Ito ang pinagkakaguluhan ngayon ang sorbetes o "dirty ice cream”. So bakit nga ba ito tinatawag na ganon? Madumi ba yung icecream? Grabe naman daw ang tawag sa icecream 😅Pero may history kasi yan sa pagkakaalam ko. 😅 Hindi ba madalas mong makikita itong binebenta sa kalsada (saan pa nga ba? syempre mausok, ganon..etc..) tapos nung bata ako sabi sakin kaya tinawag itong dirty ice cream kasi nga pag hinahawakan yung cone ay walang gloves si mamang sorbetero tulad nitong nasa larawan galing sa google (alam daw ba natin kung saan niya inihawak ito?) Dun din nila sinabi skin na huwag daw kakainin yung tip ng cone kasi diba dun nga humawak. 😂 Ayon ang alam kong story ng dirty ice cream na peborit ko parin syempre hanngang ngayon, lalo na ngayong tag init! Ngayon nakagloves na yung nagbebenta sa amin at may tissue na yung cone unlike nung bata bata ako. (May mask narin syempre dahil sa pandemic) Share ko lang. Common to lalo na pag baryo at province 😁
No comments yet