Madami nagtatanong paano ba mapapagkasya ang pera nila sa pag papagawa ng kanilang bahay. Aking sasagutin ang katanungan na ito. Ang pagpapagawa ng bahay o ng iyong dream house dapat may sapat na ipon ka, dapat alam mo narin ang kakalabasan ng iyong dream house o sa madaling salita nakaplano na, pag may sapat ng ipon, susunod na katanungan paano ito mag kakasya, ang iyong ipon ay kakasya dahil nakadipende po ito kung paano ka magiging hands on sa project na bahay mo. Kung ikaw mismo mag cacanvass ng materials and equipments tapos makakakuha ka ng mabait na contractor sure na kakasya yan baka may pasobra pa. Pero kung iaasa mo lang sa Estimator or mga Contractor lahat sure na kukulangin. Madami kasi need iconsider dyan na factors isa na yung months ng pagpapagawa niyo ng bahay, months kung kelan niyo bibilhin ang materials. Kung pupunta ba kayo sa skilled or sa nakapagtapos sa kursong related sa paggawa ng bahay. Location o terrain saan ipapatayo ang magiging bahay. Magiging weather habang pinapatayo ang bahay. Kaya better talaga alam mo season kelan best magpagawa ng bahay at bumili ng materyales. Key lesson: Maging Hands on ka sa Bahay mo.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet