy naman ang mga anak ko, kaya nasulit din ang gastos. Ang dami ko pa din dapat gawin ngayun araw na'to. Ngayun kami babalik sa sementeryo. Dahil napaka lakas ng ulan kahapon. Mamimili pa ako ng mga bulaklak. O sya akoy gogora na muna. Maghahtid ng mga bata sa school. Babush na muna.😊
11 comments
nako nakaktamad nga may pasok na
Nabutas ba sis ang bulsa mo? Haha. Hindi bali ang importante ay nag-enjoy kayo. Goodmorning
yes sis. butas na butas ... Pero ok lang worth it naman masaya mga kids
Parang nakakatamad nga din magtrabaho. Bitin kasi bakasyon.😁
ahahah.. Mag leave ka din ng matagal tagal kasi
Sa December na lang mga last week
diretso new year na yan.
syempre sis
Yorrrnn tumama na sa sis hahahah
Morning ingat palagi 😇
ikaw din sis